12/01/2009

Amoy pasko na naman


Parang kailan lang kung tutuusin yung nakalipas na pasko, at ngayon ilang araw na lang pasko na naman, ang bilis ng araw, isang taon na naman ang lilipas sa mundong ibabaw.

Marahil ang iba sa atin ay may nakapagtayo na ng Christmas tree sa loob ng bahay, may Christmas light na rin at parol na nakasabit sa bintana, abala na sa pag hahanda ng regalo para sa mga kamag-anak, at siyempre para sa inaanak.

At marahil din ang iba sa atin ay naghahanda ng aginaldo hindi lang para sa inaanak, ngunit pati na rin sa mga inaanakan. ha ha ha ha, sino ba ang guilty dyan? magsalita lang at hambalusin ko ng dos por dos.. he he he.

Sa tuwing darating ang pasko, siguro masasabi kong isa na ako sa pinaka busy sa mga preparasyon, dahil marami akong kamag-anak na dumarating sa bahay upang maki-ambon sa mga biyaya na aking natatamasa sa loob ng buong taon. mangyari po eh, nagsisilbi akong Santa Claus sa mga kaibigan at kamag-anak kapag dumating ang araw ng kapanganakan ng ating poong maykapal, at yun eh, parang panata ko na rin sa buhay, dahil po sa naniniwala ko na, the more you share your blessings, the more you receive more blessings. Ibig pong sabihin huwag maging madamot upang hindi ka mapanot. oopps! sorry po sa mga kinakalbo na dyan. he he he.



Siyanga pala mga kapuso, ito'y pangako ko kay pareng darbs, ang blogger ng exodian.wordpress.com na i-post ko ang isa niyang video dito sa aking blog bilang panimula ng araw ng pasko, nais po lamang niyang mangarolling hindi po sa hihingi ng sentimo na pangkaraniwang ginagawa natin tuwing pasko, ngunit nais po lamang niyang buhayin muli ang isang tradisyon o kulturang pinoy na unti-unti ng nalilimutan ng makabagong teknolohiya. Hindi niyo po naitatanong mahusay po na gitarista itong si pareng darbs, sa katunayan eh, siya ang dating gitarista ng yumaong Elvis Presley, he he he.. joke lang pare.



47 comments:

darbs said...

base!

darbs said...

Nag-base muna... at magbasa pa. baka maunahan.

base!

darbs said...

Salamat sa pag-featured pareng Alkapon. Tinupad mo talaga ang pangako.

Lesson learned kung si Maam Lee pa:
Akala ko promises are made to be broken hindi pala. Until maybe the time na maging politisyan ka sa Pilipinas and/or baka nga tinutupad mo kung anong salita ang binitiwan mo. Tenks.

Salamat din pala at hindi naman masyadong brutal ung pagkatira mo. Medyo malumanay lang hindi maragsa. hahah! Kung sabagay, spirit of Christmas Theme nga pala. Mapagbigay konti gaya ni Santa.

Sabay, awit sa may bahay...

"tenk you! tenk you! ang babarat ninyo.. tenk you!"

Happy Holidays!

darbs said...

Disclaimer: Sa mga loyal Alkapon base fan club. Sori po kung base na base ako. May permission po ako to make base.

Here is Alkapon's permission base letter:

" ...naka post na yung video mo sa blog ko, bilang pangako ko sa iyo kamakailan.. hilingin ko sana na ikaw ang mag base. "

base uli!

Hindi ko pala kasalanan kung marami akong base.

Salamat po sa inyong understanding.

Season Greetings!

dencios said...

papa alkapon

pasensya na at busy ang dioniscio. amoy pasko na dito sa blog mo pero nangangamoy alak. ano ba ke aga-aga lashing ka na naman haha

neweys, sana ma feature din ako sa blog mo nainggit na ako kina bopss darbs at lee. palakasan ba dito? haha

joke lang.

Ingat br0ther!

darbs said...

Last na talaga base na ito pramis.

base!

@Alkapon kung medyo nasobrahan na ang pag base ko. please paki delete na lang ung ibang base. tenk u sir!

glentot said...

Aha Santa Claus ka pala yehey pupunta kami at mamamasko... lahat ng sangka-blogspot-an...

superlolongpinoy said...

Paramdam ako Al...humihinga pa naman ang Lolo sa paghahakot. Uyy temang Pasko ka na...pinalungkot mo ang puso ko sa Paskong Pinoy na mi-miss ko na naman...At talagang clap-clap ulit sa performance ni Darbs...more...more...more.

Jepoy said...

Mamamasko po ako sa Malabon hahanapin ko ang bahay ng mayamang si alkapon para ma ishare naman ang blessing sa dukhang si Jepoy.

Ang galing nung tugtug aylabet na aalala ko tuloy yung libing ng tita ko jowk! Ang galing ng tugtug sa nya silent night yun diba? LOL

Lee said...

pwede bang mangaroling? tanchan lang ang gamit ko, wala sayang diko makita video ni lakay Darbs.
merry xmas in advance AL, DARBS, BOK at sa lahat ng mga fans ni Al happy xmas, derecho na ko sa kusina ha?

kikilabotz said...

ahahaha. kaya pala puro base si pareng darbs. nwei magaling ang pagkakatugtug at bagay na bagay ang panyo sa mukha. hehe. joke


woohhhh. pasko nanamn. kainis hnd ko pa napapatyo xmas tree namin

gillboard said...

pwede ka bang maging friend?!

merry christmas!!!

Alkapon said...

@ Pareng Darbs, salamat naman at ikaw ang nag base, kaya inabisuhan kita agad.

Hindi ko maaring haluan ng kalookohan ng promise ko sau dahil una, ito'y unang araw ng buwan ng kapaskuhan, alang-ala na lang sa espiritu ng alak este! pasko. at paminsan-minsan naman eh kelangan natin mag seryoso at bigyang galang ang mga mabubuting kaibigan tulad mo.

Ang pangako hangga't maari ay tuparin upang hindi masira ang reputasyon, yan ang isa sa mga natutunan ko sa aking LOLO. time will come to fulfill promises in a right time and right place.

kaya pareng darbs, salamat din sa pagpapaunlak mo sa iyong video, Merry christmas in advance.. good luck and GOd bless.

Alkapon said...

@ Dencios, naku naman bakit ngayon ka lang kapatid? para ka rin ebak na lulubog lilitaw sa dulo ng mindanao, he he he.

akala ko nga nagtatampo ka na sakin bakit di ka na pumapasyal sa bahay.. he he he,

Meron din akong featured post para sau siyempre, ginagawa ko pa yung script at palagay ko yun ang pinaka mabenta sa lahat.. " Dionicio the hunks".. ayun o! pamagat pa lang pamatay na. he he he

Alkapon said...

@ Glentot, he he he, hindi ka kasali.. buwa ha ha ha. hindi naman kita kamag anak kasi, ha ha ha ha.

Alkapon said...

@ Lolo, musta mo lolo? mabuti naman po nagparamdam kayo, akala ko nasama kayo sa dinukot ng mga ampatuan, he he he joke..

merry christmas nga pala lolo, yung huwag nyo mo kakalimutan uminom ng gamot, lalo na yung vitamin V nyo.. yung viagra? ha ha ha ha

Alkapon said...

@ Lee, sayang hindi mo mapapanood ng video ni pareng darbs, makita mo sana kung gaano siya kahusay pumigtas ng kwerdas ng gitara.. ha ha ha

@ Jepoy, i tetext kita isama mo si glentot, punta tayo sa kabaret.. he he he
grabe ka naman, pang libing daw.. luko-luko..

Alkapon said...

@ Kikilabotz, kung meron kayong puno ng bayabas sa bakuran yun na lang gawin mong christmas tree. he he he

@ Gillboard,anong kalseng friend? boyfriend o girlfriend, ha ha ha
merry christmas din sau.

mr.nightcrawler said...

aba... teka lang. nagiging family-friendly na ang iyong blog parekoy ah. hehe. i can'y believe i'm saying this pero parang namimiss ko ang mga berde mong posts. haha. merry christmas from the nightcrawler! ang lamig dito.

Alkapon said...

@ Mr.nightcrawler, talagang ganun parekoy, at siyempre buwan ng kapaskuhan kaya medyo hinay-hinay muna sa mga kapekpekan na post kasi parang hindi naa-angkop sa ngayon. huwag kang mag alala babalik din tayo sa parte na yan. he he he

maligayang pasko parekoy.

hxero said...

malapit na nga ng pasko hehehe wala pa ako pangregalo sa mga kapatid ko sa probinsya

Alkapon said...

hxero, perahin mo na lang para me pambili sila ng maiinom.. he he he
salamat sa dalaw at komento, perstaym mo sa blog ko.

KESO said...

meri krismas!!

wala pa din kming krismas tree. kaya di pa msyado feel ang pasko dto. :D

Alkapon said...

Hindi balaeng walang Christmas tree basta me Keso de bola.. he he he

Basyon said...

Ang gsaling nmn mag-gitara ni darbs. ;D Ako rin nag-aaral tumugtog. Huling el bimbo, what's up, saka ung lines to heaven nga ba un? ewan hahaha. Bsta un palang alam kong tugtugin. Naku merry xmas na pala ah. Santa Claus kaba Al? Cge pasyal ko anak ko sa iyo regaluhan mo ah?! hehe Ingatz!

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

Alkapon said...

Magaling ka rin pala bumutingting ng gitara kung ganun, papaturo ako sau pwede? he he he

sige, isama mo rin ng buong baranggay riregaluhan ko silang lahat.. ng dos por dos.. ha ha ha

kox said...

naks namn sa video! nice! :D

ahmm.. advance meri krismas dadi slash ninong alkapon (regalo ko po. hahaha :D ) tama, sang ayon ako, na mas cool ang nag bibigay dahil mas pinag papala, kesa sa mga madadamot. hmp! haha..

hayyy... malapit na mag pasko, pero di ko pa feel, wala kcng snow. jowk! haha,, dito puro krismas layt na at kung anu-anong ek-ek ng display. haha

namimiss ko mangarolling. kaya manga2rolling pa din ako kahit... di na bagay. haha :) cool kaya. :D

Alkapon said...

@ Kox, siyempre ikaw pa, malakas ka sa akin kaya may naka handa rin akong regalo para sa iyo.. pero sa isang kundisyon, kelangan ko munag makita ang gradeslip mo.. deal or no deal? he he he

♥superjaid♥ said...

pwede din bang humingi ng gift sayo kuya??hahaha adopt mo rin ako as an inaanak..hehehe^__^

Alkapon said...

sige punta ka sa bahay at ampunin na lang kita.. he he he

anyway pwede ka naman maging inaanakan.. he he he joke.

Mokong™ said...

Ninong? kuhanin kitang ninong ng future anak ko...hahaha! Joke lang! baka kabahan ka...

Mokong™ said...

Ninong? kuhanin kitang ninong ng future anak ko...hahaha! Joke lang! baka kabahan ka...

Yj said...

akala ko may naamoy kang amoy medyas... kaya ganyan ang title ng post mo hihihihihi

seriously... pwede po pumunta sa inyo sa pasko... gusto ko po makakita ng santa klaws.....:)

Arvin U. de la Peña said...

oo nga nag bilis nga talaga ng araw..parang kahapon lang ang nagdaang pasko..ito mag papasko na naman..dami na naman ang mangangarolling..

I am Xprosaic said...

madamot ako pero buti di pa ako napapanot... nyahahahahaha

Jag said...

bah! ayos! bigtime pla itong si bosing ah? pwede ba kitang maging ninong? para may geps ako kada pasko whahaha...

...seryoso tayo sa post ah inakala ko tlga may kabulastugan n nmn sa ending part ng post mo jijiji...

Glampinoy said...

Sa may bahay ang aming...pagkat kami namamasko. Ayam shinortkat ko kasi ala-una na ng gabi. Nkakahiya sa kapitbahay...

Thank you thank you ang babarat este ang babait ninyo tenk yo

Alkapon said...

@ Mokong, uu ba, ngayon pa lang magkumpare na tayo. ayos ba pareng mokong? he he he

@ YJ, sige punta ka lang, ihanda mo lang sarili mo dahil susuong ka sa panganib.. ha ha ha

Alkapon said...

@ Arvin, parang namomroblema ka sa mga mangangaroling bakie ba? he he he

@ xprosaic, baka naman bulbol mo ang panot..he he he

Alkapon said...

@ Jag, nawili ka na yata sa mga kabulastugan ko ng post, saka na lang yun, usapang pasko muna tayo.

@ Glampinoy, pakakawalan ko yung aso namin para lapain ka.. ha ha ha

DRAKE said...

MERRY CHRISTMAS BRO!!!! Ako kelan mo ako ife-feature sa blog mo?

hahahaha! ingat bro

Alkapon said...

@ Drake, Pagdating ng semana santa, itataon ko mismo sa araw ng biyernes santo. he he he

merry christmas din bro.

PUSANG-kalye said...

iba ata epekto ng XMAS sayo a...nawala bigla yung bastos n picture. hehe. me special sound epek pa ha. cool. merry xmas mate~~~~

Chingoy said...

meri krismas! :)

add kita blog roll ko

Alkapon said...

@ Pusang gala, bakit nanibago ka ba? he he he, hindi naman sa ganun, siyempre buwan ng kapaskuhan kelangan naman nating maging seryoso.

@ Chingoy, salamat, add din kita sa blogroll ko.

darbs said...

ahahaha. kaya pala puro base si pareng darbs. nwei magaling ang pagkakatugtug at bagay na bagay ang panyo sa mukha. hehe. joke

@kilabotz..hahah! kaya may panyo dahil hiyang hiya. pero alam mo naman pag namamasko walanghiya talaga yan... pera na ba't mahihiya di ba? Merry X-mas na lang!

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,a片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,性愛