Tao din lang ako, marunong din masaktan, hindi na rin lingid sa inyong kaalaman ang mga pangyayari sa akin sa mga nagdaang araw, inaamin kong labis din akong nasaktan, kasi nga ordinaryo lang naman akong tao hindi naman ako kapre o halimaw. Bagama’t ako’y me buntot, anim na pulgada lang naman ang haba nito, at sa harapan pa tumubo hindi sa likod, na me dalawa pang bola ng jackstone na tumatalbog kapag ito’y inaalog.
Tumpak ang kasabihang, “learn from your experienced”. Tama, marami talaga akong natutunan sa mga karanasan ko sa buhay, hindi porke’t nakamtam na lahat ang mga mithiin o mga bagay na gustong maabot at makamit maging ito ma’y ambisyon o personal na bagay ay hindi na marunong tumanggap ng pagkabigo, bagkus ito’y gawin na tungtungan upang muling bumangon mula sa pagkakadapa. Tama si Jepoy, I need to move on.
Ang higit na natutunan ko, ay huwag labis magtitiwala dahil marami sa paligid na nakangiti sa iyo, ngunit ang iba sa kanila ay ngiting aso, abutan mo ng isang kamay ngunit buong katawan ay gustong hilain, pagkatapos mong bihisan at pakainin, pagdating ng araw ikaw din pala ang kakagatin.
Ang mga material na bagay o mga pag-aari ay dapat well secured, hindi dapat ma-penetrate ng iba, kailangan ng ibayong pag-iingat, parang virus din yan sa mga computer, mga pen drive na kung saan-saan isinasaksak, at kapag ito’y naisaksak sa iyong computer ay may tendency din itong maka- contaminate, at baka ma corrupt pa ang mga files, at baka pati ang buong operating system ay hindi na mag function ng matiwasay.
In order to avoid virus, there must be “username” and “password”.

