Wala muna akong mai-post na mga kwento dito sa aking pahina, medyo busy ako sa aking trabaho at sa munti kong negosyo. At bukas araw ng sabado ay magbabakasyon ako sa probinsiya ng aking lolo, dahil undas na sa susunod na mga araw, nais ko munang ipahinga ang aking utak at maka pag relax, at higit sa lahat para madalaw ang puntod ng yumao kong Lolo upang mag bigay galang, mag pugay, mag alay ng dasal, at magbigay pasasalamat sa kanyang kabaitan at pagmamahal nung siya’y nabubuhay. Alam niyo po, napaka swerte ko kung tutuusin dahil naambagan ako ng Mana mula sa aking lolo, meron din kapirasong lupa na aking minana at yun ang isang dahilan kaya nais kong dumalaw sa probinsiya ng aking lolo sa norte. Ngunit hindi ang material na bagay ang mas higit na importante sa akin na kanyang ipinamana, kundi ang mga pangaral, kabutihang loob, at pakikitungo sa kapwa tao. Ang aking lolo ay mapag-biro, mahilig sa mga kwentong nakakatawa, palibsaha isa siyang dating barbero, at anumang pagsubok sa buhay hindi mo siya nakikitaan ng kahinaan ng loob. Siguro masasabi kong, isa yan ang aking namana.
Muli kong haharapin ang aking computer upang ipagpatuloy ang pagbibigay saya pagkatapos ng ilang araw na pamamalagi sa Norte, at ako’y labis na nagpapasalamat sa mga nagbasa, nag komento, nasiyahan at nakitawa sa mga kwento kong walang kwenta. Bagama’t wala pang isang buwan akong nagsimula na nagsulat sa aking pahina, labis ang aking tuwa at pasasalamat dahil binigyan nyo ako ng pagkakataon, at kahit papaano ay nabigyan ako ng puwang sa larangan ng blogsperyo.
Nais ko rin na mag iwan pansamantala ng ilang piling jokes, para kahit papaano eh, manatiling may ngiti, tuwa at saya sa inyong mga mukha. Marahil ito’y mga lumang jokes na at ang iba sa inyo alam na, Makitawa na lang at maglibang.
Happy Halloween sa inyong lahat.
Sa loob ng bahay:
Tatay: Bagsak na naman ang iyong grado, bakit hindi mo tularan ang ka klase mong si badong na palaging nakaka kuha ng mataas na marka.
Anak: Unfair naman po na ihambing n’yo ako ke badong, eh, ang talino kaya ng tatay niya.
Sa Hospital:
Doc: Bakit pumapayat ka iha, hindi mo ba sinusunod ang advise ko sa iyong 3 meals a day?
Babae: 3 meals a day po ba?… akala ko kasi 3 males a day.
Sa Sauna bath:
Masahista: Sir, gusto mo ng tirafi?
Customer: Anong tirafi? Baka therapy ang ibig mong sabihin.
Masahista: Tipafi nga po sir, After you tira me, you give me fee, uki?
Sa bahay Ulet:
Lalaki: Kapag naging tayo na, magsasama tayong haharapin ang problema
Babae: Ganun? Wala naman akong problema ah.
Lalake: Kasi nga hindi pa naging tayo. Huwag kang excited.
Sa kalsada, May Dalawang lalaki na nag jojogging:
Lalaki 1: Pare, doctor ako, kaya ako nag jojogging kasi HEALTH conscious ako. Ikaw pare?
Lalaki 2: Holdaper at Snatcher ako, WEALTH conscious ako.. akin na pitaka at celpon mo.
Sa loob ng Taxi:
Pasahero: Mama, dahan-dahan naman po, alalahanin po laging kasunod ang disgrasiya kapag masyadong mabilis ang patakbo mo.
Driver: Kaya nga po binibilisan ko para hindi tayo abutan.
Sa loob ng bahay ulet:
Mister: Honey, (Kumatok sa pinto). buksan mo ang pinto.
Misis: Mamaya na lang, wala akong suot.
Mister: (tumawa) Okay lang honey, mag isa lang naman ako, wala akong kasama
Misis: Ako meron.
Sa simbahan:
Pari: Ikaw Babae, tinatanggap mo ba ang Lalaking ito na maging kabiyak at magsasama sa hirap at ginhawa habang-buhay?
Babae: opo father
Pari: At ikaw naman lalaki,….Ikaw na naman? Kahapon ikaw na naman? Akala mo siguro hindi kita natatandaan?
Sa isang Turo-turo naman:
Customer: Miss, miss….. bakit me langaw itong inorder kong arrozcaldo?
Waitress: Sus ginoo! Sa halagang P3.00 piso lang, ano ini-expect mo?… manok?
Sa bahay na naman ulet:
Anak: ‘Nay, yung girlfriend ko po hindi naniniwala sa langit at impiyerno.
Nanay: Pakasalan mo anak, ipatikim mo sa kanya ang langit at ako naman ang bahala sa impiyerno.
Sa isang maliit na kubo Isang Ina ang nagsilang ng napakapangit na sanggol:
Ama: Isa siyang kayaman sa atin
Ina: Oo nga…. Tara, ibaon natin.
35 comments:
Wow! I like the Background music! Mabuhay ka Alkapon! Happy Halloween! :-)
happy haloween Alkapon. Wait kita sa pagbalik mo. Hindi muna ako tatawa hanggat wala ka, promise
Happy Halloween!
Happy Vacation din pala. Minsan kailangan din ng bakasyon sa blahgesperyo. Ito rin ang panahon para makapag-relax.
Para sa akin perfect ang bakasyon especially pag doon sa prabens walang internet para mas appreciate ang kalikasan.
Ang sarap i-copy ung mga jowks mo at ipaskil doon sa jowk page ko. heheheh... nagpaparinig lang.
Enjoy your vacation!
Welcome back na rin pala kung sakaling ma miss ko ang araw ng iyong pagbabalik dito sa blagesperyo.
Nakalimutan ko ring banggitin na congrats din pala sa nararamdaman mong milestone sa pag-blog.
Enjoy your vacation dahil andito lang kami naghihintay sa iyong safe journey and enjoyable vacation.
the dead is already dead. they cannot in any way know what we do for them. ang mahalaga nagawa mo ang para sa iyong lolo noong sya ay nabubuhay pa. siguro kaya ka nabigyan ng mana, no?
the best talaga mga pinoy jokes!
nakakasawa na rin ung mga pinoy green jokes kaya ok tong mga ipinaskil mo kapatid.
happy halloween!
Happy Spooky Halloween :-D
Enjoy...
Happy halloween! Naku baka pagbalik mo kelangan mo na nga tirafi! jijijijiji
huhuhuhu... walang nang nagpapatawa.
hehe... ingat sa byahe pare. sa norte ka pala pupunta ah... sana... sana... basta.
Happy Halloween Alkapon....ingat sa darating na undas...
Salamat din sa iyo Al...sa iyong mga kuwento at pagbibigay kasayahan dito sa blogosperyo.
Namnamin mo muna ang iyong bakasyon.
Salamat din sa iyong jokes...ayos.
Happy Halloween!
Copy agad ako sa mga jowks mo. Lolz
huwelkam bak!! wehehe! umepal lang!
enjoy parekoy!
happy halloween, all saints, all souls,...ano pa ba? birthday mo?
anyway, thank u sa mga jokes. tagal ko nang di nakakabasa ng mga pinoy jokes.
Ingat na lang sa byahe, alalalis na lang pinsakit pa tyan ko sa katatawa.
Happy Halloween Bro!
pareng alakapon
pasensya na at naging busy ang dioniscio mo.
bawi ako nextime. happy haloween!
ingats!
Happy Halloween Al Kapon!!!
bungad pa lang bastusan na haha! pasaway ang anak. kire ang honey. medyo pang-oldies na joke yung nagja-jogging pero natawa ako d'un sa pari.
grabe....
(grabe)
hay panginoon ko grabe....
kahit itong box para magleave ng comment nakakatawa, kung nagkataong ako ay may pustiso malamang isa isa ko na yung pinupulot ngaun
hahahah.... mapalad ako at ako ay napadpad dito sa iyong daigdig... aba naku, di kita kilala pero parang adik ka hahaha
salamat salamat hay gusto ko sana magemote pero sobrang funny ng blog... dadalaw dalaw ako ulet dito at muling mangangaluwa
gudnes, nangalay ang panga ko kakatawa!
hihintayin namin ang pagbabalik mo kapatid
hapi mumo at hapi bakasyon na din!
salamat din sa walang sawang pagdaan sa bahay ko kahit hindi ako nakakabisita dito last week...babawi ako,hihihi
Maraming salamat sa pag dalaw mo sa aking munting tahanan sdito sa mundo ng kasaputan :)
Ipagpaumanhin mo at ngayon lamang nakadalaw.
Happy Halloween, All Saints Day, All Souls Day at kung anu pa ang nakalimutan ko tol.
Ayos yung mga jokes. hehe. Kakatawa.
Ingat tol.
haha! tawa naman ako ng tawa sa mga jokes. singkulit mo ang mga jokes mo. :-p
haha! tawa naman ako ng tawa sa mga jokes. singkulit mo ang mga jokes mo. :-p
wahahahaa! kakatuwa ang mga jokes. nawala lang ako ng ilang araw, dami mo ng posts. wahahaha
Ladies, and Gentlemen...Announcing today that ALKAPON "the Kidlat of Malabon" is back to limelight..
The revenge and the return of the comeback.... wwoooooooooaaahhhhhhh!
yeahhh! Theng kyu beri big por yur koments guys.. ay em so beri hapi dat por may absient por a piyew deys, ol op yu ar stel der..
i nid onli to heb rest por a piyew howars bepor ay wil pos anader luv stori.. he he he
see you later, but not never.
hahaha teka san ba yang tirafi na yan lol.
salamat sa mga jokes, tagal ko na ring di natawa halos diko na maalala.... mga 10?... 12?...o 15 minutes ago? tagal din no?
Lee,
maraming tirafi dyan sa monumento, malapit sa ever.. he he he
palagay ko nga palatawa at masayahin ka ring nilalang. salamat nga pala sa mga komento.
Teka muna.. kamag anak mo ba si bruce lee? ha ha ha
Wahihihi wealth conscious... napahalakhak ako dito sa ofis...
uy! glentot.. akala ko ikaw si bentot. he he he
hahaha sssshhhh nickname ko lang yan... di mo gustong marinig ang tunay na neymsung, tepok na yung nagpangalan nun sakin lol.
oo, sa ever,sikat na sikat yan nung araw at yan ang pinakamalapit na lakwatchahan ko nung hay-skul days,wala pa nun yung grand central (teka nagkakabukingan ng mga edad),salamat din, sensya na di maiwasang di mag iwan ng komento lol.
Lee,
nakakatuwa kang kasama, tama nga ang sabi ni dencios.
maraming salamat sa iyo kaibigan.
Hahhaa, ito pala yong sinasabi mo, kung nabasa ko ito nong nadadalaw ko ang iyong kuta, di na ako matatawa pa sa pinadala ng kumpare kong si Lawiswis.
Inihaw, karabaw..kamusta ang bakasyon parekoy?
suceess naman kulisap, very short pero enjoy.
Post a Comment