11/16/2009

Matalas na pag-iisip.



Isa sa mga naging susi ng tagumpay ng ating pambansang kamao ay ang pagiging matalas ang kanyang pag-iisip, hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang bilis, lakas at tibay ng pangangatawan. Kasabay ng kanyang ensayo para sa laban ay kanya din hinahasa ang kaisipan kung papaano siya dumiskarte sa loob ng parisukat na lona pagdating ng oras ng sagupaan.

Sabi nga ni Manny sa kanyang mga interview. Ay min aaaah, ay nid to pokus por dis payt en ay wil tray may beri bes por dis payt, nat to heb distraksyon por my pokus,.. you know?”

Kailangan maging matalas ang isip, kailanganmaging focus ang attention sa laban, at hindi dapat padaig sa mga destruction, yan ang kanyang ibig sabihin.

Kahit sa ating mga trabaho ay kailangan din natin ang matalas na pag-iisip para magampanan ang ating tungkulin o responsibilidad, Impressive performance para matuwa ang kumpanya na ating pinaglilingkuran. At maging sa loob ng eskwelahan kung ikaw ay nag-aaral pa lamang, mas higit na kailangan mo ito para maipasa ang iyong mga pagsusulit at makakuha ng mataas na grado, dahil kapag mapurol ang utak, hindi hamak na mas mapurol na marka ang iyong malalasap. walang iniwan yan sa isang lapis, pag mapurol hindi makapagsulat ng mahusay, kailangan hasahin.

At kahit sa panliligaw sa mga natitipuhang tsiks, dapat maging matalas din ang isip para hindi maunahan ng karibal, madiskarte, mapangsuyo at Kung kinakailangan hindi lang maging Matalas kundi maging Matulis din.

54 comments:

pinkdiaries said...

pa beys muna! :-)

pinkdiaries said...

tama, kailangan ngang matalas ang pag iisip sa lahat ng bagay!

hayus ang speech ni pacman! :-)

Xprosaic said...

Sekand beys na lang jijijiji... ganda ng hirit sa hulihan ah... jijijijiji

Lee said...

kaya kelangan palaging bagong tasa.
bilib ako sa englis ni manny,laki ng improvement, talo na nya ko mag inglis,buti nalang di nya binangngit ngayon yung pangalan ng gloves nya.

Arvin U. de la Peña said...

mas mabuti talaga ang may matalas ang pag iisip para hindi mauunahan..kung sa boxing ay magaling umilag..ang sexy ni krista ranillo..matalas talaga ang pag iisip niya na pumili ng tsiks..hehe..nababasahan ko lang sa diaryo..ewan kung may katotohanan..

gillboard said...

sige, pag-iisipan ko yan... walang katalas talas ang isip ko eh... hehehe

pero tama ka, di lang dapat matalas ang isang tao... dapat matulis din.

Chyng said...

at magPOKUS!

AL Kapawn said...

@ Pink diaries, nag improve kahit papano.

@ Xprosaic, hindi nawawal yun. S.O.p> ko yun eh, he he he

AL Kapawn said...

@ Lee, si mister mapurol na ba? joke, he he he

@ Arvin, hindi ka rin tsimoso.. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Gil, kaya kelangan mo rin ng sharpener, para laging matulis.

@ Chyng, ayun! natumbok mo.. matalas ka rin.. sexy mo pa.

Ape Rockstar said...

matindi rin ang concetration at focus na dapat ilaan ni Jinkee sa kanyang asawa...lalu pat umaaaligid si Krista Ranillo.

Mr. Nonsense said...

multi-racial yung mga lapis

AL Kapawn said...

@ ape, upadate ka sa tsismis ha, he he he

@ Nonesense, pansin mO? matalas ka talaga. he he he

taga-bundok said...

hahanap muna ako ng pantasa.
magpaptulis ng di pa tasang lapis.

galing... wala atang halong kamanyakan gaano ang post ah. nakakpanibago. haha!

Patpating Talinghaga: Taga-bundok's Blog
Putohan: Dahn Jacob Photography

Winkie said...

ung interview ni manny, parang vit-water lang. you know?! hahaha!

ang ganda ng visuals mo. very much appropriate sa entry. matalinhaga ngayon ah! :P

salbehe said...

Nais ko lang sabihin na lagi akong nagbabasa ng blog mo. HIndi lang talaga ako makometo. :P :|

Rouselle said...

Where the hell do you get these images? Hahaha!

glentot said...

tsk tsk meron ka pang Manny Fever haha mga ilang weeks pa kaming makakbasa ng Manny Pacquiao dito hehehe in fairness tama naman si Manny, you know?

eMPi said...

tama... kailangan nga natin yan... ang matalas ng pag-iisip! :)

Clarissa said...

hahahahaa!!Natawa ako sa image mo!!\(^0^)/

Salamat sa pagdalaw!!^_^

Joel said...

naks! si alkapon mukhang matulis sa tsiks..

pakitasa nga ang utak ko, mapurol na kasi at di ko na masyado nagagamit hehe

Superjaid said...

astig talaga lagi ang mga pictures dito..hahaha at tama ka po kuya..kailangan talaga ng matinding POKUS..hahaha

MANNY FEVER!!

AL Kapawn said...

@ Dan, matulis ka talaga, ang dami mong identity, hindi ko tuloy malaman kung sino ka talaga, buset. he he he

@ Winkies, ngayon lang ito bukas hindi na.. he he he

Jules said...

Wow nmn! Buti di gaanong mahalay joke! =D And you are right, kailangan laging may pokus sa lahat ng bagay. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

AL Kapawn said...

@ Selbebe, tagasubaybay ka pala sa blog ko, salamat ng marami, nakaka touch naman.. naka add ka na sa blog roll ko,

@ Angel, hindi ko alam kusa na lang dumating para i post ko.. he he he

AL Kapawn said...

@ Glentot, alam mo naman, basta me pacquiao fight talk of the town. bukas change topic na muli ako. balik sa dating kapekpekan ha ha ha ha

@ Marco, batumbol mo.

@ Clarissa, salamat din sa komento.

AL Kapawn said...

@ Kheed, ilapit mo ulo mo at patutulisisn ko yan, lol

@ superjaid, kaya mag pokus ka rin sa BF mo baka masingitan ka ng bestfriend mo.. nya ha ha ha

@ Jules, pa simple muna ngayon.. saka na lang muna ang kalaswaan . ha ha ha

Anonymous said...

mwehehehe. di ko na binasa. dun lang ako sa pantasa interesado.
Ye know, ang Pambansang Pantasa!

J.Kulisap said...

Tama, kailangan ng pokus, ng konsentrasyon.

Mainam na pagdisiplina para mas maging mabunga.

May panahon sa hapi-hapi.

kikilabotz said...

Patasa nga ng akin ng maging matulis din ako. hahaha

April said...

Naks! Hulsam ka ngayon ah. haha. Anong nakain mo kuya? ;D Pero tama yan, kailangan tlgang maging matalas sa lahat ng oras. Lalo na't maraming manlilinlang jan lol. ;D Nice post.

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

Somnolent Dyarista said...

AL-kapon

nice picture hahaha

gusto ko ng ganyang pantasa. tatasahan ko rin yung akin! para tumulis-tulis naman. medyo pumupurol na eh, mahirap ng makabutas. hehe


wala kasi akong pambili ng ibang LAPIS eh.

Somnolent Dyarista said...

follow kita ha!

DRAKE said...

bakit gumaganyan ka na ha!

May nalalaman ka pang matalas na pag-iisip! Bakit may ganung mga salita!hahahha

Pre siguro nakakain ka ng kamoteng may ulalo ngayon noh!

Ingat parekoy!

AL Kapawn said...

@ Lababo, alam ko naman eh, ikaw pa..hilig mo rin bumarurot.. he he he

@ Kulisap, parang totoo ka rin buset! he he he

AL Kapawn said...

@ kikilabots, nakakakilabot ka..he he he
\
@ Basyon, wala akong nakain, nagkataon na matalas at matino lang ang utak ko gayon.. lol

AL Kapawn said...

@ Somnolent, huwag mong pababayaan yan na maging mapurol, dapat laging hinahasa yan, kakalawangin matetano ka pa.. ha ha ha ha

Add din kita, salamat sa pag add parekoy.

@ Drake, kahit papano nakaisip din ako ng matino ngayon.. he he he

paulo said...

Ano kaya ginamit ni Manny na pantasa? :D

PB Woot Woot said...

salamat po sa pagbisita sa blog ko. Well, at first i really intended to put my crazy and naughty adventures on that blog, kaso baka ma-moderator-ek-ek ako kaya iniba ko ang theme. parang sa halip na hard core porn-like "bed scenes" ang nangyari ay mga eksenang naging sanhi ng pagkatulo ng luha at laway sa kama :)

AL Kapawn said...

@ Paulo, yun alin? kanyang lapis o kwan? liwanagin mo ang tanong mo buset..he he he

@ patricia, mas mahusay nga sana kung puro naugthy para bagay sa blog title mo na bed scence, sa dami ng dayukdok sa laman sigurado sisikat ang blog mo.. (nanulot pa) ha ha ha.

EngrMoks said...

hahaha...huli man sa base...nakahbol din...
patulisan na lang kaya...

EngrMoks said...

pare may facebook account ka ba? pa add naman...

Anonymous said...

Teka, pano maging matulis? Hehe.

Rakenrol sa translation mo ng sagot ni Manny sa interview nya, astegen! Hahahaha.

Anonymous said...

heheheh ayos ang pantasa! astig! ayan pala ang dapat ganun para maging matulis! hekhekhek

pero tama kailangan ang maging matulis at makilatis :)

AL Kapawn said...

@ mokong, wala pa ako face book. blogspot lang, gusto ko nga rin mag wp para me suporta ang blog ko.

@ vajar, matulis sa alin? linawin mo. he he he

@ batangstik, nakuha mo ang ibig kong sabihin... yun na yun.

pusangkalye said...

salamat for finding me---I'm afraid I have to say sorry though. I changed my url again---this time it's final na talaga. Sorry. a friend of mine proposed it to me so I said yes. please update it again. SALAMAT ng maraming marami.......


------------

wl ka talagang patawad--pati sharpener--lol

pusangkalye said...

salamat for finding me---I'm afraid I have to say sorry though. I changed my url again---this time it's final na talaga. Sorry. a friend of mine proposed it to me so I said yes. please update it again. SALAMAT ng maraming marami.......

AL Kapawn said...

Dyaske kang pusa ka, nililito mo naman ako, gala ka kasi ng gala. buset.. he he he

taga-bundok said...

Kapag pinatulis ko ba ang lapis... Hahaba ba ito o liliit?

Kapag inilabas masok ko ba ang lapis... Mapipingasan ba ito o titindig?

Kapag matulis na ang lapis... Kailangan ba nito ng proteksyon na taklob tulad sa bolpen para hindi makapaminsala?

Kapag pudpod na ang lapis... Makakayanan pa kaya nitong pumasok sa butas ng pantasa?

Paano naman ang kaibhan ng matabang pamburat lapis na iba't ibang hubog at kulay?

Naguguluhan ako. :(

Anonymous said...

lo. saang souvenir shop ba mabibili yan???

AL Kapawn said...

ha ha ha ha, buset ka anjong, ang dami mong tanong eh, iisa lang naman ang tinutumbok mo, puro kalibugan, letse! he he he

patulisin mo na lang ng patulisin ang pudpod mong pamBURA'T lapis at isalaksak mo sa pwet ng kabayo.. nya ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Laboyboy,
sa kiosk ko, sa ever.. ipagtanong mo lang ako dun.. sabayan mo ng takbo..he he he

Ax said...

hasain lang ng hasain.. at wag pupudpudin ang pambura.. mahirap na! yay.

at kailangan laging matulis, pero iwasan na bumakat sa likod ng papel.. dahil nga mahirap na! aw.

Anonymous said...

hi all
http://www.tor.com/community/users/viewagesuc1970
http://www.tor.com/community/users/presfirviohyd1975
http://www.tor.com/community/users/cremalbrowam1981
http://www.tor.com/community/users/licomgali1982
http://www.tor.com/community/users/evtranetcui1978