11/15/2009

Nang tiniris ang makulit na Kuto


Sinong mag aakala na ang dating patpating bata mula sa Gensan ay sisikat, maging tanyag na boksingero, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Namulat at lumaki sa hirap, mula sa isang pamilya na hindi malaman kung saan sila kukuha ng pagkain para lamang maibsan ang kumakalam na sikmura.

Dating maglalako ng Donut at tinapay sa lansangan, na ang konting kinikita ay halos kulang pa sa isang kilong bigas para mai-saing at mapag saluhan nila ng kanyang Ina at mga kapatid.

Sa hindi isinasadyang pangyayari, nuong kanyang kabataan sa kanilang lugar, habang nanonood ng labanan ng boxing sa lugar na kanyang kinalakihan, sumali ang pobreng bata sa labanan, kanyang tinalo ang mas malaki sa kanya, siya ang nagwagi.

Ang kanyang napanalunan na 50 pesos ay pinambili ng bigas at ibang makakain, buong pagmamalaki na iniabot sa kanyang Ina.

Yun ang naging simula ng kanyang buhay boksingero, naging hudyat upang mangarap na maging tanyag, ang magkapera upang matulungan ang kanyang pamilya sa kanilang kahirapan.

Halos nasubaybayan ko rin lahat ang boxing career ni Manny, mula nung siya ay lumalaban pa lamang sa "blow by Blow" nung araw, madalas ko siyang napapanood sa TV noon, at hangang-hanga ako sa kanyang angking galing sa larangan ng boxing. Nagawa niyang patumbahin ang higit na mas malaki sa kanya.



Nasubaybayan ko rin lahat ang kanyang mga laban nuong nagsimula na siyang professional boxer, mula nuong patumbahin niya si Lebwada, hanggang inubos ang mga magigiting at magagaling na mexican boxer, na sina Antonio Barrera, Erick Morales, Juan manuel Marquez, David Diaz, Oscar dela hoya at iba pang Mexican fighter, at maging ang british slugger na si Ricky Hatton. Sa katunayan nga, sa dami na ng pinatumba ni Manny sa Mexican slugger at kapapanood ko bawat laban niya sa mga mexican fighter ay nakabisado ko na ang National Anthem ng Mexico. totoo yun.

At para sa update:


Talaga namang kinawawa ng husto ni Manny si Miguel Cotto, dinurog at tiniris ng bonggang-bongga at todong todo ang makulit na kuto. Mahusay talaga ang sandata ni manny, ang head & shoulder shampoo na kanyang iniindorso, yung mga balakubak hindi umubra sa kanya kuto pa kaya?   Gusto kong maawa kay cotto, pero wala eh, anong magagawa natin, ganyan talaga ang buhay sa boxing, may uuwing nakangiti at nakayukong talunan. Maliban sa dalawang beses na knockdown, durog at duguan ang mukha, nabali pa yata ang matangos niyang ilong.








Samantalang si Manny ay halos makinis pa ang retokeng Belo na kanyang mukha, maliban lang ang kanyang tenga na nagmistulang chicharong bulaklak na isinawsaw sa sukang paumbong. Parang naging butil ng Popcorn na nilamutak ng mga batang kalye.. At halos hindi niya tuloy marinig ang mga tanong sa kanya ng nag iinterview, nagka windang-windang ang kanyang katiting na nalalaman na Inglis. You know? i mean ahhh... yun na yun, buset.. ha ha ha.

Ang susunod nating pakaka abangan ngayon ay si Mommy D. (Aling Dionisia). Lalo na namang sisikat ang PacMom, dadami na muli ang kanyang offer na advertisment at tiyak na masusundan pa ang kanyang pelikula.

Palagay ko nga, abangan na lang natin ang kanyang solo launching Movie.















71 comments:

Taga-bundok said...

Base! Basa mode muna.

Kakapanuod ko lang pagkatiris ng kuto. Hehe...

Congrats Pacman!

DRAKE said...

mukhang may MANNY MANIA na naman! Kailan kaya darating na magkakaroon ng DRAKE MANIA!! Yung ALKAPON MANIA kasi di mangyayari yun pwera na lang kung mangidnap ka ng pari sa basilan!hahahha

Ingat

Jag said...

Talagang alam na alam ang buhay ni IDOL ah? jijijijiji...close kau? jijijij...

Wohohohoho PACMAN aylabyu! Idol! Lalo kang yumaman penge ng pera hehehehehe...

Kaya xa nanalo kasi pinainom muna xa ng Magnulia Melk ng kanyang nanay n c Aling Dionisia bago xa sumabak sa laban jijijiji...

Xprosaic said...

Galing galing! ang cute ng pix... kahit ala ako whole day at least nakakarating pa rin naman sa akin ang balita... jejejejejeje... congrats sa kanya...

EngrMoks said...

Congrats sa lahat ng Pinoy...saan man sa mundo...
Masaya ako at nagtagumpay na naman tayo!!!
Drink ur magnulya milk fres...

Random Student said...

huwaw may promise ang prediction mo ke mamski jonie (aling dionisia), magso-soar lalo ang career nyan. ayus si cotto fight to the end (in this case till TKO). thanks cotto for the good fight.

Rouselle said...

Hahaha, tawang tawa ko sa pictures. Pero ang galing ni Manny! Yahoo!

AL Kapawn said...

@ Anjong, napanood mo pero hindi Live, pag TFC delayed telecast na yan,

@ Drake, DRAKE MANIA malabo yun, DRAKE MANIAC pwede pa. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Jag,tulad ng nasabi ko, nasubaybayan ko ang buhay boksingero ni Manny.

@ XProsaic, sayang hindi ka nakapanood ng live, ang saya saya 'tol.

AL Kapawn said...

@ Mokong, masaya na naman ang buong bansa, muling umangat ang moral ng mga pilipino.

@ Random, matigas din ang panga ni cotto, lamog lamog na ayaw pa rin tumigil.

@ Angel, ikaw ang anghel ng aking blog.. pa kiss nga.. he he he

pusangkalye said...

ang cool namn nung pic ni Manny--hehe. A salute to manny talaga. thanks Manny for making us proud yet again. yesterday was Mannys day and a day for all Pinoys worldwide.......

aabanagan ko yang KATURSI---lol

darbs said...

Lahat napanganga sa laban ni Manny. Ung ibang kasamahan dito sa kabilang panig hanggang ngayon naka-lock-jaw pa. Nakapanghilamos tuloy si Kuto ng pulang tubig. Pero sa totoo nabanggit na rin ni Superlolo, marami talagang naawa kay Cotto. Sana walang brain damage.

Ax said...

Hm, congrats sa lahat ng Pinoy. Dapat si Manny na ang pambansang bayani natin! di ba? di ba?

eMPi said...

natuwa ako sa mga pix ni manny at aling D... ehehhehehe

Congrats kay Pacman!

Anonymous said...

di ko man lang napanood. bibili na lang ako ng dvd para papanoorin ko pag uwi ko sa weekend kasama tatay ko. potek sira ang cable namin sa dorm eh. sa sobrang sama ng loob ko, natulog na lang ako. nagising ako sa hiyawan ng mga tao. tengenang yan. asar

Superjaid said...

pacman pengeng pera!!hahahaha anyway..di ko alam kung matutuwa ako na nanalo si pacman kasi naman natalo ako sa pustahan..naman kasi natalo ako sa bato bato pik kay cotto tuloy ako napilitang pumusta..hmp!!

Joel said...

haha mukhang wala ng makakapigil sa tuluyang pagsikat na mami dionisia..

at si manny naman, talagang saludo ako sa kanya. ano kaya ang meron sa kamao nya?

glentot said...

Hanep Manny Fanatic ka pala pero bakit yung anthem ng Mexico ang sinaulo mo hindi yung atin haha...

Lee said...

nyahaha nagkaka alaman kung sinung gurang ehem ehem.
newey, congrats manny,naway lumawak pa ang iyong lahi,pero si jingky nalang anakan mo at mas maganda kesa ky crista (intregera talaga).

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

tsk! tsk! iba talaga ang nagagawa ng haydensholders!

Pamela said...

ahahaha. ang kulit talaga ng blog mo. anyway, sayang, kala ko pa naman matatalo si pacman. hahahaha. wala eh. iba talaga pag nakainom ng vitwoteer. hahahaahaha.

Somnolent Dyarista said...

haha

ang saya.

balakubak lang ang pinaghandaan niya, pero KUTO ang natumba.

haahaha

Anonymous said...

Panalo ang unang picture! Parang ayoko tuloy mag ka anak! Hahahahaha.

Hooray for Manny! Rakenrol! Amazingness naman ang pagmemorize mo ng National Anthem ng Mexico, ako nga nung college eh 2 sems akong may spanish na course ni wala man lang akong natutunan. Wahaha.

Jules said...

Lolz. Congrats kay Manny! Ang galing tlga, may iuuwi n nmn syang parangal sa pinas. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Arvin U. de la Peña said...

great fighter talaga si pacquaio pagdating sa boxing..talagang matatanggal ang kuto kasi head and shoulder ang shampoo ni manny..hehe..ayos ang picture dito na sumo wrestler tapos si manny..haha..galing ng pagkakagawa..

Arvin U. de la Peña said...

salamat nga pala sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..

Life Moto said...

basta magtatanggal ako ng homesick isa ka sa unang nasa listahan kong bisitahin. Napangiti mo na naman ako sa pacmom Katursi!

Nice post bro!

AL Kapawn said...

@ Pusang Gala, sige update ko ang URL mo..at abangan mo ang pelikula ni Mommy D. bago siya sumapit ng kinsi, he he he.

@ Hindi na nga umattend si cotto ng postfight conference, diretso na sa hospital para mag pa check up.. ganun din sina dela hoya, at hatton noon. tsk tsk tsk..

AL Kapawn said...

@ Ax, siya na nga ang pambansang kamao, but i'm sure na mabibigyan pa siya ng mas matiding parangal dahil sa kanyang kabayanihan.

@ Marcopaolo, courtesy of Vicky Belo. kaya bumalik sa pagkabata ng mukha ni mommy D. parang edad katorsi na naman. lapit na siyang mag kinsi. he he he

AL Kapawn said...

@ Lababo, magtyatyaga na lang sa mga piratang DVD, nagkalat na ngayon yan, d2 nga sa momumento nakit ko ng mga bentang piratang DVD na laban ni pacman.

@ Superjaid, malas mo sa talunan ka napusta, better luck next time, ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Kheed, ganyan kaimpluwensiya ang kanyang anak, kaya pati nanay sumikat. siguro kamaong bakal ang meron kay manny kaya siya ang naging pambansang kamao natin.

@ Glentot, elementary pa lang naman ako kabisado ko na ang pambansang awit siyemre.. pero ang pambansang awit ng MEXICO nasa-ulo ko lang yan dahil sa kapapanood ko sa mga reply ng mga laban niya sa mga mexicano. Wala lang, nagustuhan ko kasi yung Ritmo at tono.

AL Kapawn said...

@ Lee, kasing Edad ko lang si Manny, pareho kaming mag 31 na. Nung araw nanonood ako ng praktis nya d2 sa malabon, kilala ko yung matandang nag train sa kanya noon.

baka magtaka ka, pero marami rin akong alam na kwento tungkol sa buhay ni Manny nung napaluwas siya d2 sa maynila para Lumaban sa BLow by blow. kung saan siya unang sumikat. madalas akong nanonood noon sa tuwing siya ay may laban.

bigyan kita ng simpleng bagay: I research mo kung kanino yung Talyer kung saan unang nagtrabaho si manny nuong early '90.

AL Kapawn said...

@ Father, me agimat nga yata yung Shampoo na iniindroso niya. ha ha ha

@ Pamie, maka-cotto ka yata, bakit iba ang expectations mo, at dun ka pa sa talunan.. malas mo lang, ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Somnolent, ayos ka rin mag komento ha? he he he, malikot din ang utak mo. ha ha ha

@ Vajar, siguro puro ka bulakbol dati.. mahilig sa cutting classes. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Jules, malaking karangalan na naman ng ating bansa. ang panalo niya ay panalo ng buong bansa.

@ Arvin, powerful head and shoulder shampoo 'ika nga.. he he he

walang anuman, isa ka nga yunay na alipores ni Alkapon. ha ha ha

@ Life Motto, Salamat sa pakikitawa at pakikisaya sa aking blog.

Laboyboy said...

hello po. newbie po ako sa blogosperyo. ako po si laboyboy, ang batang gala! makikigulo po ako sa inyo dito. exchange links po tayo ha...

AL Kapawn said...

@ Laboyloy, akala ko ikaw si Lababo ang makulit kong barkada..he he he

sige isasama kita d2 sa blogroll ko.. bibisita ako sa site mo..

sana makadalaw ka rin ng madalas d2 sa site ko.. - salamat.

J.Kulisap said...

Bakal ba ang kamao niyang si Pacquiao, kanina naghahanap ako ng duguang mukha ni Cotto para sa aking espasyo kay Pacman pero huwag na lamang.

Nakakaawa din..palagay ko kami ang match ni Pacquiao, nakalimutan ko na ang ring..ayaw ko na talaga pero no choice na ako pare..pupusta ka ba?

Unknown said...

Go Manny! ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

April said...

Natawa ako sa mga photos, pwera lang dun sa huli. Yung kay Cotto, naawa ako sa itsura nya. Wala syang nagawa sa naka-hiden shuldirs na buhok ni Manny, haha. Salamat nga pala sa pag-bisita kuya. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

AL Kapawn said...

@ kulisap.. huwag pare, huwag mo ng patulan si Pacquiao.. maawa ka please.

Maawa ka sa sarili mo, buset. he he he

AL Kapawn said...

@ Solo, sige magsolo ka dyan.. he he he

@ Sabi ko ga eh, yung balakubak hindi umubra kuto pa kaya.

walang anuman, lagi kitang bibisitahin sa tuwaing ikaw ay may bisita, dadalhan kita ng Modess.. he he he

Jepoy said...
This comment has been removed by the author.
Jepoy said...

Tangina! Natawa ako ng bonggang bongga sa picture ng baby Manny ahahaha

AL Kapawn said...

Cute di ba? parang ikaw din nung bata ka pa... galisin, he he he

Jepoy said...

Tangina! Natawa ako ng bonggang bongga sa picture ng baby Manny ahahaha

Anonymous said...

tama ka dyan kaibigan....sino nga ang mag-aakala....
...si mami dion siskat na rin talaga!

Jaypee David said...

wahahahah.. panalo tol ang pikchur ni pacman ah! :D apir!

AL Kapawn said...

@ Blurose, ganyan talaga ang buhay, bilog ang mundo 'ika nga..

@ Jaypee, wenir talaga.. tagal mong hindi nadalaw ah, me tampo ka yata.. he he

jex said...

tagasubay-bay ka rin pala n'ya :d

madalas ko rin s'yang ibida noon sa blog ko.

naalala ko tuloy ung mga kaklase ko na ayaw maniwala sa tansya kong aabot sa round 12 ung laban nakipag pustahan pa sakin at sumabit pa ung isa ahahahaha

ayun talo!

bb :D

taga-bundok said...

wala kami TFC... hehe.

after nung laban (live)... pumunta ng City yung roommate ko para bumili ng pirated copy. ayun! sakto... ilang oras lang dami na agad nagbebenta. hehe..

kaya nakapanuod ako.

AL Kapawn said...

@ Jex, Naging intersado kasi ako sa kanyang buhay, mula sa pinakabababang antas ng pamumuhay hanggang sa pinaka tugatog ay kanyang narating..

Yun ay dahil sa kanyang determinasyon at pananalig sa Diyos.

AL Kapawn said...

@ Jex, Naging intersado kasi ako sa kanyang buhay, mula sa pinakabababang antas ng pamumuhay hanggang sa pinaka tugatog ay kanyang narating..

Yun ay dahil sa kanyang determinasyon at pananalig sa Diyos.

AL Kapawn said...

Anjong , uso rin pala ang Piratang DVD dyan.. ha ha ha, ang pinoy nga naman, kahit saan basta may Pinoy nakakagawa ng paraan.

fiel-kun said...

Waah! adik ka talaga alkapon ^_^ natawa ako ng sobra dun sa Katursi pic ni Aling Dionesia :D

Galing talaga ni Manny! talagang tiris at durog ang kuto haha!

Anonymous said...

mabuhay! :D haha.. xcited n kong manuod ng KATURSI! hahaha.. ang galing talaga ni manny. :)

AL Kapawn said...

@ Fiel, baka napaihi ka rin sa katatawa. ha ha ha

@ Kox, abangan mo yan, malapit ng ipalabas.. ha ha ha

an_indecent_mind said...

you know!

AL Kapawn said...

I mean aaahhh... tin kyu biri big.

AL Kapawn said...

I mean aaahhh... tin kyu biri big.

escape said...

kulit nito ah. mga photoshop users talaga.

AL Kapawn said...

@ dong, kasama yan sa blogging, dapat maging creative. he he he

gillboard said...

mas gusto ko si aling dionisia kaysa kay manny... hahaha

Seiko said...

Nakakaaliw talagang basahin ang blog mo.Anyway kahit hindi ko napanood ang laban ni Manny nandito naman ang blog mo eh kumpleto detalyado de kumpletos rekados.O an pa ang hahanapin ng mga readers na hindi nakapanood ng laban ni Manny?

AL Kapawn said...

@ Gillboard, bakit naman? parang iba na yan ah? ha ha ha

@ Seiko, naku! ingat kung ganun, baka matuluyan ka.. baka mandaluyong pa ang kasasadlakan mo kasalanan ko pa. ha ha ha ha

taga-bundok said...

hehe... ang cute ng mga pictures.

Ape Rockstar said...

In all fairness to Miguel Kuto, kahit mejo pasayaw-sayaw na lang siya nung mga huling rounds (cant blame him, sumalo ka na ng mahigit 300 suntok eh-tama na yun), naging gentleman pa rin siya at nilapitan agad si Manny para yakapin siya at i-congratulate sa pagkapanalo. tough fighter, but MP is just the baddest motherfucker of them all.

Clarissa said...

Ewan ko ba at di mamawala-wala ang tawa ko dito sa site mo!!Pero ang galing galing nga ni Pacman!!\(^0^)/

AL Kapawn said...

@ Dhan, cute ka rin para kang sabog.. he he he

@ Ape, huwag kang magmura, bad yan..potangena.. he he he

@ Clarissa, ingat lang baka matuluyan ka, puno na ang selda sa mandaluyong. ha ha ha

iya_khin said...

hang-guwapo talaga ni manny lalo na nga bata pa sya! kaya tuloy humagul-gol si jinky dahil marami na namang girl na nakapalibot sa asawa nya!

AL Kapawn said...

Tsismosa ka rin, he he he