11/17/2009

La Diva on Pacquiao-Cotto fight

Muli na namang binatikos ng National Historic Institute (NHI) ang pag-awit ng Lupang hinirang noong Laban nila Pacquiao at Cotto noong linggo, at sa pagkakataon na ito ay ang La Diva naman ang nasa Hot seat, dahil sila ang kumanta ng pambansang awit ng Pilipinas.

Ayon sa NHI ay hindi tama ang pagbirit ng La diva sa bandang huli ng Lupang hinirang, at dapat ay yung tonong angkop at naa-ayon sa sinulat ni Julian Felipe. Matatandaan na marami ng mga sikat na mang-aawit na binatikos at pinatawag pa NHI dahil sa pareho ring sitwasyon, at ang huli nga ay si Martin Nievera, kung saan siya ang napili ni Pacman na umawit noong laban niya kay Ricky Hatton.

Aking hinarbat ang Video na ito mula sa GMA kapuso, dahil matagal na akong kapuso, upang ating pagbulaybulayin kung ano ang ating saloobin sa ganitong paulit-ulit na issue sa tuwing may laban ang ating pambansang kamao, at sa tuwing may naatasang umawit ng Lupang hinirang.

Para sa akin po, napakaganda at napaka husay ang pag-awit ng la Diva ng lupang hinirang, yung blending ng boses ay nakakatinag ng puso, bagama’t bumirit nga sa bandang huli ay naisakatuparan naman nila ng maayos, pati nga ako ay pumalakpak.

Kung ang basehan dito ay ang maling tono sa pag awit, ang tanong ko naman diyan, papaano naman yung bangaw ang boses kung kumanta, lalo na yung mga boses palaka?.. hindi ba’t malinaw na mali ang tono kung sila ang kakanta? ... kayo na po ang bahala..





Pansinin ninyo... nasa likod pa nga si Jose Rizal..

83 comments:

taga-bundok said...

Wahaha! Nakabase ulit ako. Basa mode na. :)

taga-bundok said...

May tama ka Pareng Berting.

Wala ako sa tono at di ko makuha ang pamartsang pag-awit pero kapag ito ay akin ng aawitin... Nag-aalab ang puso ko.

AL Kapawn said...

naka tsamba ka na naman ng base, pareng anjong, talagang nag-aabang ka ng bagong post, buset.. he he he

Ang higit na mahalaga naman para sa akin ay kung papaano mo isa-puso ang pag-awit, hindi yung tono o boses na meron tayo.

kahit na kuha mo lahat ang tamang tono, kahit ikaw pa ang pinaka maganda ang boses sa buong mundo kung hindi naman bukal sa puso ang pag-awit ay wala itong saysay.

Hoobert the Awesome said...

haha. tama nga naman. iapela sa NHI. lolz.

Jepoy said...

i don't see the point ng pag batikos! same naman ang areglo nakakairita talaga ung mga pag pansin.

Basta ko cras ko si Maricris ng La Diva hihihi at ang galing nag pag kanta nila.

AL Kapawn said...

@ poot, sang-ayon ka Diva?

@ Jepoy, natumbok mo parekoy, ikasa mo.. apir.. he he he
Aba! pareho pala tayo ng crush? mang-aagaw, buset.. he he he

Xprosaic said...

Ahahahahahah at dinamay pa si jose rizal... jijijijiji

AL Kapawn said...

kahawig kasi ni Jose Rizal yung kapatid ni manny na nasa likod.. yung naka americana. nakita mo?

taga-bundok said...

Aba naman oo! Lagi akong nakaantabay sa mga bago mo. Hitik sa kamanyakan at ngayon naman sa mga usapang pambansa. Haha!

You're my Hero! Hahaha!

Lee said...

sus, diko mkita video, not allowed daw to this cawntri, anak ng hweteng talaga oo.
panay angalan nilang mali ang kanta o ang tono, bakit di sila kumanta at ng walang angal.

Ape Rockstar said...

papansin lang talaga ang NHI. palibhasa isa ito sa pinaka-WALANG kwentang (next to BIR) ahensya ng gobyerno.\

...si Jose Rizal ba yun o si Dick Ysrael?

p0kw4ng said...

kahit ako nagagandahan din...

baka ang gusto ng NHI eh yung lumang tono lagi ang gagamtin...walang babaguhin...baka hindi lang din sila busy kaya nakikita nila yun,hihihi

AL Kapawn said...

@ Anjong, psst! wag kang maingay. at huwag mong ipangalandakan ang kamanyakan d2. buset!

siyemre kelangan din natin maging matino paminsan-minsan. he he he

AL Kapawn said...

@ Lee, kulang lang sa pansin siguro.

@ Ape, natumbok mo, yun ang ibig kong sabihin..
dick israel? ha ha ha, loko ka.

AL Kapawn said...

@ Pokwang, uu nga eh, nasisilip nila ang katiting na bagay pero ang yung mas grabeng nangyayari sa gobyerno hindi nila pinapansin. nakakabanas.

Rouselle said...

Maganda naman yun rendition nila ng Lupang Hinirang. OA lang talaga minsan ang NHI.

No offense to La Diva fans, pero I really freak out when I see Jonalyn Viray. Hehe. The other two are very pretty, though.

Unknown said...

dito ata tayo di magkakasundo pare koy.
Una: Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay simbolo ng bayan natin. Hindi sya kanta LANG na pwede nating gawan ng kani-kaniyang rendition. Kung panget ang boses ko sa pagkanta nito, ayos lang, basta nasa martsa ang kumpas. Kung maganda ang boses mo, awitin mo nang naaayon sa kumpas nito. Pinagtibay ng konstitusyon ito -na ito ang Pambansang awit, ito ang lyrics, ito ang tono, ito ang kumpas. Ngayon, kung babaguhin natin ang beat halimbawa, isina-suggest ko na magpadala tayo ng request sa mga mambabatas at senado para i-ammend ang nasabing pagsasabatas. (actually di ko alam kung may mga parusa ang paglabag dito at di naman ako nagbabasa ng konstitusyon natin)
Pangalawa: Hoy alkapon, mwaaah, hindi pinapalakpakan ang pag awit ng bayang magiliw, este Lupang Hinirang! hehehe. Hindi naman yan concert. LOL
Pero naiintindihan ko, syempre pag sobrang galing ng pagkakanta eh mapapapalakpak ang bayag ko talaga. Parang yung sa doxology na sobrang ganda, napapalakpak ako, tapos naisip ko, syete pumalakpak ako sa dasal! hehehe
Pangatlo: Sino ba yung La Diva? Kala ko naman ginawan lang ng pangalan ni batangistik yun, e yun pala talaga ang pangalan ng grupo.

*opinyon* =)

Deth said...

di ko napanood ang pagkanta nila, nagsisimula na kase yung laban ni manny nung pinanood namin nung Sunday...tska di ako kapuso eh...kaya di na lang ako magkocomment, hehehe

RHYCKZ said...

nakita nyo b yung sinabi ni jonalyn sa anouncer, 'only one mic, we need 3'...hehehe, pero in peyrnes, maganda ang pagkakakanta nila. OA nga lang ang NHI, nakikisali sa kasikatan ni pakyaw...

Nash said...

well i haven't watched the whole performance of La Diva

so no comment for this one

cheers!

glentot said...

Maganda yung pagkakakanta nila at ewan ko ba kung bakit puro batikos eh sa mga ibang bansa naman like US laging binabago ng singer ung pagkakakanta, hindi naman sila pinapansin ng kung sino sinong groups. Masyado masikip panty ng mga bumabatikos... luwagan naman nila at relax lang...

Anonymous said...

Tingin ko ayos ang banat sa kabuuan ng "Lupang Hinirang'. Kung may mali sa dulo at ayon pala sa batas na di dapat baguhin. Eh di sorry na lang...siguro kailangan ng 'ikalat ng mabuti ang batas na ito para nalalaman ng mga tao. Ako man ay ngayon ko lang naririnig ang batas na ito...nung bata pa ako eh kanta lang ako ng kanta.

taga-bundok said...

wit! wit! hmmnnn... patambay.

ano bang kaparusahan kung sakaling mapatunayan ng hukuman ng nagkasala sila?

salbehe said...

Sos! Ano naman kasing ginagawa ng National Historic Institute (NHI) bukod sa magbatikos ng kung sinong kakanta ng pambansang awit sa mga laban ni Manny? WALA.

J.Kulisap said...

May mga puntos ang AlKapon.

Sabi nong katabi ko dito sa aking upuan, gawan ko daw ng artikulo, huwag na lamang dahil ginawan mo na.

Ang tanong ko naman, sino ba ang dapat kumanta ng tama, yong tama, yong tama, yong pinakatama.

Mga taga NHI siguro.

Hindi ba pwedeng revival?

Naiintindihan ko ang puntos ng taga NHI, isang makatwirang paggalang at respeto yan sa gumawa at sabi nga nasa batas.

Mas tinatanggap ko ang medyo tinitirang pagkakataas o pagkakaiba ng tono kaysa sa mangurakot o gumawa ng karumaldumal na kapalaluan ang mga Pilipino.

At bilang Pilipino ito lamang ang gusto kong iparating. Intro pa lamang ang nasa itaas. Hindi na ako gagawa ng artikol kaya dito na lamang. Thank you pare ha.

Ating unawain ang nais iparating ng Lupang Hinirang bilang pambansang awit ng Pilipinas.
Ikaw ba kapag kinakanta mo yan, ano ang iyong naiintindihan, ano ang iyong gustong itanong?
Kapag nalaman mo na ang nais ipahiwatig ng ating pambansang awit, makakanta mo ito ng nasa puso, boses ipis,palaka o kulisap ka man.

Alkapon naman eh, kinalimutan ko na talaga ang mikropono, ayaw ko nang kumanta..sila naman..please..please lang..

AL Kapawn said...

@ ANgel, Ako man ay nagustuhan ko ang pag awit ng La diva, at talagang humanga ako sa kanilang pag awit ng lupang hinirang, bukod sa magagaling ang boses ay mahusay din sa blending.

About Jonalyn viray, personal opinion mo na yun, lahat naman tayo me kanya-kanyang puna.

DRAKE said...

Bakit may ganitong seryus na post sa iyong blog?hahahha Joke lang pre.

Naku, tayo ay nasa isanng malaking publicity stint. Pati yang La Diva na yan! May concert lang yan sa Music Museum kaya pati yan ginagawang big deal.

Sa mga susunod na kakanta, sana sa susunod kumanta muna kayo sa harap ng NHI, para malaman nyo kung tama o mali ang pagkanta nyo.

At sa La Diva, eh alam kong ginawa nya yan on purpose kasi kung gusto nyo talagang maging tama ang pagkanta nyo, pupunta muna ako sa NHI at duon muna ako magkakanta!Eh dahil may concert kayo eh magandang publicity ito.hehhehe

Parekoy back to buraot mode uli tayo!whahahah

Ingat

AL Kapawn said...

@ Lababo, Malinaw pa sa tubig nawasa ang iyong paglilinaw sa unang bahagi, katanggaptanggap yan.-salamat

2nd: kaya lang naman ako napa-palakpak after yung pag awit kasi, pakiramdam ko parang naroon din ako sa loob ng MGM grand, at natangay ang damdamin ko sa husay ng pag awit ng la diva, unlike before na puro solo performer, but lately and for the very first time ay 3 yung kumanta. parang madrigal singers din.

3rd: hindi mo pala sila kilala, well, mga Girl friend ko sila.. he he he joke..i research mo na lang sa internet, baka ayaw mo akong paniwalaan. he he he

AL Kapawn said...

@ Deth, pwede naman kahit kapamilya ka..me puso ka naman eh. he he he

@ Nash, ok payn!

AL Kapawn said...

@ Scofield, tama yung nabanggit kapatid, nais lang maki bahagi sa kasikatan.

@ Glentot, baka makapal yung garter na ginamit, dapat yung manipis lang di ba?

taga-bundok said...

gudapternun pare.
bisi sa pagsagot ah.

AL Kapawn said...

@ Lolo, yun pa nga ang isang nakapag tataka, ang palaging pinupuna ay yung mga naatasang umawit sa laban ni pacquiao. talag nga yatang gusto lang ng publicity.

@ taga bundok, bumalik ka muna sa bundok, hinuhuli ang mga tambay ngayon, he he he

@ Salbebe, Tama ka.. wala as in wala talaga.

taga-bundok said...

COMMENT DELETED BY AUTHOR

Jules said...

Tama sila actually. Dapat nga nmn na ang tamang timing at tono ang gamitin. Pero cguro mas gugustuhin ko na ang version ng La Diva kesa ung kay Martin lolz. Ginawa nyang concert haha.

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

AL Kapawn said...

@ Kulisap,

napakahaba ang iyong komento, akala mo ikaw na ang may ari ng blog na ito, buset! he he he

Pero tama lahat ang iyong nabanggit parekoy, isa ka ring pinagpala ng matinong pag-iisip.

I wish, na ikaw ang susunod na pipiliin ni Manny upang umawit ng lupang hinirang.

AL Kapawn said...

@ Drake, In short, publicity ang lahat na ito, para naman mapag-usapan at medyo aangat ng konti ang popularity.. he he he

@ Jules, yun din ang naging assessment ko.

@ Anjong, uu busy break time kasi.

AL Kapawn said...

BACK TO WORK GUYS, see you later.

taga-bundok said...

Makaalis na nga.
Mangangaso pa ako.

PB Woot Woot said...

personally maganda at may feeling ang pagkakakanta ng La Diva. Talagang na-nganga ako nang umaawit sila. Wala pa akong naririnig na kumanta ng ating national anthem ng kasing galing ng ginawa nilang 3.

Kaso dapat din natin intindihin ang NHI, dahil nakabase lang naman sila sa Philippine Flag ang Heraldic Code (R.A. 8491): "Section 37. The rendition of the National Anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe."

Scrutinizing the code, may kulong at multa ang lumabag dito. Alat talaga ng buhay.

Ang problema, hindi pinapaliwanag ng maigi or walang concrete sample ang NHI na available for the public kung paano ba talaga ang tamang pagkanta.

J.Kulisap said...

Pre ako na nga dapat sasagot sa mga komento eh, kaya lang baka magkamot ka lang ng bayag mo kapag ginawa ko yan.

Akala ko nga, blog ko na ito eh.

Pasinsya,pasinsya dong.

Sige, kamutin mo na yang bayag mo.
Buset ka ang libog mo.

PB Woot Woot said...

Dagdag kaalaman mula kay Kuya Kim (lol):

May nabasa akong comment kung may kulong / penalty yang isyu na yan. Eto po mga kabayan:

"Section 48. Failure or refusal to observe the provisions of this Act; and any violation of the corresponding rules and regulations issued by the Office of the President, shall after proper notice and hearing, shall be penalized by public censure which shall be published at least once in a newspaper of general circulation."


"Section 50. Any person or juridical entity which violates any of the provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000) nor more than Twenty thousand pesos (P20,000), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court: Provided, That for any second and additional offenses, both fine and imprisonment shall always be imposed: Provided, further, That in case the violation is committed by a juridical person, its President or Chief Executive Officer thereof shall be liable."

Anonymous said...

ang mga taga-nhi na ang pakantahin....

Unknown said...

salamat sa comments mo ma'am patricia, naliwanagan ako. =) salamat salamat.
siguro nga, kailangan munang ipaalam ang batas na iyan sa ating lahat.

PB Woot Woot said...

ang problema kasi walang proper dissemination ng batas at nang sample na national anthem na dapat gayahin. bulok na sistema tlga meron tayo.

Unknown said...

Pero umaasa pa rin ako na magbabago ang sistema. =)
Hindi lamang iilan ang may gusto ng pagbabago. Malay mo...
Sana abutan ko pa ang pagbabagong yun. Kahit unti unti...

J.Kulisap said...

Patay ka Alkapon, binasahan ka ng mga artikulo ni Mam Patricia.

Ipaliwanag mo sa amin ng tagalog yan.

paulo said...

Sa palagay ko, 'yung version ni Martin ang mas tama ('yung umpisa lang, binago kasi nya 'yung huli eh). Ang alam ko, ang ibig sabihin ng NHI, dapat pa-march ang tono ng Lupang Hinirang, at hindi makabagbag-damdamin.

EngrMoks said...

ha!!!? binatikos na naman pala ang mga kumanta..akala ko okay na at ayos na... yun pala binatikos pa din..sana NHI na lang ang umawit...

iya_khin said...

haay naku! nagpapapansin lang ang mga yan, ang mahalaga eh sinapuso ang pag-awit.

baka kasi inaantay na isa sa miyembro nila ang pakantahin! wee

AL Kapawn said...

To all, sensiya na ngayon lang ulit sumagot, medyo nangati lang ang betlog ko kaya kinamot ko muna ng ilang oras..

magbibigay rin ako ng aking opinion tungkol sa mga sanga-sangang komento ninyo.. salamat sa inyo at nakaka tuwang malaman na lahat tayo ay concern sa bagay na ito at talaga naman nakaka tuwa ang inyong pagbigay ng saloobin.

AL Kapawn said...

Unahinko muna ang bestfriend kong si Anjong na ang daming alyas sa blogsperyo..

Sige pare, ipagpatuloy mo ang pangangaso sa bundok para may mapulutan tayo mamaya.. huwag mong kalimutan yung paborito kong bayawak.

AL Kapawn said...

@ kulisap,

sori pare nagkamali ako sa komento ko sa taas, dapat para sa iyo hindi kay lababo.. it is a wrong mistake.. he he he
buset ka rin, pinangalandakan mo pang malibog ako.. eh, konti lang naman. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Patricia.
Noon pa man ay na research ko na yan noon, hindi ko na lang isinama sa post ko baka sabihin pa ng readers na nagmamarunong tayo about that, at baka ang kalalabasan eh, hindi na blog kundi nag lelecture na tayo dito. hindi naman po ako Guro.. Gurang lang.! he he he

but anyway, since ikaw mismo ang nag open nito, ay pinasasalamatan kita, at least nag karaoon din tayo ng basehan kung bakit ganun na lamang ang pagpoporsige ng mga taga NHI upang ituwid ang pagkakamali ng naatasang kumanta ng lupang hinirang sa mga laban ni pacquiao.

Ok fine, nandun na tayo, ang batas ay batas.. ang sarap pakinggan. Pero hindi natin mai-alis sa ating isipan na ang batas ay laging nabubutasan. kung yung mga nasa kongreso nga me kanya-kanya silang opinion tungkol sa mga nasasaad sa saligang batas, how muce more itong simpleng article na ito?

parang kulang yata ang espasyo: itutuloy

AL Kapawn said...

Patricia Ulit, tama ka sa sinabi mo, Ang problema kasi sa atin ay sistema.. There is ni proper implementation at all.

AL Kapawn said...

@ Lababo, buti nandyan ka, sige parekoy makisawsaw ka lang sa aking lababo. he he he

@ Kulisap, ayun, pinaliwanag ko na.

@ Mokong, Me punto ka dyan, next time siguro Taga NHI na lang ang kakanta.

AL Kapawn said...

@ Paulo, yung ke martin ayos na nga sana, kaso yun ang malinaw na iniba yung note sa bandang dulo. memoryado ko pa yung tono na ginawa niya.

@ Iyah, me tama ka rin dyan.

Para sa akin, it is not a big deal, at huwag ng masyadong makisawsaw pa exaggerated sa issue, ok fine, sila ang nasa pwesto para bumatikos, alam nila ang batas... pero sana naman ang titignan natin dito, kung yung taong umaawit ng lupang hinirang ay nasa puso nito ang diwa ng kanta ng ating pambansang awit.

at kahit marami ka namang nalalaman sa batas kung ikaw mismo ay hindi mo isinapuso, hanggang bunganga lang ang pagsasabi mo, ay daig mo pa ang sira-ulong me ketong sa ilalim ng kanyang ilong.

3 bagay ang dapat nating i consider din ito kung tayo ay tunay na makabayan.

Sa puso,

sa salita at

sa Gawa.

Amen?

taribong said...

Parang nadale ako sa dulo ah ehhehehe. wala po sa tono eh toinks..

ah basta k sisikapin ko ang madamdaming pagkanta dahil pinoy ako, mahina nga lang para hindi umalingawngaw ang pag-awit ni taribong. lip sync toinks... heheheh

taribong said...

Parang nadale ako sa dulo ah ehhehehe. wala po sa tono eh toinks..

ah basta k sisikapin ko ang madamdaming pagkanta dahil pinoy ako, mahina nga lang para hindi umalingawngaw ang pag-awit ni taribong. lip sync toinks... heheheh

Ax said...

Basta taos sa puso ang pagkanta at hindi nababastos ang Lupang Hinirang, ayos sa akin.

Naging batayan ang tamang pagkanta ng ating pambansang awit dahil na rin sa mali at pagbabago sa tono nito. Para sa akin, kailangan pa rin na tama ang pag-awit nito.

Sinearch ko ang kable at mga videos. Tanging si Lea Salonga at Regine Velasquez lang ang dalawang Pinoy na nakapagpabilib sa Pilipinas na awitin ng tama ang ating pambansang awit.

AL Kapawn said...

@ Taribong, mag praktis ka sa videoke para mahasa ang boses mo. he he he

@ Ax, yan ang tumpak na sagot, saludo ako dyan... yung iba naman kasi parang gusto rin yata ng exposure yung nap uusapan din sila kahit na masabon.

Ayie Marcos said...

First time kong makiki comment...ang ganda nga ng pagkaka awit nila eh...ano pa bang gusto?

Next time siguro, kung ako kay Pacquiao choir na kunin nya kse 1, 2, 3 man ang kumanta may nasasabi eh--damihan na natin diba?

hehehe.un lang po.

anteros' dominion said...

marami ang nagsasabing mali ang pag-awit ng la diva ng lupang hinirang sa laban ni cotto-pacquiao

kung susumahin, hindi mali ang ginawang pag-awit ng la diva. at kung mayruon mang dapat magpaliwanag sa isyung ito, iyon ay ang nag-areglo na si danny tan. inawit lang ng la diva yung areglo ni ginoong tan

nakalulungkot na ang pinagbatayan ng national heraldic act na lupang hinirang ay yaong martsa na nilikha ni julian felipe.

martsa.

hindi mismo yung areglo para maawit ng maaayos ang lupang hinirang

kaya yung masinsin na susundan yung timbre at areglo nung martsa, wala talagang makakanta niyon dahil mabilis at nakakaubos ng hininga

sa halip na papurihan ang maaayos na pagkaka-awit, nakalulungkot na umaaray ang n-h-i sa isang bagay na simulat sapul ay hindi naman dapat pinaguusapan.

hindi na ako nagtataka kung mayruong ilang sektor na bumubunghalit ng tawa sa ginagawa ng n-h-i.

at dun sa mga nagsasabing wala sa tono si jonnalyn viray, transposition po yung kaniyang ginawa.si maricris ang melody at si aicelle ang second voice

ngayon ko rin lang napansin na tumahimik ang buong arena nang may umawit ng lupang hinirang sa laban ni pacquiao.

maaaring makikita sa youtube ang lahat ng video clips ng mga umawit ng lupang hinirang sa mga laban ni pacquiao.

sa kabuuan, isa lang ang aking opinyon.

may punto ang n-h-i, subalit hindi iyon sapat para gawan ng isang brouhaha

AL Kapawn said...

@ Ayie, salamat naman at napadpad ka sa aking site,upang maki gulo sa umaatikabong issue ngayon. he he he,.

Kung choir ang suggestion mo, siguro i rerecomend ko ang Madrigal group, narinig ko na kasi ang pag awit nila sa lupang hinirang at nakuha ang tamang tono, yung marcha na gustong mangyari ng NHI bukod pa sa nasa tamang ritmo na sinulat ni kulian felipe.. salamat muli.

AL Kapawn said...

@ Antero, natutuwa ako dahil me mga bagong pangalan na nakipag balitaktakan sa post na ito.

napaka haba ang iyong komento, subalit lahat ng binanggit mo ay may katuturan ay napaka husay ang inyong pagbalangkas, i really appreciate it.

palagay ko hindi ko na kailangan pang dagdagan ang pagpapaliwanag mo dahil natumbok mo lahat ang buod ng pangyayari at nais mong ipabatid.. maraming salamat sa pagdalaw at pakikihalubilo, pagdalawa sa aking site.

itsMePeriod said...

walang anuman po!

natatawa lang ako sa n-h-i

nagagalit sila sa ginawa ng la diva

subalit yung babaeng bautista ang apelyido na pumalya sa pagkanta, kanilang ipinagtanggol

(kunsabagay, hindi nga naman iyon bumirit eh..kundi sumigaw..bwahahahahahahahaha)

sana mapalimit ang iyong pagdalaw sa aking maliit na mundo

nakatakda akong magsulat ukol sa ginawa ng comelec sa grupo na aking kinabibilangan...ang 'ang ladlad'

AL Kapawn said...

alam ko rin yung pangyayari na yun, nakakatawa nga eh, napaghahalata tuloy na gusto lang makisawsaw sa kasikatan ni pacquiao, kaya ayun, palaging inaabangan ang laban ni paquiao par me mabatikos sila para kahit papaano ay mapansin din sila.. ha ha ha

hayaan mo, suportahan ko yang site mo.. mag bigay din ako ng opiniom ko. pero gusto ko lang ipaunawa na hindi ako bakla.. ha ha ha.

lalaking malibog ini. nye he he he.

Seiko said...

Aray ko!Busina ka naman hehe.Isa ako sa mga malapalaka ang boses eh but I can proudly say kahit papano may feeling naman so it doesn't really matter kung boses palaka mahalaga nakanta nila ng maayos.hehe

AL Kapawn said...

o sige busina na ako..

beep.. beepp.. beep..

kokak kokak kokak..

he he he

darbs said...

Sabi ko na nga ba at may kontrobersya na naman ang pag-awit ng Philippine National Anthem. Ano ngayon ipako nila sa krus ung mga diva?

Raft3r said...

gusto ko yun pagkakakanta nila
teka, sikat ba sila?

AL Kapawn said...

@ Darbs, sumasaw lang sa kasikatan ni pacquiao.. nagpapa pansin kumbaga.

@ Raft.. hindi pa gaanong sikat, papasikat pa lang dahil sa controversy na ito.

Antwoine said...

@ Lababo, buti nandyan ka, sige parekoy makisawsaw ka lang sa aking lababo. he he he @ Kulisap, ayun, pinaliwanag ko na. @ Mokong, Me punto ka dyan, next time siguro Taga NHI na lang ang kakanta.

Anonymous said...

Nais kong sabihin sa mundo tungkol sa isang mahusay na tao na tinatawag na Dr.Agbazara ng AGBAZARA templo para sa pagdadala ng kagalakan sa aking kasal pagkatapos 2years ng diborsiyo mula sa aking asawa at ang aking 4kids, mayroon i hindi lahat ng bagay upang dalhin ang mga ito pabalik sa aking buhay dahil mahal ko ang mga ito nang sa gayon magkano kaya ipinakilala sa isang kaibigan sa akin sa isang spell caster noong nakaraang buwan na ginawa bawat bagay espiritwal at dalhin ang mga ito pabalik sa loob ng 48hours, ngayon kami ay sama-sama at masaya kahit na higit pa kaysa sa kung saan kami dati. Maaari kang makipag-ugnay sa ito mahusay na spell caster upang malutas ang iyong sariling mga problema sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng email tulad ng i ginawa sa: (agbazara@gmail.com) O tumawag sa 2348104102662

BARBARA mula sa USA

Anonymous said...

My ay Jennifer, ito ay isang patotoong hindi ko malilimutan ang aking buong buhay

Ito ay mahirap na paniwalaan, ang aking kasal ay halos nasira down pagkatapos ng 9 na taon ng kasal. Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko ay Mrs. Jennifer Paul, ako ay may asawa para sa magandang 9 na taon at walang anak, halos ako ay nagbibigay ng pag-asa hanggang sa nakita ko ang isang sumangguni ng isang patotoo sa kung paano nakatulong PA OBA isang tao upang magsama-samang muli ang kanyang nasira kasal.

Ako ay nagpasya na bisitahin PA OBA sa website www.obastarpell.webs.com at sinulat ko siya sa Email: obastarpell@gmail.com, at ipinaliwanag ang aking mga problema sa kanya, at sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay na maaaring gawin, at ngayon hulaan kung ano ? Ako ay may hawak na isang ulat sa doktor ng 2 buwan ng pagbubuntis pagsubok. Sa lalong madaling panahon ay dapat kong dalhin ang aking baby.


Kung mayroon kang anumang mga problema suntok at kailangan mo ng isang mabilis na solusyon sa iyong problema, makipag-ugnayan lamang sa akin sa aking email obastarspell@gmail.com o bisitahin www.obastarspell.webs.com para sa karagdagang impormasyon.

(1) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
(2) Kung ikaw ay laging may masamang panaginip
(3) na gusto mong i-promote sa iyong opisina.
(4) na gusto mong babae / lalake na tumakbo pagkatapos mong
(5) Kung nais mo ang isang bata.
(6) na gusto mong maging mayaman.
(7) na gusto mong bono sa iyong asawa / asawa sa iyong sarili magpakailanman.
(8) Kung kailangan mo ng pinansiyal na tulong.
(9) Herbal care
(10) Tulong nagdadala ng mga tao sa labas ng bilangguan
(11) Kung gusto mong manalo kaso sa hukuman ng batas.
(12) Kung gusto mong magsimula ng iyong kurso ng pamilya.

Maraming salamat PA OBA ako ay palaging mananatiling nagpapasalamat sa inyo, at ako ay palaging pinatototohanan ang iyong magandang trabaho sa lahat ng tao sa mundo.

Anonymous said...

My aJ MARY, ito ay isang patotoong hindi ko malilimutan ang aking buong buhay

Ito ay mahirap na paniwalaan, ang aking kasal ay halos nasira down pagkatapos ng 9 na taon ng kasal. Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko aJ Mrs. MARY JOHN, ako ay may asawa para sa magandang 9 na taon at walang anak, halos ako ay nagbibigay ng pag-asa hanggang sa nakita ko ang isang sumangguni ng isang patotoo sa kung paano nakatulong DR AKHERE isang tao upang magsama-samang muli ang kanyang nasira kasal.

Ako ay nagpasya na bisitahin DR AKHERE sa Email: akheretemple@gmail.com, at ipinaliwanag ang aking mga problema sa kanya, at sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay na maaaring gawin, at ngayon hulaan kung ano ? Ako ay may hawak na isang ulat sa doktor ng 2 buwan ng pagbubuntis pagsubok. Sa lalong madaling panahon ay dapat kong dalhin ang aking baby.


Kung mayroon kang anumang mga problema suntok at kailangan mo ng isang mabilis na solusyon sa iyong problema, makipag-ugnayan lamang sa akin sa aking email akheretemple@gmail.com

(1) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
(2) Kung ikaw ay laging may masamang panaginip
(3) na gusto mong i-promote sa iyong opisina.
(4) na gusto mong babae / lalake na tumakbo pagkatapos mong
(5) Kung nais mo ang isang bata.
(6) na gusto mong maging mayaman.
(7) na gusto mong bono sa iyong asawa / asawa sa iyong sarili magpakailanman.
(8) Kung kailangan mo ng pinansiyal na tulong.
(9) Herbal care
(10) Tulong nagdadala ng mga tao sa labas ng bilangguan
(11) Kung gusto mong manalo kaso sa hukuman ng batas.
(12) Kung gusto mong magsimula ng iyong kurso ng pamilya.

Maraming salamat DR AKHERE ako ay palaging mananatiling nagpapasalamat sa inyo, at ako ay palaging pinatototohanan ang iyong magandang trabaho sa lahat ng tao sa mundo.

Anonymous said...

My aJ MARY, ito ay isang patotoong hindi ko malilimutan ang aking buong buhay

Ito ay mahirap na paniwalaan, ang aking kasal ay halos nasira down pagkatapos ng 9 na taon ng kasal. Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko aJ Mrs. MARY JOHN, ako ay may asawa para sa magandang 9 na taon at walang anak, halos ako ay nagbibigay ng pag-asa hanggang sa nakita ko ang isang sumangguni ng isang patotoo sa kung paano nakatulong DR AKHERE isang tao upang magsama-samang muli ang kanyang nasira kasal.

Ako ay nagpasya na bisitahin DR AKHERE sa Email: akheretemple@gmail.com, at ipinaliwanag ang aking mga problema sa kanya, at sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay na maaaring gawin, at ngayon hulaan kung ano ? Ako ay may hawak na isang ulat sa doktor ng 2 buwan ng pagbubuntis pagsubok. Sa lalong madaling panahon ay dapat kong dalhin ang aking baby.


Kung mayroon kang anumang mga problema suntok at kailangan mo ng isang mabilis na solusyon sa iyong problema, makipag-ugnayan lamang sa akin sa aking email akheretemple@gmail.com

(1) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
(2) Kung ikaw ay laging may masamang panaginip
(3) na gusto mong i-promote sa iyong opisina.
(4) na gusto mong babae / lalake na tumakbo pagkatapos mong
(5) Kung nais mo ang isang bata.
(6) na gusto mong maging mayaman.
(7) na gusto mong bono sa iyong asawa / asawa sa iyong sarili magpakailanman.
(8) Kung kailangan mo ng pinansiyal na tulong.
(9) Herbal care
(10) Tulong nagdadala ng mga tao sa labas ng bilangguan
(11) Kung gusto mong manalo kaso sa hukuman ng batas.
(12) Kung gusto mong magsimula ng iyong kurso ng pamilya.

Maraming salamat DR AKHERE ako ay palaging mananatiling nagpapasalamat sa inyo, at ako ay palaging pinatototohanan ang iyong magandang trabaho sa lahat ng tao sa mundo.

Anonymous said...

Hello everyone, my Name is Rose Paul.

This has really worked and I am proud to testify of it. I saw a post on how a lady got her man back and I decided to try this PA OBA that helped her because my relationship was crashed down for 3 good years and some months. Although I never believed in spiritual work I reluctantly tried him because I was desperate but to my greatest surprise PA OBA helped me to bring back my man and now my relationship is now perfect just as he promised. My man now treats me like a queen even when he had told me before he doesn't love me anymore. Well, I don't have much say now, but if you are passing through difficulties in your relationship try him. Here is his email: obastarspell@gmail.com or visit his website at www.obastarspell.webs.com for more information.

Rose Paul.

Anonymous said...

My thanks goes to the great Dr.AKHERE for taking time to help me cast the spell that brought my husband back home to me,who suddenly lost interest in me after one month of engagement,but today we are happily married with one kid and we are more happier than never before,i was truly shocked and amazed when my husband kneel down begging for forgiveness and for me to accept him back.. I am really short of words and joyful and i don't know how much to convey my appreciation to you Dr.AKHERE you are a Godsent to restore broken relationship.he deeply enjoy helping people achieve their desires, find true love,getting their ex lovers back,stop abusive relationships,find success,attract happiness,find soul mates and more,contact him today. and let him show you the wonders and amazement of his Love Spell System. He deliver results at his best in real spell casting,email him at: AKHERETEMPLE@GMAIL.COM and get your problem solved

Anonymous said...

My thanks goes to the great Dr.AKHERE for taking time to help me cast the spell that brought my husband back home to me,who suddenly lost interest in me after one month of engagement,but today we are happily married with one kid and we are more happier than never before,i was truly shocked and amazed when my husband kneel down begging for forgiveness and for me to accept him back.. I am really short of words and joyful and i don't know how much to convey my appreciation to you Dr.AKHERE you are a Godsent to restore broken relationship.he deeply enjoy helping people achieve their desires, find true love,getting their ex lovers back,stop abusive relationships,find success,attract happiness,find soul mates and more,contact him today. and let him show you the wonders and amazement of his Love Spell System. He deliver results at his best in real spell casting,email him at: AKHERETEMPLE@GMAIL.COM and get your problem solved

Sonia said...

Strong Love spell to get your Ex Boyfriend/Girlfriend back fast.
Am Maria 21yr from England, my boyfriend of a 4yr just broke up with me and am 30 weeks pregnant.I have cried my self to sleep most of the nights and don’t seem to concentrate during lectures sometimes I stay awake almost all night thinking about him and start to cry all over again.Because of this I end up not having energy for my next day’s classes ,my attendance has dropped and am always in uni and on time.Generally he is a very nice guy ,he ended it because he said we were arguing a lot and not getting along.He is right we’ve been arguing during the pregnancy a lot .After the break up I kept ringing him and telling him I will change.I am in love with this guy and he is the best guy I have ever been with.I’m still hurt and in disbelief when he said he didn’t have any romantic feelings towards me anymore that hurt me faster than a lethal syringe.He texts me now and then mainly to check up on how am doing with the pregnancy,he is supportive with it but it’s not fair on me, him texting me as I just want to grieve the pain and not have any stress due to the pregnancy.i was really upset and i needed help, so i searched for help online and I came across a website that suggested that Dr Unity can help solve marital problems, restore broken relationships and so on. So, I felt I should give him a try. I contacted him and he told me what to do and i did it then he did a spell for me. 23 hours later, my bf came to me and apologized for the wrongs he did and promise never to do it again. Ever since then, everything has returned back to normal. I and my bf are living together happily again.. All thanks to Dr Unity. If you have any problem contact Dr.Unity now and i guarantee you that he will help you.Email him at: Unityspelltemple@gmail.com ,you can also call him or add him on whats-app: +2348071622464.

Unknown said...

OMG!! This is certainly a shocking and a genuine Testimony i have ever
seen..I visited a forum here on the internet on the 20TH OF JUNE 2014,
after my husband separated me and my marriage of 8 years was broken down
and i was totally inconsolable and without hope because i have tried all
means to get my husband back after much pleading and did everything
possible to make sure that he comes back, but nothing worked out for me....
And i saw a marvelous testimony with this email dress

AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

of this powerful and great spell caster called
Dr Akhere on the forum.. And i saw how Dr Akhere reunited a family and
brought the Husband of a woman back to her in just 24 hours..I never
believed it, because i never heard nor learnt anything about magic before..
Not a soul would have been able to influence me about magical spells, not
until Dr Akhere did it for me and restored my marriage of 8 years back to me
and brought my spouse back to me in the same 24 hours just as i read on the
internet..i was truly astonished and shocked when my husband came to my
house and knelt down begging for forgiveness and for me to accept him
back.. I am really short of expressions, and i don't know how much to
convey my appreciation to you Dr Akhere you are certainly a God sent to me
and my entire life and family.. he did his work just as he guaranteed me in
24 hours and it yielded an optimistic result to me and i was able to get my
Husband back. right now my Husband has falling so much in love with me and
my kids like never before. This spell casting isn't brain washing but he
opened up his eyes to see how much i love and wanted him, i really don't
know how best to be grateful to you Dr Akhere for bringing happiness into
my life and family, and now i am a joyful woman once again.. here is his
Email: AKHERETEMPLE@GMAIL.COM


OMG!! This is certainly a shocking and a genuine Testimony i have ever
seen..I visited a forum here on the internet on the 20TH OF JUNE 2014,
after my husband separated me and my marriage of 8 years was broken down
and i was totally inconsolable and without hope because i have tried all
means to get my husband back after much pleading and did everything
possible to make sure that he comes back, but nothing worked out for me....
And i saw a marvelous testimony with this email dress

AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

of this powerful and great spell caster called
Dr Akhere on the forum.. And i saw how Dr Akhere reunited a family and
brought the Husband of a woman back to her in just 24 hours..I never
believed it, because i never heard nor learnt anything about magic before..
Not a soul would have been able to influence me about magical spells, not
until Dr Akhere did it for me and restored my marriage of 8 years back to me
and brought my spouse back to me in the same 24 hours just as i read on the
internet..i was truly astonished and shocked when my husband came to my
house and knelt down begging for forgiveness and for me to accept him
back.. I am really short of expressions, and i don't know how much to
convey my appreciation to you Dr Akhere you are certainly a God sent to me
and my entire life and family.. he did his work just as he guaranteed me in
24 hours and it yielded an optimistic result to me and i was able to get my
Husband back. right now my Husband has falling so much in love with me and
my kids like never before. This spell casting isn't brain washing but he
opened up his eyes to see how much i love and wanted him, i really don't
know how best to be grateful to you Dr Akhere for bringing happiness into
my life and family, and now i am a joyful woman once again.. here is his
Email: AKHERETEMPLE@GMAIL.COM


Anonymous said...

WELCOME TO DR.AKHERE SPELL TEMPLE(AKHERETEMPLE@GMAIL.COM)

HELLO ARE YOU IN ANY DIFFICULT SITUATION THAT YOU THINK THAT THE SITUATION YOU ARE PASSING THROUGH CANNOT BE SOLVE AM TELLING YOU NOW THAT YOU SHOULD WORRY NO MORE,I AM DR.HENRY A SPELL CASTER I HAVE DONE SPELL TO DIFFERENT CALIBRE'S OF PEOPLE AROUND THE WORLD SO PANIC NO MORE

IF YOU HAVE ANY OF THE BELOW PROBLEMS,THINK NO MORE BECAUSE YOU HAVE

NO PROBLEMS AS FAR AS DR HENRY IS CONCERN:::

GENERAL LOVE SPELLS,

SPELLS TO MAKE IMPOTENCE PRODUCTIVE,

SPELLS TO GET YOUR EX BACK,

SPELLS TO MAKE YOUR WIFE GIVE BIRTH,

SPELLS TO CAST OUT DEMONS,

SPELLS FOR PREGNANCY,

SPELLS FOR SEX,

SPELLS FOR MARRIAGE,

SPELLS FOR MONEY,

SPELLS FOR BUSINESS,

SPELLS FOR ALL KINDS OF SICKNESS

IF YOU NEED ANY OF THE ABOVE HELP JUST CONTACT THE GREAT DR AKHERE TEMPLE ON AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

THANK YOU.

Angelika said...

Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)