1/22/2010

Nang hinugot ni alkapon ang nakabaon sa matagal na panahon

The return of the comeback. Ang muling pagbabalik ni alkapon sa kalawakan at muling maghahasik ng kapekpekang kwento at mga kwentong barbero na wala pa ring kwenta ngunit nagkakaroon naman ng katiting na kwenta kahit papano ang aking mga kwento kung meron kayong komento at makuntento na magbasa sa aking mga kwento kabilang na ang mga dupang na tao at tambay sa mga kanto na malapit sa panulukan ng malabon at monumento.

Medyo may kahirapan din pala ang bumangon at umahon sa pagkakalugmok at pagkakabaon sa kumunoy na sinuong, na halos mawala na sa matinong pag-iisip dahilan sa pagkakawindang sa mga pangyayaring kaganapan na hindi ko kelanman inasahang ito’y magaganap sa kabila ng aking pagkaka-alam na matatag kong katayuan. Higit kailan man hindi ko rin inasahan na ang mga kapwa ko tao na aking tinulungan, inalagaan at pinagkatiwalaan ang siyang wawasak sa pader na aking itinatatag sa mahaba ring panahon, at kahit gaano pala katibay ang iyong pundasyon, mala asero o bakal man ang iyong pagkatao kung ito’y kinapitan na ng sangkaterbang kalawang na hindi mo inaasahan at nalalaman, ito’y unti-unting guguho. Sa madalang sabi, nag-alaga ako ng mga Aso na siya rin pala ang nagkakalat ng mga tae sa bakuran ko at mismong kumagat puwet ko.

Kung kaya’t kamakailan bago magpasko, ay muli akong nangibang-bansa, at sa pagkakataong ito, kasama ko naman ang buo kong pamilya na sumakay sa sasakyang pang-himpapawid patungong Europa at duon ginunita ang kaarawan ni bro at sinalubong ang bagong taon kaalinsunod ang pagkakalimot sa mga pangyayaring naganap, at doon, ako’y nagkaroon ng pagkakataon na nakapag-isip, pinagsisihan at itinuwid ang nagawa kong pagkakamali, at higit sa lahat sinikap na makabawi alang-ala sa mga mahal ko sa buhay. Ako’y nadapa ngunit kagyat ding nakabangon at muling hinarap ang panibagong hamon ng buhay at labanan na may paninidigan at prinsipiyong mas matibay.

Nadapa man ako, nasubsob man ang mukha ko sa burak at putik, at kahit man na swak ang pagmumukha ko sa mala-bilaong tae ng kalabaw, madali ko namang nalinis at naibalik sa normal ang mala-adonis kong anyo, nahugot ko rin ang matulis at mahabang na akin din ibinaon sa mahaba-haba ring panahon,……..….ang tinik sa aking dibdib na nagdulot ng kirot at pasakit.

Hindi tulad ng mga hinayupak na ngumatngat sa aking puwet, kasama na ang malanding talipandas na kinakalyo ang tinggil na hanggang ngayon ay kinakamot pa rin ng buwitreng kumakain ng karneng hilaw, maski ubusin niyo man ang hinuthot niyong pera sa akin sa pagpaparetoke ng iyong malaswa at mabantot niyong pagmukmukha kay doktora Belo, wala ng pag-asa na pagbabago. Mabuti pa puntahan nyo na lang si madam auring para magpahula sa kanyang bolang kristal upang alamin kung may pag-asa pa ba na magbago ang mala impakto ninyong anyo.

Baka hindi n’yo pa nakikita ang inyong mga sarili sa salamin???.. ipapakita ko sa inyo.

Eto o............



Ang perpektong kumbinasyon ng mga pagmumukha ninyo, mga hinayupak kayo.......... kumbaga sa tinatakal na ulam sa karinderya, pinagsama-samang pinapaitang kambing, sinampulakan pato, sinabawang dila ng baka at binagoongang baboy.

Amfafanget nyooooo?....buseeeeeeeet!!!!

25 comments:

Chingoy said...

base ako!!! welcome back al-kapon...

aba naman, europe lang pala ang katapat ng iyong pagkakalugmok hahaha

masaya ako't magkakaniig na naman ang aking mata at ang iyong mga isinulat na salita.. :)

Chingoy said...

˙˙˙ɐu ıpuıɥ ɐuɐs ¿uoou oɯ ɯɐpɯɐɹıʞɐd ƃuɐ ɐq oʇıuɐƃ ˙˙oʇı oɯ uıɥɐsɐq ˙˙˙ɐƃu ǝƃıs 'uodɐʞ-lɐ

Alkapon said...

Namputsa ka chinggoy, nagka windang windang nga ako ako noon, pahihirapan mo pa akong magbasa sa komento mo.. lalo ako mahihilo nyan..

para tuloy akong sira ulo na binabaliktad ko pa ang aking ulo para lamang basahin ang komento mo.. hek hek hek hek.

Mokong™ said...

welcome back!!!! tagal mong nawala tol... musta naman sa mental?

Mokong™ said...

Pahabol... painom ka naman..celebrate natin paglabas mo sa mental...

Arvin U. de la Peña said...

maligayang pagbabalik..

kox said...

Soxalen talaga c daddy. haha.. nextym, sama naman kme. hehe//

welcome back ^^,

halatang namiss mo ang pag blo-blog ah. namiss ka din naman ng blog mo. :]

anteros' dominion said...

uy welcome back..nag-ala pacquiao kay krista ranillo ba?

ahahahaha./..

peace///

muwaaah

Jepoy said...

Alkapown Tawa ako ng Tawa puta ka! Kasi ang bitter parin ng sulatin mo. Halatang di ka pa masyadong move on sa kinalantareng mong si Talipandas girl ahahaha

Bago ang totoong koment ko ang yaman mo pala. Akalain mong lumipad ang buong pamilya mo sa Europe. Punyeta ka kahit isang gummy worms wala manlang akong na receive!

Pero pre tama ang iyong ginawa mag concentrate ka nalang sa iyong pamilya at mag sulat ng bonggang bongga dito sa Alkapown website mo.

God Bless and More power!

glentot said...

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuck nagbalik ka na naman akala ko nasa langit ka na ahaha

Tsk tsk tsk kaya pala hindi ka makamove on PAGKAGANDA-GANDA NI ATE!!!

Buti nagbalik ka na namiss ka ng mga fans mo! Teka asan na ba sila hehehehe.

taga-bundok said...

NO COMMENT!!!!!!!!

wala akong masabi....

kakaibang post 'to pareng berting. :D

WELCOME BACK!!!! haha... speechless ako sa post mo.

citybuoy said...

welcome back!

Alkapon said...

@ Mokong, ayos naman 'tol, kahit papaano ako pa rin ang pinakmatinong sira ulo na napasok sa loob ng mental..

Ulol.. he he he.

wala lang, nagpalipas muna ng panahon sa europa at humugot ng lakas ng loob upang harapin ang panibagong pag subok ng buhay.. at least ngayon nawala na ang topak ko sa ulo. he he he he

Alkapon said...

@ Arvin, salamat parekoy akala ko, tuluyan nyo na rin kinalimutan ang site ko...

@ Kox, na miss ko rin kita.. musta na ang pag aaral mo? baka naman puro bagsak lahat ang grado mo.. papaluin kita sa pwet.. he he he

Alkapon said...

@ Antero,Parang ganun na rin, he he he..

it's nice to be back..

@ Jepoy,mas mainam pa rin kasi ang lumabas ng bansa kung me dinadalang mabigat na problema, kesa manatiling narito sa pinas, baka tuliyan lang ako mapasok sa mental kung nakikita ko pa rin ang mga fanget na pagmumukha ng mga hinayupak.

Alkapon said...

@ Glentot, naku masamang biro yan.. he he he... baka lalo lang kaming magkagulo dun, he he he..

namiss ko talaga ang blogging, tinangka ko na ngang tuluyang iwanan ang site ko, pero hindi ko ginawa alam ko babalikan ko rin.

@ Anjong... ang dami mong alyas..ang hirap halukayin kung ano talaga ang tunay mong identity...musta na?

@ Citybuoy, tenk yu beri big parekoy..sala mat at di pa rin kayo nakalimot.

I am Xprosaic said...

Bah! sosyal! sa europe! penge na lang ng postcard! jejejejejeje

DRAKE said...

Bat ang yaman mo? Drug lord ka ba?

Mukhang di ka pa rin nakakarecover kay talipandas girl.

Hoy, di ka bumibista sa kwarto ko!I hyetchu

Ingat

Jag said...

makahithit nga muna ng Al Capone...
jijiji...napakatutyal mo tlga bosing...napadpad k n s Europe pero d k mn lang napapadpad sa blog ko *tampurorot*...

welkambak!

Yj said...

hindi ka man lang nag uwi ng european boys para sa akin?


anyways welcome back... at simulan na ang taon ng more more happiness... sabi mo nga, mga chakaret naman sila kaya flip nalang ng hair at kalimutan mo na sila....

:)

Alkapon said...

@ xprosaic, cellcard ayaw mo?

@ Drake, dadalawin din kita wag ka mag tampo.. di bagay sau.. he he he
hindi ako drug lord.. hweteng lord lang.. ha ha ha

@ Jag, papasyalan ko rin kayo, don't worry be happy.. he he he

@ YJ, aanhin mo ang europian boys?.. puro supot mga yun? ha ha ha ha

Alkapon said...

@ xprosaic, cellcard ayaw mo?

@ Drake, dadalawin din kita wag ka mag tampo.. di bagay sau.. he he he
hindi ako drug lord.. hweteng lord lang.. ha ha ha

@ Jag, papasyalan ko rin kayo, don't worry be happy.. he he he

@ YJ, aanhin mo ang europian boys?.. puro supot mga yun? ha ha ha ha

Mac Callister said...

naloka ako sa post na ito kakaantig ng damdamin!LOL

bongga nag europe nun pasko!!!

pEDo said...

ayuttt... kala ko mukha ko na yun :D

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,a片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,性愛