matagal din akong tagamasid-masid, pabasa-basa sa mga blog sa buong blogsperio, lalo na na yung mga pinoy blogs, iba-ibang kalase ng blogs ang aking nababasa, may mga seryoso, may mga loving-loving, meron din yung mga nag eendorso ng mga ibat-bang produkto at meron din yung mga nagpapatawa at puro kabulastugan ang sinusulat.kaya naisipan ko rin na gumawa ng sarili kong akin para subukan ko nga rin kung meron din akong kakayahan na magsulat at kung tatanggapin ba ng madlang pipol.
Sa temang gusto ko at napili ko ay pagpapatawa, mahirap naman kung masyado tayong seryoso baka umasim lang lalo ang kumukulubot ng pagmumukha, at baka langawin pa at hindi mabenta.
kaya eto, naisipan kong gumawa, at talagang pagsumikapan kong ibigay ng todo ang aking kakayahan upang magpatawa at magpasaya sa mga pilipino o kahit na sino pang hinayupak na indio basta lamang maintindihan ang isinusulat ko.
Nung bata pa ako, marami akong nalalamang mga kuwento, dahil madalas kaming nagkukukwentuhan ng aking lolo habang ako'y kanyang ginugupitan, at sa tuwing naalala ko ang kanyang mga kuwento ay talaga namang mapapatawa ako, kahit na alam kung lahat ng ito ay puro kuwentong barbero.
12 comments:
oki, ilabas lang ng ilabas ang mga naka tago sa baul.
malamang nai kwento na rin ng lolo mo yung si alibaba at ang sampung tulisan lol.
ako naman nagsimula din sa pabasa basa lang at pagiging lurker sa blog ng my blog, yun ang ginagawa kong dyaryo dahil nakakainis ng magbasa ng mga balikang puro karumaldumal, ako nalang ang gagawa ng mga karumaldumal na post hahaha,nag start ako sa blog na mga forwarded emails lang, yun yung una kong blog, sa pagiging miron ko nakilala yung maraming bloggers kaya kahit wala pakong sariling blog e marami nakong nababasang mga blogs, tapos nga naisipan kong magsimula recently gumawa nako ng di naman puro forwarded nalang.
lee, talaga naman ha, hinalukay mo ang kasuluksulakan nitong blog ko.. napansin ko itong unang post dati wala naman comment, pero.. namputsa.. ha ha ha...ikaw pala nag comment..
UU nga.. eto 3 weeks na rin akong nagsusulat, dati nagbabasa lang ako pag walang magawa sa trabaho at sa bahay.. until na enganyo na rin akong mag sulat.. pero hindi ko akalain na aabot ako ng ganito in just a short period of time.
but i wil not considered my self as a blogger, kasi puro kwento na wala naman kwenta itong blogsite ko.. ha ha ha.. wala lang basta kung ano-ano lang ang maisipan ko.
salamat lee.
pagdating sa mga nakakatawang post, talagang susuyurin ko hanghang kasuluksukukan, hanggang sa gumulong nako kakatawa at magkandaihi, so far sa blog mo palang ako naihi ng literal sa salawal hahahaha ssshhhhhhh kakahiya hahaha.
buti nga ikaw nag start sa ganyan, ako nagstart na puro copy and paste na emails lang, kaya lang ako napilitang gumawa, my mga blogsite kasing dika makaka comment kung wala kang account e masarap mag comment minsan pag nakakadala yung post, so after ng site na puro copy and paste habang nangmimiron sa blog ng my blog, nag join ako as a contributor nung mag start ang Barrio Siete, isa kasi ako sa panggulo dati sa blogsite ni reyna nung wala pang B7hahaha.
then naisip ko, ok gumawa naman ako ng di puro copy and paste.
teka, sori kala ko akin tong site at nagba blog ako sa haba hahaha.
salamat din, for the laugh!
Alam mo, first time kong naka meet ng tulad mo, sobrang nakakatuwa at masayang kasama.. at talagang naihi ka pala, hindi yun biro ha?. ha ha ha
nakapag comment na rin ako sa barrio siete, kaya lang medyo nahihiya akong magpatawa dun kasi parang puro seryoso yung mga contributors dun baka palakulin ako.. ha ha ha
nag comment na rin yata si Reyna elena d2 sa site ko.. Si mr. Nonesense lang ang ka tsokaran ko dun dahil nag kasama rin ako sa blogroll nya.
Lee, mula sa aking puso.. maraming salamat sa iyo kaibigan..
sus kaw naman wala yun para naman tayong mga aders nyan, tagal ko kasi nawala sa barrio na blocked ako mga july pa tas umwi ako satin august then another assignment, rambol kami nun nila dencio,darbs,tiyo paeng sa barrio nung dipa ko blocked (kaya nga yata ako binlocked hahaha).
muka ngang tahimik na sa barrio,mga bc na tao.
salamat din sayo tol, you came on time just wen i neede you most (naks) nung malapit nakong abutin ng pagkaasar talo sa mga tao dito, sya namang dating mot nagpagulong ng husto sakin kakatawa (shhh gulong nalang, wag na nating ulit ulitin yung naihi, nangangamoy na e) basta, dito lang kami sa tabi mo (parang langaw) anytime mo kelanganin, nakahandang dumamay.... hala nagkakalibangan, di umiikot ang tagay...
nakita ko na nga yung profile mo sa barrio siete.. dakila ka pala duon.. sikat na sikat..ha ha ha, ang galaeng mo pala..batikan ka na pala na blogger..sana maabot ko rin ang narating mo.
ka tsokaran mo rin pala si TiyoPaeng.. ewan ko ba sa taong yun, bigla na lang nawala, siguro natagangay ng agos ng bagyong ondoy.. ha ha ha.. huwag naman sana.
nasa proper timing din ang pagkakakilala natin d2 sa blogsperyo.. kung nandito ka lang sa pinas, i meet kita, ililibre kita ng isang msarap na dinner.
sa turo-turo...nya ha ha ha
asus, pano mo nalamang si katchupoy kamukha ko?
kung mababasa mo lang mga post ko dun ala ring wenta hahaha.
si tyo paeng, pagbalik ko wala na e, almost 3mos din kasi ko nawala.
dun sa kanto dati sa may bumbero, my soup#5 at #7 dun nung araw puro bumbero kumakain(ewan kung nandun pa ngayon) dun moko i-date,... wakoko(read:expression ng mga ungas)
langya kang bata ka nagkakandaihi nanaman ako dun sa post mong kabayo, diko matapos tapos yung post ko dun kakatawa.
actually, yun talaga ang expression ko sa tunay na buhay pag nabibigla o natalisod ako hahaha
oo, chokaran yung si tyo paeng, diko nga alam na tyo paeng na e nawala ako pagbalik to tyo paeng na sya, nag comment din ako dun sa bago nyang blogsite yung kantotero (hayuf na yun mahalay talaga hahaha) wala ding reply e anu na kaya nangyari sa hayupak na yun, kung nandito yun masaya lalo tayo,kakamiss nga e.
my mga email ako narecv galing sa kanya pero yung send lang ng teddy bear, hayuf na yun anu kala nya sakin bata hehehe.
chokaran din pala kayo ni tyo paeng, ok yun, walang hussle game na game din yun sky is da limit din pagdating sa rambulan, baka bc lang yung tao, susulpot din yun in no time, wait lang natin, di nun matitiis ng matagal walang online kasi naranasan na nya kung pano pakisamahan dito sa blogsphere.
lee.... out!
Buti binalikan ko ulit itong unang post ko baka sakali me reply ka ulit..tama nga ako.. he he he
sensiya kung napag tritripan kita ngayon.. i know game ka sa pagdating sa mga ganitong kalokoohan d2 mundo ng blogsperyo...nag trace back din kasi ako about your past, at na reserach ko na isa ka sa mga taong dapat kasangga dahil sa malawak na iyong pang unawa.
About, tiyo paeng, i hope nga na babalik din yun, kabiruan ko rin yun dati d2, tapos bigla na lang nawala..
Lee, maraming salamat ulit... if anything na me gusto kang sabihin, or anything na exceeding limit... just leave message here.
anyway tayong dalawa lang naman ang nakakapag komento dito na kauna-unahang post ko.. he he he.
ehem, ehem.... buzz buzz buzz...
phone in question!!!! hello!!!
pedeng magtanong?
thank you!
oi buhay ka na uli !!! yehey namis ko na mga kwento mo!!
Post a Comment