11/28/2009

Engagement ring


Ano ba ang pinaka mainam na bagay na pwede nating iregalo sa ating iniirog? yung isang bagay na magpapatunay kung gaano mo siya kamahal?

Siguro, para sa karamihan ay singsing, o yung tinatawag na engagement ring, dahil ito'y isang simbolo ng dalisay na pagmamahalan ng magsing-irog, isang wagas na pag-iibigan kaakibat ng sumpang siya lamang ang tanging mamahalin at hindi na kailanman titingin sa ibang dilag, at habang nakasuot sa kanyang daliri ay tangan din ang sumpaang iyon.

Ngunit gaano ka nakakatiyak na ang handog mong singsing sa iyong kasintahan ang siyang magbubuklod sa inyong puso? at gaano katatag ang iyong paninindigan na wala na nga iibigin pa kundi siya lang?

Sa palagay ko sa mga panahon na ito, bibihira na lang ang mga lalaking talagang tapat sa kanilang iniirog, mga magpagkunwari na higit kailanma'y hindi na sila maaring matisod, pero ang katotohanan ay hindi na mabilang sa daliri ang syota. at siguro ganun din sa panig ng babae, kahit na meron na silang boy friend pero nahuhumaling pa rin sa ibang lalaki. 

Pasintabi po lamang sa mga chickboy dyan, at yung mga lukaret na marami ring kinekendengan, ito po ay haka-haka ko lamang ngunit kahit papaano ay me konting katiyakan. hindi po ba?

ahhh! basta..

78 comments:

fiel-kun said...

*ouch* parang tinamaan ako dun ah... ahaha!

amf, condom yun ah hinde singsing *sabay turo sa piktyur* LMAO!

mr.nightcrawler said...

at bakit naman mejo nagdadrama ka parekoy? biktima ka ba ng pangangaliwa? hope not. huy pareng fiel-kun, at yung condom pa talaga yung napansin ah. akala ko singsing talaga yun eh. hehe. magandang umaga :P

iya_khin said...

sa akin it doesn't matter kung may sing-sing o wala,i'm not kinda materialistic. what i need is to know na honest yung boyfriend ko sa akin...

dahil kung hindi...

kayang-kaya ko din magloko!hmm!

Alkapon said...

@ Fiel-kun, ayun! me umamin ng isa.

@ Mr. nightcrawler, hindi ako biktima, at never na mangyari sakin yun.. i swear..

uu nga ano?, hindi pala singsing yun, condom pala, hindi ko rin napansin yun ah.. he he he he

@ Iya, hindi materialistic? honest BF?... i hope so. kissing kissing na lang ganun? he he he he

missGuided said...

ang kapirasong metal ay hindi katiyakan! Kung mag asawa nga(may anak na) e nag hihiwalay pa! *ampalaya*

eeheem eeheem!! *bgla ata ako inubo hehe* :D

♥superjaid♥ said...

ako di imporatante para sa akin ang singsing kasi simbolo lang naman yun eh ang pinakaimportante eh mahal at tapat talaga sayo ang kasintahan mo..

astig talaga ang mga pics dito..hahaha

tim said...

Whoah, ibang klase ka talagang blogger! gosh, natawa ako dun! hehehehehehehehehehe

Lee said...

basta ako materyalistic ako, ayoko ng singsing na yan gusto ko diamond at mahilig ako sa bilmoko wala akong pakelam kung marami syang chicks, basta ako maraming maraming diamond na singsing, lahat ng daliri pati sa paa.

kox said...

oo nga naman, tama! wala ng mga lalaking loyal ngayon. kung meron man, konti na lang,, tskk.. haynaku naman. hahaha.. hindi rin sa singsing nasusukat yan. haha. :D wala lang. basta.. (magulo...)

an_indecent_mind said...

oo nga! bakit nga kaya ganun sila no???

Arvin U. de la Peña said...

hindi nasa singsing kung talagang mahal mo ang isang tao..kahit walang engagement ring kapag tunay na nagmamahalan ay magiging mabuti talaga ang kanilang pagsasama..ang dami kayang ikinasal na naghiwalay din..

glentot said...

Totoong nangyayari yan. Kung sa mga lalaki nababalitaan ko ito medyo katanggap-tanggap pero kapag babae ang nabalitaan kong gumawa nito parang gusto ko syang sunugin.

Heartbreaker.

Alkapon said...

@ Miss guided, mukhang guilty.. toinks.

@ superjaid, ganun ha, malalaman mo balang araw kung tapat nga siya.. he he he

Alkapon said...

@Tim saan? sa singsing? o sa condom? he he he

@ Lee, mamumulubi ang BF mo sayo.

Alkapon said...

@ Kox, saan nasusukat? mmm, mukhang me ibig kang sabihin ah.. anong klaseng panukat ba ang gusto mo? he he he

@ indecent, kunwari nagtanong ka rin. lolz

Alkapon said...

@ Arvin, me punto ka dyan.

@ Glentot, ang lufet mo naman, wag naman ganun.. arsonista. lol

darbs said...

Ang bigat ng usaping ito. Pagmamahalan...
Nagsingsingan...

Walang iba kundi ang nag-iisang sinta.

Wag mag-alala...siguradong suot-suot palagi ang sing-sing galing doon sa blue container. (turo sa picture na naipaskil ni Alkapon)

darbs said...

By the way, recyclable ba ang sing-sing na yan?

o pueding pagbabaliktarin na lamang para magamit na naman.

Recession kasi.

Yj said...

i'd take a goat hair cockring over a diamond ring anytime.... hahahahaha

Mangyan Adventurer said...

Sa palagay... tama ka diyan!


For those people na talagang hindi pa sigurado kung sure sila sa kapartner nila or kung ready na magkaanak...

Hehe :) Its the best protection I know... Haha! Medyo hassle nga lang... Haha!

Alkapon said...

@ Darbs, kelan pa naging recycle ang condom? ikaw talaga pareng darbs, nililito mo naman ako, muntik na ako napaniwala.. ha ha ha

Alkapon said...

@ YJ, pilik mata ng kambing.. he he he

@ mangyan, matalas pala ang iyong mata, napansin mo yun? ha ha ha

DRAKE said...

Ayos yung pic ah!!

Aray nasaktan naman ako dun! Eh ano magagawa ko kung ako ang hinahabol ng mga babae! Kasalanan ba sa Dyos ang pagiging Kyut!!

Hahhaha

Ingat pre

Alkapon said...

@ Drake, kyut daw, baka naman nakakata kyut. ha ha ha

- A n g e l - said...

Objection, your honor! :P

Alkapon said...

Objection over rule.. ipag patuloy ang tanong...

- A n g e l - said...

Huwag po lalahatin. Marami pong lalake at babae ang capable of being faithful to their partners during the entire course of their relationships. Katulad ko. Bow. Ü

Alkapon said...

uu nga naman..hindi naman lahat.. para fair 50-50. he he he

like me... faithful din ako.

naks! bow din.. lolz

Patricia ♥ Ashika said...

Ang lalaki di na singsing binibili kundi condom.

Personally hindi malakas na sandigan ang singsing, ganun din ang mga mapanuyong salita. Kung ang salita at pangako ay nababali, how much more ang 92.5 silver?

mahirap lang talaga makatyempo ng loyal na lalaki. Pero di ko naman tinatakwil ang katotohanan na may mga chickboy na nagbabago pag nakatapat ng kanilang sassy girl.

Ang masasabi ko lang kapag niloko ka at nasaktan, umiyak ka at magpagaling pagkatapos ay huwag gawing madilim ang pananaw sa pag-ibig. Umasa parin na may isang magmamahal sau. Mas masarap bumangon at bumagsak at bumangon ulit kesa bumagsak at di na tinangkang bumangon.

You should be happy when you feel you are in pain, for pain reminds you that you are still alive.

Nalalayo ata topic ko. Makapagtaxi nga.

Seiko said...

Wow!!Seems you're so serious on this one.
I enjoyed reading this post mukhang mmedyo may tinamaan nga ahaha!But absolutely not me!!Not my type as well as my hubster hehe
I just read some others comment in here too hehe...
Well I'm just glad I found the man who's willing to share his undying love to me & so am I in return.
And I don't care either whether there is or hasn't any ring he would give me,what really matter is his loyalty & if he wouldn't turn his back on me whatever comes along our way.
Btw,nice engagement ring you have here huh.Unique!As always!giggles...

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

kahit may pagka-naughty ang post na ito, maganda pa rin ang dating...

(napangiti)

aba, seryoso at malalim ang pag-iisip ng ating alkapon ngayon ah!

Jepoy said...

Alkapon may sakit kaba?! Ahahahaha

galaw galaw baka ma stroke!

Rio said...

para sa akin, di mahalaga kung bibigyan ako ng isang singsing para lang patunayan na dalisay ang pagmamahal na ibibigay nya sa akin..
sapat na sa akin ang mahalin nya ako ng tapat..bonus nalang siguro kung may diamante na singsing..hehe..

talagang binalikan ko pa yung picture para tignan kung hindi nga singsing yung nakalagay...hindi nga pala..di ko man lang din napansin agad..=D

salamat pala sa pagbisita sa bahay ko=D

Mon said...

alkapon,
ilang beses na ba ako naparito? abay ngayon lang palaa ako nakapag-iwan ng komento.
ah basta, mahusay ang iyong artikulo. hehe

MOn

Dhianz said...

hmmm... pinakamainan na regalo eh katapatan sa minamahal... haha.. hmm... yeah i guess now adays mabibilang na lang tlagah yung matapos sa kanilang other half... dme eh naglolocoh... ewan ... i guess those are not true love... i guess when you found 'ur true love...d' one dat is from Him... syah lang ang mamahalin moh... opinyon koh lang yon.. ingatz.. Godbless! -di

Dhianz said...

matapos.. typo error.. i mean.. matapat! =)

dabo said...

i agree with yj hahahaha

dabo said...

sa pagkakaobserbahan ko, society ang magdidictate sa evolution ng values ng mga tao at hindi established values over sa society

PetiBurges said...

Para namang sawing sawi at frustrated na frustrated sa mga banat. Ang pag-ibig, walang katiyakan. Kaya nga dapat, sulitin hanggang nandiyan para huwag mabitin.

KESO said...

andami n nilang sinabi, wala na kong idadagdag pa bsta super agree ako kay dabo. :))

Alkapon said...

@ Patricia,
unang talata: Condom na binibili, ha ha ha, natawa talaga ako sau, malawak masyado ang isyong pag iisip sa mga ganitong usapin.

mas masarap ang bumagsak na nakadapa, at yung binagsakan mo ay nakatihaya.. nya ha ha ha ha

Alkapon said...

@ Father felmar, kunwari lang po, ngayon lang ito.. he he he,

tagal nyong nawala father ah, welcome back ulit.

@ Jepoy, wala akong sakit, mas malakas pa ako sa kalabaw, trip ko lag 'to, at walang basagan ng trip. he he he.. ikaw dapat ang mag galaw galaw para ang taba mo sa katawan ay matunaw.. ha ha ha ha

Alkapon said...

@ Seiko, paki translate nga sa tagalog 'diko maintindihan.. he he he

sometimes i need to be serious in posting of topics, you know? he he he

yhen said...

hmmm may katotohanan sa mga cnsb mo... sa panahon ngayon walang kasiguruhan ang buhay... hehehehe...

kaya para mas safe wag nalang mag jowa... hehe

yhen said...

teka blog mo ba to? parang iba ang tema ah... ehhe

Alkapon said...

@ Rio, sa unang tingin akala mo nga singsing, para malaman ko kung gaano katalas ang mata ng mga readers, he he he..
diamond ring, bonus lang daw.. he he he, ayos ka rin..

@ Mon, salamat sa dalaw, pasyalan ko rin ang iyong lungga.

Alkapon said...

@ Dhianz, matapat ha?.. tignan natin kung hanggang saan yan katapatan na yan.. he he he

@ dabo, malalim ang iyong sinabi, mahirap halukayin..naks!

Alkapon said...

@ Peti burgers, hindi naman sawing sawi, hinahanap ko lang kung sino ang tatamaan.. agree ako sa sinabi mo.. dapat sulitin.

@ Keso, sige tatlo na tayo.. ako rin he he he

Alkapon said...

@ Yhen, bakit? nanibago ka? tignan mo mabuti yung picture kung ano talaga tinutukoy kong sing sing.. ha ha ha

singsing ng bototoy yan.. buwa ha ha ha ha

Jules said...

For me, simple ring is enough. Bsta gold lol. At xmpre to know na hndi ako niloloko ni hubby eh oks na sa akin. =D Kasi pag nagloko sya eh aba marami jan ano hahaha. Just kidding.
Msta? =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Jules said...

Uiy, baka ma-mis-understood hahaha, xpmre sa wedding dalawa kaming mag-irog magsusuotan ng ring. Mas maganda kung gold ang isusuot, kasi once in a lifetime lang nmn ang kasal at ang pagbili ng ring. =D So dapat dun palang sulit na! =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Jules said...

Misis pala hndi hubby hahaha. Naku nasobrahan na ako ng kaka-work. I think i need to have a break! haha

Mr. Nonsense said...

mas serious siguro kung ang engagement condom ring ay may kasamang vibrating ring.

btw, saan mo ba nakukuha tong mga images mo? di na kasi ako nagbabasa ng hustler magmula nang magka=internet eh

Alkapon said...

@ Jules, nahihilo ka na parekoy, itulog mo muna yan, mukhang pagod at puyat ka lang.. he he he

Alkapon said...

@ Mr. Nonesense, ha ha ha natawa naman ako sa suggestion mo, condom ring na me vibrating ring, parang sanay ka sa mga bagay na yan. ha ha ha

Sa opis, binabato lang sakin ng mga opismeyt kong mga mas malibog din ang utak kesa sakin.. he he he

salbehe said...

Ano ba ang pinaka mainam na bagay na pwede nating iregalo sa ating iniirog? LANGIT.

Enough said.

Alkapon said...

YUn natumbok mo.. gusto mo ng langit? he he he

karoger said...

hmmmmm. ano nga ba? sa palagay ko, tama. wala ng matinong lalaki o babae. pero hindi rin kasi natin SILA masisisi. kasi, ang puso, hindi natuturuan. kung nagmahal sila ng iba habang may syota sila, hindi natin sila mahuhusgahan. iba talaga ang pag-ibig.

isa sa mga prinsipyo ko sa buhay, hanggat hindi pa kasal, okay lang gumawa ng kalokohan. hahaha. siyempre ibang usapan pag may asawa at pamilya na. pero hindi pa rin natin masasabi. :)

yhen said...

oops sorry didnt notice the pic... haha...

;-)

livingstain said...

mahirap daw maging honest, pero hindi ako naniniwala don, oo maaring hindi naiiwasan na tumining sa iba pero hindi nangangahulugan na pag ginawa mo yun ay hindi ka na mabuting kasintahan, isa lamang iyong pag-hanga. hindi naman ibig sabihin na commitment ay pagkakakulong na sa pag-ibig.

Arvin U. de la Peña said...

hanep ang engagement ring na iyan..hehe.......safety.

two of 5..kumusta na..i'm missin someone right now..she is very especial to me..i need her to comeback to me..

Jag said...

Yan ang tinatawag na disposable ring hahaha...

Pre alam mo ba yung pilik-mata ng kambing ring? jijiji...

Alkapon said...

@ Koroger, baka me magalit sau sa komento mo, but nicely said. he he he

@ yhen, yan kasi sinasabi ko eh, hindi ka na nasanay sa mga tiradas ko.. he he he sa susunod maging mapanuri ka muna..

Alkapon said...

@ Livingstain, ayun! nakana mo, ang galeng. Naisip mo yun? kakaiba ka ha.. he he he

@ Arvin, safe na safe walang kawala.

Alkapon said...

@ Jag, ako pa tinanong mo sa bagay na yan.. he he he luma na yan, dati nabibili lang yan sa avenida at quiapo.

mas magaleng yung silicon bull humps.. he he he

Chyng said...

There are still men who can be faithful, kaya dont tolerate those who cant. Kinda kadiri..

Jepoy said...

@Alkapon PAK YOU LOL

PUSANG-kalye said...

wl namn talagang 100% na loyal sa mga asawa nila e.... yung mga akala nating loyal e magaling lang talagang magtago.lol

Alkapon said...

@ Chyng, so you rather break him up if they can't. is that what you mean?
mapagparaya ka kung ganun..

@ Jepoy, PAK YU RIN, DOBLE PA.. he he he

@ Pusang kalye, yan yung tinatawag na ika-11 utos.."Huwag kang pahuhuli".

Ape Rockstar said...

babala sa mga kapanalig na gumagamit ng 'kapote'...

iwasan ang brand na PREMIERE.

it fucking breaks.

trust me.

- Daddy Ape

Alkapon said...

Better use trust, chili flavor.. ha ha ha

Chingoy said...

my comment is "no comment" hehehe...

seriously, ang tukso naman laging anjan, kung papano mo i-handle, yun ang problema.

sana lang laging matatag, lahat naman yan ang prayers... (yahu!)

bongkito said...

gaya ng sabi ni Chingoy, mahirap masabi ang katiyakan lalo pa't maraming temptations sa paligid. pero kung matibay ang inyong paniniwala sa isa't isa, at may pananalig kayo kay Bro na mapagtibay ang inyong nasimulang pagsasama, mahirap ito mabuwag.

Naniniwala ako na sa taos-pusong pagsasama (meaning kung magkamali man ay aminin at wag ikubli) nakasalalay kung ang isang relasyon ay magtatagal ng panghabang-buhay o magiging isang panandalian lamang.

dumadalaw lang po. :D

taga-bundok said...

Engagement ring, para sa magsing-irog. Di rin kasiguruhan na magtatagal ang engagement. Engagement "ring", para sa lahat ng sexually engage. Tama yan, magcondom. Tatagal pa ang buhay at iwas sakit. Hehe...

Anonymous said...

does anyone think porn is the only business still thriving during the credit cruch? I think many folks seek refuge in buying and wanking porn during the crunch

Anonymous said...

crazy idea i know but how do u think credit cruch affected porn?

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,性愛,性感影片,正妹,聊天室,
情色論壇

-=K=- said...

Hahahaha, astig ng picture. Ang kulit. :) Nagbabackread ako now ng mga posts mo kase aliw na aliw ako tapos napatawa ako ng malakas sa picture na to. Ang kulit. Idol!