3/13/2011

Ang katapusan

Ang Mundo ay likha ng maykapal. kaakibat ng pagkakalikha nila Adan at Eba, na kung saan sa kanila tayo nagmula. Bilang patunay ,lahat ng mga ito'y nasusulat sa banal na kasulatan.


Ang mundo na ating ginagalawan ay atin din Tahanan. Isang magarang tahanan na atin ding pinangarap at inasam.


Ang Daigdig ngayon ay kakaiba na, kumpara sa mga nagdaang dekada, Malaki na ang pagbabago..... Marami ng mga matatayog na gusali na naitatayo sa mga siudad sa iba't ibang panig ng mundo.


Ang ating daigdig ay punong puno ng mga likas na kayamanan tulad na lamang sa larawang ito.


Ang mga ibang tao ay nabubuhay sa pagsasaka at pagbubungkal ng lupa.


Sadyang kaakit-akit ang kagandahan ng daigdig.


Isang halimbawa lamang ang chocolate Hills na sa ating bansa lamang matatagpuan. 


Mga Dumadaloy at umaagos na bukal mula sa kagubatan patungo sa malalaking ilog.




Ahhhh! sadyang napakaganda ang ating daigdig.



Ang mga ibang nilalang ay ninanamnam ang kagandahan ng Daigdig....Mababangong halimuyaksa kapaligiran, mga natural na mga bagay sa kapaligiran na likha ng makapangyarihang maykapal.  


Ang mga musmos ay masasayang naglalaro na halos wala pang kamuang-muang sa mga nagaganap . 



Ngunit,.....Bakit may mga bagay na nangyayari n hindi natin inasahan. Mga sakunang bigla na lamang dumating at hindi  napaghandaan.



Tulad na lamang ang Bagyong "Ondoy" na nangyari sa Pilipinas mahigit isang taon ng nakalipas.


Ang mga tsunami na nangyari na sa iba't-ibang panig ng Mundo, tulad ng pangyayarin sa bansang Hapon kamakailan lamang.


Na nagdulot din ng matinding Pagyanig o lindol na sumira ng mga kabahayan at infrastraktura.



Kasabay pa ng mga matitinding Gyera, tulad sa bansa sa gitnang silangan.


Mga pag aaklas laban sa pamahalaan ng isang bansa.


At patuloy na pagbuwis ng mga buhay upang labanan ang mga rebelde na hindi malaman kung ano nga ba ang tunay na ipinaglalaban.



Kung ang mga ito ay patuloy na magaganap na walang puknat...Kapag ang bawat tao ay walang pagmamahal at malasakit sa kapwa.. At kung hahayaan na lamang na pangsariling interest ang palaging nangingibabaw...Malamang, hindi malayong magaganap na nga ang KATAPUSAN...



Ang Mapa sa Buong Mundo ay Mabubura..



Kapag nagkataon.... Ipot sa Pwet na lamang ang Matitira

9 comments:

emmanuelmateo said...

Christ is coming soon..believe me

MOKS™ said...

Pare, NAgbalik ka! Tagal mong nawala!
Ganda ng post mo kaso natawa ako s ahuling larawan... pare totoo ngang malapit ng matapos ang mundo, at paparating na nga raw sa Pinas ang pinakamalakas na lindol...ang tinatawg nilang THE BIG ONE.

Alkapon said...

@ emmanuel..madalas kong nakakasalamuha si kristo... yng nga lang, yung kristo sa sabungan.. he he he.

@ Moks, THE BIG ONE?.. nanakot ka lang yata eh.. kahit anu pa man, dapat lahat ay manalangin dahil walang imposible kapag may mananampalataya...

iya_khin said...

uy nabuhay ka! bagong bihis ang bahay mo ha!
akala ko seryoso kana nabigla ako, di ka din nakatiis babanat ka rin pala sa huli! hahahah

RICO DE BUCO said...

akala ko parekoy tuloy tuloy na pagiging seryoso mo hahaha tpos biglang segway ng makulet na pwet sa huli hahaha..

wala kang kupas!

Alkapon said...

@ iya & Rico.. hindi na kayo nasanay.. kelan ba ako naging seryoso? he he he he

cinco said...

should pray a lot, more than before, mukang natauhan ako sa mga nilarawan mo at mga salita, ngunit sa gganyang paraan kaya gugustuhin ng Diyos ang paghuhukom?

superlolongpinoy said...

Tunay ang sinabi mo na kay ganda ng mundo. Perpekto ang pagkakagawa nito. Pero alam natin kung sinong sumisira...ang tao. Nawa'y patuloy na manalangin tayo sa Katahimikan, Kaayusan, at Kapayapaan sa buong mundo. Napabisita lang Al.

Alkapon said...

Salamat po sa inyong pagbista Lolo at Cinco, bagamat matagal na ring panahon na nangamote ako sa pagsusulat ay hindi nyo pa rin nakalimutan ang isang kamoteng kupal tulad ko.. he he he