Marami sa atin ay naiinis kapag nakabangga o nakasalubong ng isang lasing. pero dumating na ba sa puntong inalam natin kung bakit sila nagpapakalango sa alak? hindi pa diba? ano nga ba ang tunay na hangarin ng mga tomador na ito kung bakit ganon nalamang sila kahayok sa mga inuming nakakalasing?
Isang kaibigan ang nagpadala sakin ng text message noong mga nakaraang araw dala na rin siguro ng aking pag-imbita na lumabas ng mga katropa para magsaya,magpakalango sa alak at maisuka ang lahat. Ang laman ng mensahe niya ay mga dahilan ng mga lasinggero sa paglalasing. Sa una ay naisip ko na kalokohan lang ang laman nito kaya hindi ko muna binasa at hinayaan ko sa aking inbox.
Nito lamang na-ipit muli ako sa trapiko sa Monumento malapit na sa bahay ko sa Potrero malabon, sa sobrang nakaka-inip ang mabigat na trapiko, naisipan kong magkalikot ng cellphone at magbura ng mga mensahe sa inbox. Bukod sa bored ako ay dahil na rin madaming unread messages na rin ang nasa inbox ko. Sa pagkakataong iyon ay nakita ko muli ang text message ng kaibigan ko na iyon, kaya binasa ko na rin. Laking gulat ko na hindi pala ito pawang kalokohan lamang bagkus ay mayroon itong lamang mga tunay na mensahe na nakakapanglusaw ng puso.
Ito ang nakasaad sa Mensahe;
Sa tuwing hilo ako at umiikot ang mundo dulot ng espiritu ng nasa alak ay sana makatakas kahit panandalian lamang sa magulo kong mundo.
Sa tuwing tatawa sa kalokohan at biro ng tropa ay maitago ang lahat ng sakit at kalungutang naipon sa puso.
Sa tuwing iikot ang baso para sa tagay ay maisama na sana at matanggay ang mga problemang matagal ng gustong kumawala.
Sa tuwing pagkatapos ng tagay at pagbuga ng usok sa sigarilyo ay mailabas narin ang sama ng loob na matagal tiniis.
At sa tuwing itataas ang bote at ikakampay ay hindi sana mawalan ng kaibigang makakasangga sa kabiguan at kasaganahan.
Sa tuwing hilo ako at umiikot ang mundo dulot ng espiritu ng nasa alak ay sana makatakas kahit panandalian lamang sa magulo kong mundo.
Sa tuwing tatawa sa kalokohan at biro ng tropa ay maitago ang lahat ng sakit at kalungutang naipon sa puso.
Sa tuwing iikot ang baso para sa tagay ay maisama na sana at matanggay ang mga problemang matagal ng gustong kumawala.
Sa tuwing pagkatapos ng tagay at pagbuga ng usok sa sigarilyo ay mailabas narin ang sama ng loob na matagal tiniis.
At sa tuwing itataas ang bote at ikakampay ay hindi sana mawalan ng kaibigang makakasangga sa kabiguan at kasaganahan.
OO nga naman, hindi lamang iniinom ang bote ng alak dahil sa wala lang, sa bawat gawain palang kaakibat ng pag-inom ay may mga paliwanag na kasama. hindi lang vices or bisyong maiituturing ang pag-inom kundi isang mala-spa na nakakapagparelax at nakakapagpawala ng mga dala-dalahin sa puso. kung hindi lang masama para sa kalusugan ang pag-inom ay marami narin sigurong pilipino ang nagpakalango sa alak dahil sa kahirapan, kabiguang makamit ang pangarap o kabiguang sa pag-ibig kaya lang kapag labis ang pag-inom magdudulot ito ng panibagong problema sayo dahil damay na dito ang kalusugan mo. kung kaya hindi dapat inaabuso ang mala-spa na pagrerelax na ito. ayan, unti-unti ng umuusad. sana katulad ng pag-usad na ito sa trapiko ay ang pag-usad natin sa mga problema natin sa buhay.
hanggang sa muli kaibigan, dito sa Malabon, kwentuhan at inom tayo!
23 comments:
Ang sabi ng mga Parokyano ko, ang alak daw ay sukatan ng pagkatao.. Dun mo malalaman ang ugali o tamang asal at tunay na pagkatao ng isang taong naka-inom at hango na sa alak.
Ewan ko lang kung totoo, pero yun ang sabi ng nakakarami,
Agree, ako kay Tiyo paeng, kasi marami rin akong kaibigan na kunwari na mabait, pero nung naka inom na, lumabas na ang tunay siyang Asal.. mas masahol pa pala sa hayop ang ugali.. nakaka buwisit. dami kong kapit-bahay na ganyan.
Siguro nga,at yan din ang madalas kong napapansin kapag ako ay nakikipag inuman sa mga ka tropa ko d2 sa malabon.. kahit mismong mga kababata at kaibigan ko ay sobra na sa kulet kapag naka-inom na.
Madalas pang sa Ulo nilalagay ang alak hindi sa tiyan, ibig kong sabihin natatalo sila ng espiritu ng alak.
Si dick Israel yata yung nasa picture..ha ha ha, mukhang manyakis.. buwa ha ha ha
Tama si tiyo Paeng, Kaya yung ayaw uminom at ayaw malasing, may tinatago ang mga yan.
Tagay pa! Kampay!
Fatherlyours, Kunsabagay tama kayo dyan, kasi kahit ako minsan pag naka inom medyo makulit na ako, pero tamihik lang akong tao, kaya lang makulit ako noon medyo bata-bata pa ako, kaya ayun lumalabas kung kakulitan ko pag ako'y nakainom.
Salamat nga pala sa dalaw mo.
Masarap ang REDhorse, isang lagok lang sipa agad.
Sa ming bayan, ganun din marami rin makukulit na lasenggo, tapos ang iingay pa hindi nagpapatulog, ang lakas ng kantahan, nakaka buwang.
Hi alkapon! thanks for dropping by my site. :D Exlinks tayo.. nilink na kita sa blogroll ko under cool new friends! yay!
Alright, isama rin kita sa blogroll ko para madali akong makadalaw sayo.. dadalasin kong dadalawa sa site mo.
may mga sarili akong way para sa mga ginagawa ng mga tomador na maibsan yung kanilang sarisaring issue sa buhay.
kanya2 lang naman kasi yan basta ba di sila nagwawala e hehe
tama ka dyan dencios, kailangan din ng konting disiplina o pag sasa ayos sa sarili kapag nag iinom para maiwasan ng anumang gusot kapag medyo me tama na.
uminom para magsaya at upang hindi magwala.
alkapon, endorser ka ba ng Red horse? hek hek hek, ayos itong site mo, tamang tama sa site ko, kasi puro pagkain yung sa akin, sayo naman puro inumin..
Kapag pinagsama, talagang todo ang kasiyahan. may inuman na, may pulutan pa, saan ka pa?
@Chef Macky, hindi po ako endorser, bespren ko lang ang redhorse dahil siya ang madalas na nag bibigay sa akin ng aliw kapag akoy nalulungkot.
uu nga ano? sumilip din ako sa site mo puro masasarap na pulutan ang naka post.. may litson at Crispy pata pa.. pwede mo ba akong dalhan sa susunod? dito tayo mag-inuman..
when I was young at nakakakita ko ng lasing, sinabe ko sa sarili kong "paglaki ko di ako iinom.." but now, it's not that bad at all pala dahil na-try na ntin. well,
it takes on to know one.
Chyng
girl from malabon
Drinking is not bad naman as long as you can handle it. at kaya mong dalhin ang sarili hindi yung espiritu ng alak ang magdala sa iyo.
Sa malabon ka rin pala... i hope na mag meet tayo para mag inuman.. naks! joks.
last time akong nalasing ng husto eh wedding day ko...libre kasi ang rum :)
siguro mas ok yung uminom para sa kasamahan or kasiyahan. masama naman yung uminom ng malungkot lalo na't lalo lang mapapasama ang kalagayan at situation.
I'm sure walang nangyari na pulot gata after nung wedding mo, kasi nalasing ka ng husto.. he he he
may punto ka dyan, na mas mainam ang uminom na masaya kaysa sa malungkot, baka nga lalo mas madadala ka ng espiritu ni san miguel.
ay--batnamn ganun---parang ginawa lang isang mechanical device ang ari ng babae? anu yun, makina ng kotse? lol
@ pusa, nagkamali yata yung mga daliri mo sa pagtipa para magkomento.. di kaya sa post na vagina repair shop dapat? he he he
basta ako 2 lang yan e,... pag my problema/depress/malungkot talagang di ako umiinom otherwise lasing ako kagad at masama ang tama ng hangover.
pag masaya at nasa mood ako dun ako umiinom kasi kahit gano karami nainom parang di nalalasing at walang hangover.
yun ang effect sakin, ewan lang sa iba.
kakaiba pala ang epekto sau ng alak.. hindi kaya immune ka na sa alcohol? lols
pag nalasing ang isang tao, pwedeng...
- nawawala-ang-hiya
- nagwawalang-hiya
- nawawalanghiya!!
nyahahahaha!!
Post a Comment