10/28/2009

Mokong and the magic mirror


Mokong was born ugly, even his parents was shocked the day when he was born, likewise the whether was bad…too bad ..very very bad… there is lightening and thunderstorm, and the clouds are… heh! letse! Tagalugin ko na nga, pinapahirapan ko pa ang sarili ko, Inglis karabaw na lang ang alam ko eh, uubusin ko pa sa post ko na ito.

Ayun na yun,….. basta ipinanganak siyang ubod ng pangit, bukod sa duling pa siya, sungki-sungki pa ang mga naglalakihang ipin, at hindi lang yan, ang mas masahol pang pangyayari sa kanyang buhay, ay habang nag bibinata, umaantot ang kanyang amoy, daig pa ang imburnal, napakasangsang at ubod ng baho, maging ang kanyang hininga ay parang amoy inidoro na punong-puno ng ebak na hindi nabubuhusan.

Madalas naiisip ni Mokong kung bakit pa siya ipinanganak, kung bakit hindi pa siya tuluyang naging ebak para nai-flush na lamang siya sa inidoro para hindi na siya nag hihirap at kinukutya ng mga tao. Maging ang sariling magulang ay itinakwil na rin siya dahil sa kanyang anyo at baho, At ang pinakamasaklap sa lahat, bukod sa Pangit niyang hitsura at mabantot na amoy, katiting lamang ang kanyang bototoy. Isa’t kalahating pulgada lang ang ihahaba kapag titigas.

Isang hapon bago magtakip silim, habang naglalakad si Mokong sa aplaya, ay kanyang natanaw ang isang malaking salamin na palutang-lutang sa tubig, siya’y namangha dahil ang salamin na yaon ay kumikintab at tila siya’y tinatawag upang iahon mula sa tubig. Dali-dali lumusong si Mokong upang kunin ang salamin.

Pagka-ahon, nakarinig siya ng tinig mula sa salamin, nung una’y siya ay natakot at labis ang pagkabigla, ngunit muling nagsalita ang salamin, at sinabing huwag siyang matakot, bagkus bibigyan siya ng gantimpala dahil sa ginawa niyang pagsagip sa mahiwagang salamin. Agad dinala ni mokong ang mahiwagang salamin sa kanyang lungga, itinayo at isinandal sa pader.

“Ano nga pala ang gantimpala ko sa iyo mahiwagang salamin?” Tanong ni mokong. “Dahil sa pagkakasagip mo sa akin, ay pagkakalooban kita ng tatlong hiling”. Sagot ng mahiwagang salamin.

Agad nag-isip si mokong kung ano ang una niyang hihilingin….. Aha! Alam ko na. sabi ni mokong sa kanyang sarili. Tumindig at hinarap ang mahiwagang salamin.

“Mirror mirror on the wall, make me handsome of them all”. - May lumabas na makapal na usok, ilang sandali lamang napawi ang usok, nakita ni mokong ang bago niyang anyo sa salamin. Ubod na ng guwapo, kahit pagsamasamahin sina Aga Mulach, Richard Gutierez, at Sam Milby ay wala pa sa kalingkingan sa ka guwapuhan ngayon ni mokong.

Muling hinarap ni mokong ang salamin upang ihayag ang pangalawang hiling. “Mirror mirror on the wall, make me richest of them all.” – Muling lumabas ang makapal na usok, at pagkapawi ng ilang saglit, kitang kita ni mokong ang bagong anyo. Animo’y isa na siyang executive sa porma, naka damit ng magara, may mga alahas na siyang suot at dyamanteng singsing, maging sa kanyang tabi ay may bungkos-bungkos sa salapi at gold bars na nakatambak.

Labis labis ang tuwa ni mokong, hindi niya akalain na sa pagkakataon na iyon ay mababago ang kanyang katauhan, naisip niyang hindi na siya puwedeng kutyain at kamuhian ng mga tao, at higit sa lahat ay hindi na siya itatakwil sa lipunan at maging ang kanyang sariling magulang.

Para sa pangatlo at huling hiling nya sa mahiwagang salamin, nais niyang humaba ang kanyang bototoy, gusto niyang higitan ang bototoy ng kabayo, kung kaya’t muli siyang humarap sa mahiwagang salamin. Hinubad niya ang kanyang pantalon pati na ang salawal, hinarap ang mahiwagang salamin upang sabihin ang huling hiling.

“Mirror mirror on the wall, Make my Penis touch the floor.” - Ngunit iba ang nangyari, unti-unting umiigsi ang dalawang paa ni mokong hanggang sumayad ang kanyang bototoy sa sahig. 


48 comments:

m u l o n g said...

tsk tsk kawawang mokong...

isa pa naman siya sa pinaka aktibong mag ikot sa blogosphere eh nadamay.

ang masama pa, ipinanganak ng pangi hahaha

xchange links bro!?

AL Kapawn said...

Mulong, naka base ka.. 100 points. he he he

wala lang pinapasaya ko lang ang mga kapwa nating blogger,..at saka mabait naman na kaibigan yan si mokong.. napag tripan ko lang.. he he he

Sige add kita sa blogroll ko, sa susunod ikaw naman ang gagawin kong bida sa kwento, kaya ihanda mo ang sarili mo.. buwa ha ha ha

EngrMoks said...

siraulo ka alkapon at ako pa ginawa mong bida...hahaha! gaganti ako kala mo...soon!!!

Pero atleast ako bida...feeling ko sikat tuloy ako!

Pero humanda ka gaganti ako!

AL Kapawn said...

Naku lagot... Takot ako,,he he he he

Sige nga.. pero gandahan mo kwento ha? yung pang Masa ang dating.

taga-bundok said...

haha... touch the floor ah... hahaha!

ayan, alkapon... madragdagan na ang gagawa ng kwento mo. hehe

AL Kapawn said...

uu nga, aabangan ko rin yung gagawin ni mokong. gaganti daw siya... he he he

gillboard said...

wawa naman moks... buti na lang ganun nangyari...

akala ko naputol... hehehe

peace!!!

Anonymous said...

Haha...Ayan si Mokong kasi...eto daw ang sabi sa pag-wish...

“don't wish to be everything to everyone, but to be something to someone.”--

Moks...pahiram nga ng mirror!

Jepoy said...

Eh lokoloko pala yung Mirror Eh! Dapat binasag ni Mokong after umikli ng paa nya at sumayad ang betlogs nya sa sahig LoL

pmonchet said...

Ayos ah, hindi ka ba kamag anako ni Lola Basyang. hehehe. "Be careful what you wish for". Kung tinagalog niya na lang na pahabain hanggang sahig eh d ayos pa. Kaso hindi maganda kwento mo. hehehe. 10 points ito

Xprosaic said...

Ahahahhahahahhaha naku naku ahahahhahahhaha... syet! ahahahhahahahha... adik ka talaga at si mokong naman ngayon... ahahahhahaha... hmmm... sino naman kaya ang kasunod... naku malas niya... ahahahhahahahha

wanderingcommuter said...

moral of the story: ang mga nangyayari sa mga ganid... hahahaha!

eMPi said...

hahahahaha....hahahaha... natawa ako at iniisip ang itsura ni Mokong noong hiniling na nya ang pangatlong kahilingan.... hahahaha! adik ka talaga magkwento!

deejay said...

wahahaha! ano kayang itsura nun? *sabay imagine*

hi alkapon! ngayon lang ako nakadalaw sa lungga mo. *kaway kaway*:D :P

lambing said...

ahahaha... TT ( tsakit tyan ) ko sa kakatawa... hahahaha...

tuwang tuwa ako sa kwento... salamat sa pag papatawa lols

naglalambing din po ;)

LIVINGSTAIN said...

titingin ako sa aral ng kwento, ang tao talaga walang katapusan kung humiling, walang kakuntentuhan, akala ang lahat ng gusto ay maibibigay ng hiling pero hindi na iniintindi ang maaring pamamaraan ng pagkakatupad nito, gaya ng nangyari sa kwento mo...

PANGET NA NGA, MAY BUNTOT PA...

AL Kapawn said...

@ Gilboard, ako kawawa ngayon, nagbanta si mokong na gaganti daw siya.. aabangan ko yung kento niya..(lagot ako)

@ Lolo, ngayon ko lang narinig ang kasabihan na yan ah.. mmm, okay to.

@ Jepoy, papaano pa nga nya mabasag eh daig pa ang unano na kung magkalakad. nya ha ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Ramon, walastik ka, pinuri mo ang kento tapos nilaglag mo din..dagdagan mo naman ang puntos..he he he

@ Xprosaic. ikaw na kasunod kaya humanda ka.. ha ha ha

@ Wandering, uy! wala akong sinabing ganyan ah..baka magalit si mokong, he he he

AL Kapawn said...

@ Marco Paolo, sa kwento lang ako adik.. pero hindi ako adik sa mga bawal na gamot.. mabait ako.. kahit itanong mo pa sa lolo ko.. he he he

@ Deejay, salamat sa dalaw, isasama rin kita sa blogroll ko.

AL Kapawn said...

@ Lambing, salamat din sayo.. at maraming salamat sa paglalambing mo, ang sarap mo palang maglambing.. he he he

@ Livingstain, Ayos ang komento mo, pero tila masyado mo yatang idiniin yung bida.. he he he he

yiN said...

hahahaha. peace out mokong. nakakatawa lang yung kwento. nice alkapon. padaan ulet. bwahahaha.

Jules said...

Wuaahaha...AAnoh kaya look nun? (Winks) haha =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

AL Kapawn said...

@ Yin, salamat sa pakikitawa.. daan ka ulet.. tapos ako dadaanan din kita.. he he he

@ Summer, isipin mo na lang yung unano.. mas masahol pa dun.. he he he

AL Kapawn said...

@ Yin, salamat sa pakikitawa.. daan ka ulet.. tapos ako dadaanan din kita.. he he he

@ Summer, isipin mo na lang yung unano.. mas masahol pa dun.. he he he

J.Kulisap said...

Sana inilangkap mo yong larawan nito kung saan mo orihinal na nabasa o nakita ang larawan.

Magkagayon man,bagong bihis ang iyong inihatid, maayos mong napalitan ang daloy at mga tauhan sa iyong kwento.

May aral din...kung anuman ang ating pisikal na kaanyuan, ipagpasalamat na, mas marami pang mas malala ang kalagayan sa atin.

Wala yan sa kung gaano kahaba ang uten mo, ang importante mahaba ang dila..
Wala yan sa magandang hilatsa ng mukha..may maskara naman.

Yaman, pwede ka namang magyabang, ariin mo ang bundok..ang karagatan..iyo kamo 'yon.

Nasa pagdadala yan

kaye said...

haha! natawa ako sa sinabi ni stain na pangit na nga, may buntot pa. at talagang buntot na lang yung sumayad sa sahig no?

ikaw talgang bata ka. tawa ako ng tawa habang nagbabasa.

kala ko pa naman iwiwish niyang bumango siya pati ang kanyang hininga. hahaa! palagay ko mamamatay ako pag may ganyan akong katabi. hahahaa!

kaye said...

haha! natawa ako sa sinabi ni stain na pangit na nga, may buntot pa. at talagang buntot na lang yung sumayad sa sahig no?

ikaw talgang bata ka. tawa ako ng tawa habang nagbabasa.

kala ko pa naman iwiwish niyang bumango siya pati ang kanyang hininga. hahaa! palagay ko mamamatay ako pag may ganyan akong katabi. hahahaa!

AL Kapawn said...

@ kulisap, yan ang isa sa mga kwento ng lolo ko nung bata pa ako.. pero sarili kong kuro kuro ang ginawa ko pagpalangkas sa kwento.. yung 3 wish lang ang natatandaan ko, inaayos ko na lang yung kwento.

AL Kapawn said...

@ Kaye, makaligtas ka man sa sakit, tiyak walang ligtas sa isang taong ubod ng baho.. ha ha ha

Salamat sa pagdaan at komento

romeo said...

ayoko ng makakita ng ganyang salamin, masaya na ako kung anong meron ako, hindi ko na din hihilingin na lumaki ang sa akin kasi baka lumiit naman ang paa ko tulad nya.... hahahahaha... siguro ikaw si Mokong noh... hahahahaha

ingat pare, happy halloween... bye na, oras na para magbate ako... hahahaha

Anonymous said...

anlikot ng utak mo!
bwahaha pati si mokong napagdisketahan...
kawawa naman yun. Hirap maglakad nun, magagasgas ang batoytoy tas kakapal ang kalyo tapos magkakabitak bitak. Siguro malaki ang kikitain sa kanya nung lotion na pantanggal ng bitak bitak sa sakong no?

Badong said...

haha! nice one para kay pareng moks! nakakatakot pala dito alkapon! hehe.

an_indecent_mind said...

wahahaha!! kawawa naman si mokong! nadamay pa! wahahaha!!

pa-ex links parekoy!

AL Kapawn said...

@ Romeo, hindi ako si mokong ah, ayan o, click mo lang yung links makikilala mo siya.. abait nun.. he he he

AL Kapawn said...

@ lababo, ewan ko ba kung bakit ganito kalikot ang utak, siguro ipinaglihi ako sa kiti-kiti. he he he

@ badong,huwag kang matakot dahil ikaw na ang kasunod. buwa ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Indecent, natakot ako sa avatar mo, akala ko ikaw si lucifer.. ha ha ha

sige pare, exchange gift tayo.. este links pala.

Joel said...

haha adik naman kasi yung last wish nya.. :)

Mr. Emil Jaranilla said...

Hi nice blog! im emilJaranilla of http://emilgraphics.com I really like your site! I have my new site pls try to visit and leave some comments http://populargraphics.com ! See you there!

darbs said...

bwahahahah! langya...galing ng pagkagawa. -kaway-kaway-

Kailangan ko ang mirror na yan pero hindi ko hihingin na aabot ung kwan doon sa sahig. puedi siguro hihilingin sa mirror ang exact-definite- circumference, width, thickness, and how long "dambuhalang talong"

taga-bundok said...

ang dami na naka line-up na kwento ah... haha!

NYOG said...

wehehehe...
NYOG | Not Your Ordinary Guy

AL Kapawn said...

@ Kheed, Mali yung interpretation ng Magic mirror.

@ Mr. Emil, Thanks for appreciation. and thanks for the invitation, i will visit your site soon.

@ Darbds, be specific 'ika nga para matupad yung exact wish, at para hindi pumalpak.. he he he

@ Anjong, uu, isa-isahin ko sila. bwa ha ha ha

@ Nyog, Pengeng Buko,gusto kong humigog ng sabaw ng nyog gamot sa bato.. batugan. he he he

Random Student said...

kakatakot 'yung flipside ng last wish he-he! pa'no kapag mirror mirror make my chin bigger, eh mawawalan s'ya ng noo?

Lee said...

haaaaaaaaaahahahahahahahaha
pucha, buti nalang ngayon ko nbasa to nandito nako sa pad, langya kung sa upis ko nabasa to?
pucha, naihi ako sa salawal kakatawa lmao,alang biro naihi talaga ko hahahahaha, kapapanganak palang my ngipin ng sungki sungki, bakit ako walang napulot na salamin?hahahaha

AL Kapawn said...

@ Random, eh di mas grabe pa kay Ai Ai.. ha ha ha Baba na tinubuan ng mukha.. ha ha ha

@ Lee, naku! eh di mapanghe na ang salawal mo.. ha ha ha

Lee said...

nabangsit na ahahahaha

AL Kapawn said...

anu yun lee? he he he

Alisha Williams said...

ayoko ng makakita ng ganyang salamin, masaya na ako kung anong meron ako, hindi ko na din hihilingin na lumaki ang sa akin kasi baka lumiit naman ang paa ko tulad nya.... hahahahaha... siguro ikaw si Mokong noh... hahahahaha ingat pare, happy halloween... bye na, oras na para magbate ako... hahahaha