12/18/2009

Virus

Bahagya akong nawala sa mundo sa blogsperyo, sa kadahilanan nitong nagdaang araw ay nawalan ako ng gana upang mag blog, halos hindi ko binubuksan ang aking computer, hindi ko rin nabubuksan ang mga iba’t-ibang website na aking binibisita, maging ang sarili kong blog at mga site na nakabalandra sa aking blogroll, mga komento lang ang aking binabasa.

Tao din lang ako, marunong din masaktan, hindi na rin lingid sa inyong kaalaman ang mga pangyayari sa akin sa mga nagdaang araw, inaamin kong labis din akong nasaktan, kasi nga ordinaryo lang naman akong tao hindi naman ako kapre o halimaw. Bagama’t ako’y me buntot, anim na pulgada lang naman ang haba nito, at sa harapan pa tumubo hindi sa likod, na me dalawa pang bola ng jackstone na tumatalbog kapag ito’y inaalog.

Tumpak ang kasabihang, “learn from your experienced”. Tama, marami talaga akong natutunan sa mga karanasan ko sa buhay, hindi porke’t nakamtam na lahat ang mga mithiin o mga bagay na gustong maabot at makamit maging ito ma’y ambisyon o personal na bagay ay hindi na marunong tumanggap ng pagkabigo, bagkus ito’y gawin na tungtungan upang muling bumangon mula sa pagkakadapa. Tama si Jepoy, I need to move on.

Ang higit na natutunan ko, ay huwag labis magtitiwala dahil marami sa paligid na nakangiti sa iyo, ngunit ang iba sa kanila ay ngiting aso, abutan mo ng isang kamay ngunit buong katawan ay gustong hilain, pagkatapos mong bihisan at pakainin, pagdating ng araw ikaw din pala ang kakagatin.

Ang mga material na bagay o mga pag-aari ay dapat well secured, hindi dapat ma-penetrate ng iba, kailangan ng ibayong pag-iingat, parang virus din yan sa mga computer, mga pen drive na kung saan-saan isinasaksak, at kapag ito’y naisaksak sa iyong computer ay may tendency din itong maka- contaminate, at baka ma corrupt pa ang mga files, at baka pati ang buong operating system ay hindi na mag function ng matiwasay.

In order to avoid virus, there must be “username” and “password”.



57 comments:

karoger said...

tumpak! :)
sana nga hindi ka na mavirrus-an.
at kung sakaling magkavirus ka ulit, sure naman tayong makakahanap at makakahanap tayo ng solusyon para dyan! :)

I am Xprosaic said...

Syet! di na naman ako nakabase... jijijijijiij... pero UU nga ano di man lang namin naisip na pwede din pala yun mangyari sa iyo... iba kasi nasa utak namin... jijijijijiji

Ingats! ingats!

abe mulong caracas said...

hindi kaya ano lang yang nararamdaman mo? yun bang may parang kikibot kibot na may gusto kang ilabas? yung gustong pumutok o sumabok?

sipon ba? di kaya gusto mo lang suminga para mas makahinga ka?

hehehe peace!

Arvin U. de la Peña said...

baka iba na iyang nararamdaman mo..galing ka kasi ng japan,hehe..

5 of 5..last post for this year..ang pagbibigay ng kaunting sakit ng ulo..good luck sa pag iisip..

gillboard said...

adik ka nga sa blog... 2 araw ka lang nawala ah!! hahahaha

naaalala ko sarili ko sa'yo noong sobrang aktibo pa ako sa pagsusulat..

taga-bundok said...

Pareng Berting, mag-install ka ng anti-virus. Yun bang madetect agad kung may talipandas na aaligid-aligid. Pero, sana lang... Maingat ka.

Nga pala, pa-share naman ng username at password? Puede naman diba? Haha!

Mokong™ said...

pag sinisipag ka magblog...damihan mo na..schedule mo lang o draft...

Yj said...

no Jepoy is wrong.... you don't need to move on... you need to MOVE OVER...

so come on over.... come on over baby.... hahahahaha

just trying to make you smile...:)

PUSANG-kalye said...

naku--me negative vibes bang nakapsok? dapat na talagang lagyan ng username and password yan. hehe

Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
Dhianz said...

in His time everythin' will be ok... smile... have a merry christmas... Godbless! -di

Chingoy said...

pakatandaan Kaibigan, happiness is a choice.....

and so is AGONY... :)

Jag said...

Kaya mo yan bosing...mkaka move on ka din...kng pwede nga lang sana na may password para hndi ma-virusan ng iba hayz!

ana banana said...

Parang medyo malalim ang pinaghugutan mo sa entry mo na to ah... at kailangan mo nga ng matindi tinding anti virus... Di bale you can do it! anumanyan... hehehe Meri Christmas sa'yo.

Lee said...

nawala kaba?alam ko ako nawala sa ere eh!
tagal mo rin pala maka move on nyahahaha.
tara, inuman tayo!

Chingoy said...

eto totohanang imbitasyon... inuman tayo... :)

Patricia ♥ Ashika said...

i like this one:
"Ang higit na natutunan ko, ay huwag labis magtitiwala dahil marami sa paligid na nakangiti sa iyo, ngunit ang iba sa kanila ay ngiting aso, abutan mo ng isang kamay ngunit buong katawan ay gustong hilain, pagkatapos mong bihisan at pakainin, pagdating ng araw ikaw din pala ang kakagatin."

advance merry christmas!

gege said...

nakoOo.
hirap ako dyan...
'move on'
self inflicted pain...
adik ko dun.
go kuya!!!
kung anu man yan...
go!
hirap man, isipin na lang natin na marami pang virus sa paligid. kung magpapakalugmok tayu... baka hindi natin mapansin na ibang aspeto naman ng ating buhay ang ma-virusan!
(anu daw?)

gogogo!!!

salamat sa pagbisita!
:P

glentot said...

At special mention ang Jepoy pekpek

p0kw4ng said...

di ako nakarelate sa post na ito kaya kinailangan ko pang mag back read...ahahaha tsismosa ako!

sensya na at ngayon lang napadaan..naging masalimuot din ang buhay ko lately,hihihi

sana ok ka na ngayon..masakit lang yan sa una...habang tumatagal eh sumasarap na yan...hihihi

fiel-kun said...

AVG anti virus - mahusay na panglaban sa mga kompyuter virus ^_^

Huy parekoy, wala bang handaan dito sa Pasko?

fiel-kun said...

AVG anti virus - mahusay na panglaban sa mga kompyuter virus ^_^

Huy parekoy, wala bang handaan dito sa Pasko?

yiN said...

Tulala. Tol, tila tulo'ng talipandas? Hahaha.

Life Moto said...

Tama yan dapat secure and system mo lalo na may conpidensyal files ka. Merry christmas dyan bro!

mr.nightcrawler said...

now i feel bad... pasensya ka na parekoy at ngayon lang ulit ako napadpad dito. di bale, kung ano man yang dinaramdam mo, lilipad din yan. time heals all wounds. alam mo bang nalungkot din ako habang binabasa ko to.. kasi naalala ko, wala palang anti-virus itong laptop ko. sh*t. malagyan na nga. u'll be fine parekoy :P

darbs said...

ang lalim naman ng talinghagang ito... akala ko ba "Anti-Virus" ang kailangan hindi username and password. hmnnnn... balikan ang ilang blog entry.

missGuided said...

onga.*to darbs* dapat may anti-virus ka para secure!! :) haypee new year!

Ax said...

gonorrhea ba yan?

aw, joke lang. hehe.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

merry christmas!

hehe akala ko kung ano! ang pilyo talaga nito.

ung utol mo palang si dencio, nagsara na ng blog.

Mr. Nonsense said...

kawawa naman at umubra na naman ang herpes natin. valtrex, pare, valtrex

tim said...

whoah, katakot yun ah...

PUSANG-kalye said...

New Year's Day is every man's birthday. Happy New Year Everyone.....

Lio Loco said...

may virus ba kamo? madali lang 'yan. i-reformat mo ang buhay mo para mawala ang virus. gaya ng ginagawa ko. wag mo lang kalimutang gumawa ng backup ng mga mahahalagang parte ng buhay mo.

happy new year parekoi! make a ruckus in 2010 and grab it by the balls!

Jag said...

Bosing nagka-virus k b? or busy lng? lolz!

Happy New year bosing!

TitikNiNuno said...

Pareng Berting!
Buhay ka pa ba? New year, New life! :)

Jag said...

I have something for you!

Lee said...

happy new year,hanap ka nalang ng new dear jejeje.

wanderingcommuter said...

love virus
effect: hirap mag moveon

treatment: another love virus. hahaha

livingstain said...

kumusta alkapon, navirus din ako kaya hindi ako nakakadaan...
anyway nagpapapansin lang ako kasi baka akala mo nakalimutan na kita.

Mr. Nonsense said...

hanggang ngayon ay my herpes ka pa rin?!

Miss AiE said...

hello po, pwde link exchange?

shoot me an email at sassyprincessaie@gmail.com kung pwede :P

thank you
http://www.aiesalas.com

Reesie said...

Happy New Year, Alkapon. Miss na kita. ;-P

Babae lang yan, dami diyang iba. :D

Mangyan Adventurer said...

Happy New Year Al!


I hope isa ka sa mga ma meet ko this year of the Tiger!

ALbert a.ka. Alkapon said...

Pasensiya na kayo mga kapatid, matagal akong nawala sa kalawakan,at hindi na naka update ng blog ko.

pero gusto kong malaman nyo na hindi ko kayo nakalimutan, dahil sa mga inutang niyong kaserola, payong, arinola at kung ano ano pa.. he he he.

siya nga pala. happy new year na rin, happy 3 kings, happy bukings.. ha ha ha.


Lumabas kasi ako ng bansa, galing ako sa europe para makapagliwaliw sa masaklap napangyayari, kasama ko ang buong pamilya, duon nagpasko at nag new year.

Ngayon nandito ako sa Tundo, ang lugar ng kapanganakan ko, d2 ko gugunitain ang kapistahan ng poong nasareno at pista ng santo Nino.

mabuhay kayong lahat, babalikan ko ang blog ko, pag matino na ang pag iisip ko..

nagsara na pala si poareng dencio.

Lee, i luv you.

Chingoy said...

aba aba, bigtym ka ha? may europe ka pang nalalaman?! ehheheh
buti naman ok na brod.

inuman na!!! yahu!

Ax said...

kamusta ka at ang virus? nakuha mo na ba ang anti-virus?

Random Student said...

pati nga nano may password din. siguro para sa mga scandal na video.

Mga Epal said...

Ah sana nga ay makabalik ka sa pagsusulat kid.. nagustuhan namin ang pag daan dito sana tuloytuloy lang.

gamitin mo ang negative energy na iniwan nung malandi para ipangsiga sa blog mo..

Solo said...

lahat natututo :D

Jules
Soloden.Com
Travel and Living

glentot said...

Where na you buhay pa ba you wahehe

taga-bundok said...

buhay ka pa ba?!
teka, ba't si lee may "i love you" ahahaha!

Jepoy said...

Alkapoooooooooooooooooooooooooo! Ang kidlat ng Malbonnnnnnnnnnnnnnn! Mag sulat ka na ulet flsssss...

Mangyan Adventurer said...

Kailangan ba talaga iyon?


Sabagay... Kailangan safe...

Life Moto said...

what ever na pinagdaan mo bro. i hpe na maovercome mo yan with His guidance and counselor.

livingstain said...

himala nawawala si alkapon

kala mo hindi kita pinapasyalan noh... ingat lage

Anonymous said...

I just got my first computer and I want to protect it the best I can with Anti-viruses, spyware, firewall and anything else that might affect my computer. It's an Acer Laptop with Windows 7, 3GB. What's the best Anti-Virus, Spyware and Firewall protection out there? Please help. Thanks! [url=http://gordoarsnaui.com]santoramaa[/url]

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,a片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,性愛