Showing posts with label ihi.musmos. Show all posts
Showing posts with label ihi.musmos. Show all posts

1/25/2010

Mataas na ihi



Kasabay ng aking paglaki at pagkahubog ng aking isipan sa pakikipagsapalaran sa mundong ibabaw, ay marami-rami na rin ang mga klase ng tao na aking nakilala, naka engkwentro, nakadaupang-palad, naging kaibigan at kasangga sa mga pagsubok sa buhay. Iba-ibang asal o pag uugali, kanya-kanyang estilo at strategy para maka-survive at mapanatili ang katayuan na ayon sa kanyang kagustuhan.

Subalit ang kinaiinisan ko sa lahat ay yung mga taong mapagmataas na wala naman palang ibinubuga, mabuti pa yung mamang napanood ko sa peryahan nung ako’y musmos pa lamang ay nagbubuga ng apoy.

Ngunit ang mga ganitong klase ng tao na aking nabanggit ay hindi na sumasayad ang mga talampakan sa lupa, wala namang apoy na maaring ibuga ng kanyang bunganga maliban sa mabantot ay mala imburnal na amoy na tila hindi nakapag tootbrush ng anim na buwan, gusto niya’y mataas palagi ang kanyang ihi sa lahat ng panahon, mabuti sana kung kasing haba ng titi ng kabayo ang kanyang bototoy, eh hirap pa nga niyang dukutin ang kanyang katiting na Vienna sausage kung siya’y iihi. Ubod ng yabang, puro daldal ngunit alam naman ng lahat na wala namang kakayahan. Gusto kong maawa, ngunit paano mo kaawaan ang ganitong klase ng tao na maski sarili ay hindi niya magawang kaawaan. Ang sabi nga ng isang kumpare ko, “nakaka-awa naman daw patayin, pero nakaka-inis namang buhayin”.