10/12/2009

Anim na klaseng posisyon sa pagtulog



Ito ang anim na klaseng posisyon sa pagtulog:

1. Like a baby. Nakatagilid na parang fetus in a crouched position. ‘Yung mga taong ganito matulog ay tough on the outside, pero shy and sensitive naman in the inside.

2. Tuod Style. Naka-outstretch ang paa na parang kahoy at ang arms ay nasa gilid lang ng katawan. Ang mga taong ganito matulog ay sociable and easy-going. They always want to be part of the ‘‘in’’ crowd. Ayaw na ayaw nila ng naa-out of place.

3. Namamalimos. Pa-side matulog. Naka-outstretch ang paa at ang dalawang kamay ay naka-stretch na parang namamalimos. Ganito matulog ang mga taong very open ang nature, pero suspicious sa iba.

4. Sundalong Kanin. Flat ang pagkakadaupang ng likod ng katawan sa higaan. Arms on the side. Ang mga taong natutulog na parang sundalo ay mga tahimik at reserved. They have a very high standards.

5. Tulog pa-Aircon ng Kili-Kili. Naka-stretch ang paa kala mo sa kanya ang buong higaan. Ang dalawang palad ay nasa gilid ng ulo o kaya’y hinihigan. Ito ang sleeping position ng mga may pagkamahangin saka gregarious. (Yehey! Di naman sinabing ganito matulog ang mga malilibog). They are sociable and bold but they don’t like criticisms.

6. Buyangyang na Tulog. Kung ang No. 5 ay kala mo sa kanya ang buong higaan, ito naman kala mo pag-aari nya ang buong universe. Walang pakelam kung anong position nakahilata. Free form ika nga. Ang mga natutulog ng pabuyangyang ay ang mga taong good listeners saka madaling makagaanan ng loob. Beri prenli.

Not necessarily na isang position lang ang tulog mo. You can be a combination of any of the six basic positions. Pero once na nasanay ka na sa ganung position ng pagtulog, you rarely change it. It’s like a hard habit to break.

17 comments:

dencios said...

hahaha. natawa ako sa 4 and 6.
pag pinagsama, malupet = sundalong own ang universe. lol!

dencios said...

ganyan ako matulog. nakalimutan ko pa sabihin sa comment. haha

alkapon said...

Dencios, mas masarap para sa akin ang matulog na nakadapa, kasi yun ang posisyon na madaling makakuha ng sarap... sarap ng tulog, he he he

Paeng, said...

Ako, kahit anong posisyon basta makatulog.. pero mas masarap matulog pag may dinadakma.. ha ha ha

dencios said...

@ paeng,

hahaha. hayup ka.
wag ka magkalat sa bahay ni alkapon! hahaha

@alkapon,

add din kita sa BR ko para deretcho ang bisita.

alkapon said...

@Paeng.. natawa naman ako sa sinabi mo, ha ha ha, anong yung dinadakma mo?.. siguro palaka na may buhok. he he he,

alkapon said...

@ dencios, ako rin na add na kita.. para mabilisan ang dalaw at palitan ng kuro-kuro sa mga bawat post entry. tenk yu beri big.

Chef Macky said...

Saganang akin, kahit anong position sa pagtulog basta komportable, at ang kutson na gagamitin ay Uratex at hindi muratex, lumulubog yun.

At higit sa lahat, walang lamok at walang katabing malakas humilik.. istorbo sa pagtulog.

Paeng said...

Dencios, hindi ako nagkakalat, naglilinis ng kalat.. ha ha ha

alkapon said...

@ Chef Macky,subukan mong gumamit ng water bed.. kapag nabutas may libreng paligo ka. ha ha ha

alkapon said...

@ paeng, pakilinis mo nga rin yung kalat sa inuman natin. hahahahaha

p0kw4ng said...

ahahaha...yung unang position ang komportable akong matulog...minsan parang halos kakasya na ako sa bayong sa sobrang baluktot..hihihi

salamat sa pagdaan sa bahay ko ha...

alkapon said...

poks, mahilig ka rin palang mamaluktot.. ha ha ha

tenkyu din sa pagdaan... dalawin din kita ng madalas sa iyong bahay. inuman tayo. he he he

Lee said...

ako kasi gusto ko malaking malaki ang kama, pero gilid lang ang natutuligan ko, pakiramdam ko kasi nalulunod ako pag nasa gitna.
tagilid ako matulog kasi hirap ako matulog ng walang sap-al o cantayan, meron akong malaking malaking unan na dadantayan dapat para mahimbing ang tulog.

Alkapon said...

Sabi ko na ga ba.. iisa-isahin mo ang mga previous post ko..ha ha ha

wala ka bang kayakap sa pag tulog?... ako na lang.. ha ha ha ha

Chingoy said...

ako combi ng 1 at 5. mas nakakatulog pa nga ako sitting down than the other 4 positions. :)

RICO DE BUCO said...

ahahaha aus akalain mo iyon nakailang posisyon pala ako sa pagtulog..ibig sabhin gnun din ang ugali ko? hahahaa

welcome back parekoy!!!