11/03/2009

Alkapon is back

It’s nice to be back – Muling bumalik ang kidlat ng malabon upang makigulo na naman sa mundo ng Blogsperyo. Bagama’t ilang araw lang ako nawala ay talaga naman pinanabikan ko ang aking pahinang pangkalawakan, at labis din ang aking tuwa dahil sa patuloy na pagbasa at pagbisita sa site na ito, nakakataba po sa puso na kahit pala konting abiso at pansamantalang mamaalam para sa ilang araw na bakasyon sa nag daan na undas, ay patuloy pa rin ang mga kaututang-dila na nagbasa at nag-iwan ng bakas para sabihing kayo’y muling nadalaw at nariyan lang sa tabi-tabi. Kaya po, labis ang aking pasasalamat sa iyo mga kapuso at mga kapamilya, maging ang mga kaluluwang naligaw ng landas na nag tiyagang nagbasa at nakitawa sa iniwan kong jokes.

Sulit po ang aking maikling pagbisita sa Probinsiya ng aking lolo, dahil kahit papaano ay naipahinga ko ang aking utak sa mga trabaho at responsibilidad, at higit sa lahat ay muli kong nakita ang aking mga kamag-anak at sama-samang dinalaw ang puntod ng mga kaanak na namayapa na, lalo na ang aming Lolo. Sadyang kakaiba ang Simoy ng hangin sa probinsiya, lalo na sa panahon ngayon na papalapit na muli ang Pasko, talaga namang fresh air ang iyong malalanghap, hindi katulad dito sa kamaynilaan na puro usok at mababantot na amoy galing sa mga kanal at basura. Hindi naman sa kinukutya ko ang kalakhang maynila, pero hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang ganitong pustura ng maynila. Simula’t-simula pa nung ipinanganak ako sa Tundo, hanggang paglaki ko dito sa Malabon ay ito na ang nakagisnan ko, kaya naman ako’y nawiwili na pumasyal paminsan-minsan sa probinsiya sa norte upang maiba naman ang kapaligiran at ‘ika nga eh, makalanghap ng sariwang hangin. Bagama’t nakakapagod ang bihaye dahil sa layo mula maynila patungo sa norte.

Madaling araw pa lamang ng araw ng sabado ay inumpisahan na naming mag biyahe para makaiwas ng trapik sa north expressway, tangay-tangay ang kaldero’t kaserola na puno ng pagkain upang may malamon sa daan, kung saan man abutin ng gutom. Halos sampung oras ba naman ang biyahe, nakakapagod at nakaka ngawit din ang mag-drive sa ganung haba ng biyahe, mabuti na lang at mahusay din mag drive si misis kaya palitan kami. Ang masaklap pa nun kung natatae ka na, pursigido talagang maghanap ng mapagkukublian para mailabas ang sama ng loob mula sa kumukulong tiyan. Minsan naisip ko dapat pala ang binili kong kotse ay yung may inidoro na sa loob katulad ng pang-executive na bus.

Naka-ilang stop over din kami, kadalasan kung saan may carenderia upang palamigin ang makina ng kotse lalo na ang gulong, siyempre konting check-up sa sasakyan at kargahan ng tubig. Dalawang beses din nagkarga ng gasolina na puro Full tank dahil hindi pala aabot sa norte ang minsanang karga ng gasolina. Sinubukan din naming kumain sa isang Carenderia, pero lintek naman, napakamahal ang bawat takal ng ulam, tinanong ko sa ale na may ari ng carenderia kung pwedeng manghirap na lang ng plato dahil may baon naman kami, pinaunlakan naman kami kaya lang may table charge. Ayos talaga ang negosyo ng ale, walang lusot. Pero pwede na rin yun, dahil sa panahon ngayon, wala ng libre, business is business.

Ganun din ang hirap na naranasan sa pagbalik ng maynila, medyo mas mabigat lang ang dala dahil pinabaunan kami ng iba’t-ibang klase ng sariwang prutas at mga bagong pitas na mga gulay, mahal ito dito sa maynila, sa probinsiya libre lang.

Yan ang kainaman ng buhay probinsiya, medyo mahirap man ang biyahe, ngunit masaya naman, at kung may iba na namang pagkakataon, muli akong magbabakasyon sa probinsiya. 
Wen manong! Nagpintas nga agpayso, saan nga ulbod.

62 comments:

taga-bundok said...

Ukinana! Welcone back!

Haha! Agpaypayso nga naimas ti mangan idiay probinsya. Uhmmmn... Nu mangan ka pay ti pek-pek. Oooh...

Nyahaha... Payakap nga pare!

EngrMoks said...

Welcome back Alkapon...
Malapit ng matapos yung ganti kong post sa yo hahaha...

AL Kapawn said...

@ Anjong,

Punyeta hindi ko na maintindihan yan.. mangan at saka pek-pek na lang ang naintindihan ko.. buw ha
ha ha ha

@ Mokong, ha ha ha, tinatakot mo naman ako parekoy.. yung moderate lang ha? katulad ng ginawa ko.. buwa ha ha ha ha

Xprosaic said...

Nyahahahahhaha natuwa naman ako sa pangalan ng karinderya mukhang masarap nga kainin yun este kumain dun... jijijijijiji... 10 hours?! kakatamad naman... sakit sa pwet... jijijijijiji... kung ako niyan malamang sumakay na ako sa bus ahahahahahahahaha

Lee said...

hahahahaha baka naman my kasamang kep kep kaya mahal takal ng ulam di mo tinanong hahahahaha ayus.

nadalaw na ko dito nung nakaraan sa upis ako nagopen kaso napatalon ako nung biglang tumugtog yung music muntik ako mahulog sa upuan pagka taranta,binabasa ko pa nun yung post mo na tungkol sa mod-ta (pukinena)diko malaman kung anung uunahin ko.... i-off yung speaker o mag out sa site mo, nataranta ak ading, ay ina apo, agpaypayso... buti nalang nag iisa ko sa upis kung hindi nasisante ako ng dahil sa musik ng post na mod-ta ni alkapon.

gillboard said...

naghiatus ka pala... anyway welcome back!! hahaha

Jepoy said...

inyamet, agpaypayso nga napintas ti probinsya.

Rak en Roll!

AL Kapawn said...

@ Xprosaic,

uu nga masakit sa pwet, halos lumabas na ang ipot sa tagtag sa biyahe.
pero enjoy naman ang tanawin sa daan, puro mga kalikasan, naka explore pa ako ng ibang lugar.

AL Kapawn said...

Hi lee,

ha ha ha, ayos ka rin pala mag komento, kung hindi ako nagkakamali ikaw yung lee na tinutukoy ni dencios, yung isa ring panyero ko saksakan din ng kalokohang nalalaman.

palagay ko nga, maging kauttang dila rin kita.. he he he

AL Kapawn said...

@ gillboard, salamat parekoy, 3 days lang naman yung baksyon ko.. very short, pero at least naka pag relax sa prabens.

@ Jepoy, aysus! marunong ka rin palang mag ilocano.

sa 3 days ko sa probinsiya, me konting natutunan na ilocano, pero nung bata pa ako medyo mas marami akong nalalalaman ng salitang Italiano. (Aetang Ilocano) he he he.

darbs said...

Welkam bak! Well, fresh na fresh ang pakiramdam - familiar feeling. ang ma-relate ko lang ala-prabens scenery dito sa big apol (nyc) ay ung pupunta kang suburbs. ang layo din pala ng inyong nilakbay. pero as what you said, "sulit." Typical talaga ung may pabaon na mga gulay.

Anonymous said...

welcum back fafa! pakiss nga.. walang malisya! haha
ilocano ka pala bro?

glentot said...

Masarap ba sa Pekpek's?

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

welcome back al! wahahaha. akala ko ikaw na ung nasa kotse! wahahahaha.

Arvin U. de la Peña said...

high tech naman ng kotse..

Lee said...

hahaha, ako yung tinawag mong miss balut...
oo si dencio, si Bok, da coolest guy ng blogsphere, pabati pede? hay lab yu Bok lol...
bakit huli ka ng dumating sa buhay ko Alkapon, ahohoyyy? pero iiwasan ko munang magbasa ng mga post mo pag nasa upis ako at wala akong diaper na baon.

MARI*JUANA said...

gudness na carienderia... talagang bukas sa lahat ng gustong kumain... wehhehehe ^^.

Reagan D said...

ay grabe, 10 hours?! aba'y dapat pala may heavypadding ang wetpaks mo nun no?Hehe.
tama, masarap sa probinsya. simpol living ika nga.
basta may serbesa lang sa mesa, ayus na~

an_indecent_mind said...

huwelkam bak!!

ok ba ang pagkain mo sa pekpek's?

nyahahaha!!

livingstain said...

wow nagpunta ka pala ng north, sana dumaan ka ng nueva ecija para nagkita man lang tayo... aaawww... sarap ng bakasyon, parang pekpek lang...

AL Kapawn said...

@ Darbs, Isa lang yan sa mga gusto ko sa probinsiya, yung mga fresh vegetables and fruits, bukod sa nakakalanghap ng sariwang hangin nakaka relax din sa pag iisip.

AL Kapawn said...

@ Lababo, marunong lang magsalita ng konting ilokano, dahil sa lolo at nanay ko. at konting bisaya rin dahil sa tatay ko.

@ Glentot, ang alin? yung cerenderia o yung may-ari ng carenderia? ha ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Father Felmar, thanks father, welcam bak din, tagal mo rin nawala, na miss kita father. he he he he

@ Arvin, balak ko nga na palagyan ng inidoro yung kotse ko.. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Lee, bakit naman kasi ngayon lang tayo nagkataon na nagkatagpo. he he he lub yu too.. buwa ha ha ha. ikaw pala yun, naalala ko na.

@ Mari Juana, that is open for the public, kung sinong kupal na gustong kumain.. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Manik, na miss ko nga agad ang buhay probinsiya, kelangan lang kasing umuwi agad dahil sa trabaho at resposibilidad ko.

@ Indecent, ubod ng sarap.. nakakatakam.. ha ha ha

@ Stain, yun nga ang way namin sa NE, nakaka-inip ang biyahe pero enjoy.. happy anniversary parekoy, naka 1 year ka na sa blogsphere.

Life Moto said...

WELCOME BACK mabuti at naging maayos ang yahe nyo. Akla ko mahal sa karindrya ay dahil sa pangalan pa lang ng tindahan :)

Anonymous said...

welcum back kuya! hahaha.. :D

dencios said...

di na ko babalik dito dhil sa ilang nabasa ko.

AL Kapawn said...

@ Life Moto, ang may ari yata ng carenderia ay sina mang Pekto at aling Pekwa kaya PEK-Pek.. he he

@ Kox, samalat kox

@ Dencios, ha ha ha bakit naman kapatid?

BlogusVox said...

Masarap at hahanap-hanapin mo talaga ang buhay probinsiya lalo na't minsan lang sa isang taon kang pupunta doon. Hindi alintana ang mahabang paglalakbay at sakit sa kinaupuan dahil nangingibabaw ang pananabik sa kamag-anak at masasayang mararanasan kahit panandalian lamang.

AL Kapawn said...

@ BlogusVox,

tama ka dyan kapatid.. kaya nga pag meron ulit panibagong pagkakataon, babalikan ko ang probinsiya... siguro mula nung bata ako mga 5 beses pa lang akong bumisita dun.. pero sa ngayon kakaibang saya ang aking naranasan.. susubukan ko nga maka balik ngayong pasko.. i try ko rin ang pasko sa probinsiya, diko pa kasi nasubukan.

April said...

Aw! Ang sarap tlgang pmnta sa province lalo na pag madalang lang. At kung may ganyang klaseng karindirya kang mahahanap hahaha. Loko ka tlga kiya, parental guidance itong blog moh haha. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

AL Kapawn said...

Basyon, hindi nga eh, pang general patronage.. lahat welcome, mild pa nga lang yan...kapag may naka buyangyang na dyan.. yun na, x rated na.. ha ha ha

Superjaid said...

sabi ko na nga ba eh sa ilocos ka nagbakasyon..hehehe anyway..mas masarap talaga sa probinsya..ibang iba talaga sa maynila

AL Kapawn said...

@ Jaid, ibang-iba talaga ang pakiramdam pag nasa probinsiya, kung pwede nga lang nag stay pa ako ng ilang araw.. kelangan kasing bumalik agad dahil sa trabaho at responsibilidad.

precious said...

s blogging lang ako ngpapaalam hindi sa commenting!

hehe..

teka, perstaym ko rin ba d2 s bahay mo?

hehe..natawa ako dun sa mama sa inidoro at pek.pek carinderia..
:lol:

AL Kapawn said...

perstaym mo nga precious, kasi wala ka pa sa listahan ko. he he he

ang dali mo naman magsawa sa blogging... pa koment koment na lang.

dencios said...

joke lang bossing

ikaw pa, e magkapatid nga tayo at hati tayo kay bok (lee)

saka para mag comment ka ulit sa nilalangaw ko ng post haha.

teka pano ba natin paghahatian si lee? ako sa baba o ikaw sa matatayog na itaas? hahaha

pa kiss pre walang malisya!

@bok,

pano ba yan, kaya mo ba kame ni brother alkapon?

hahaha

Raft3r said...

nyahaha
masarap ba dun sa karinderyang nasa picture?

AL Kapawn said...

@ Dencios, walang hiya ka dencios, pinakaba mo naman ako.. he he he

naku! nakaka tiyak ka ba na tayo lang ang maghahati kay lee?.. baka lamat na lang natira sa atin.. waa ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Raf3r, subukan mo.. masarap talaga yun..magsasawa ka bawat takal. ha ha ha

Chubskulit Rose said...

Hahahah Pek-pek karenderia ba naman ang name nyahaha siguro mabenta dyan.. salamat sa pagdaan kabayan, following your blog now, sana follow mo din blog ko.. plsssss... okidoci, hangang sa muli..

Lee said...

mga ulangya, ako pa napili nyung igudtaym..ano ko bibingka? paghahatian,alangan namang manananggal, wala kaming lahing aswang (mangkukulam pa meron).

mga lapastangan, walang galang sa matanda (teka sinu bang matanda dito?)
jejeje i dont eating mix mix to da point point but if i catch yu 2, locust day, i will giant to both of you.

AL Kapawn said...

@ Chubskulit,

sige, susundan ko rin ang mga yapak mo... tenk yun beri big sa dalaw at komento..

AL Kapawn said...

@ Lee, si dencio kasi, kung ano-ano sinasabi, paghahatian ka daw namin.

ayaw ko ng ganun....ayaw ko ng may kahati..gusto ko solong solo ko.. ha ha ha.

at saka takot ako sa mangkukulam,.., si dencio marami nang pinabarang yun.. buwa ha ha ha ha

Lee said...

tamang gudtaym ba hehehe

AL Kapawn said...

uy! lee, yung susunod kong post ikaw ang bida dun..he he he

Huwag kang magalit ha? promise?.. anyway kwento lang naman eh...ha ha ha

at saka ganun ako dito, isa-isa kong ginagawan ng blog ang mga nasa blogroll ko..ha ha ha ha

Lee said...

nabasa ko naman lahat ng mga ginudtaym mo sa blog mo,game ako sa ganung klaseng gudtaym, di lang ako pampamilya, pang sport pa(umiinom din sko ng rubbing alkohol), sige lang sky is da limit ng bira, walang censored, dont wory about da feelings (wala ako nyan jejeje)

glentot said...

"@ Glentot, ang alin? yung cerenderia o yung may-ari ng carenderia? ha ha ha ha"

natikman mo ba pareho? hahahaha

abe mulong caracas said...

maligayang pagbabalik...

ano nabibili sa pekpek carinderia?

Lee said...

parang naiimagine ko, nung papauwi ka ng menila,my bitbit kang bayong, laman upo,kalabasa,talong,okra,sitaw saka bagoong isda, pang pakbet at dinengdeng, tapos ihinabol ni baket indang at lakay undong yung alaga nilang inahin,masarap daw sampalukan... nalagot yung tali ng manok, lumipadlipad sa loob ng bus, naghabulan kayo ngayon nung manok, nagalit yung driver ng bus kasi niliparan sya,nagtago sa ilalim ng saya nung matanda,pinukpok ka ng payong nung asawa nung matanda dahil akala binobosohan mo yung asawa nya, nagalit si lola kay lolo, kinuha yung payong at sa kanya hinambalos ni lola,kasi pagkakataon na nya at grasya na yung sumilong ka sa ilalim ng daya nya naunsyami pa ... tsk tsk, sayang... sabi nung lola

"ay ina apo lakay, agu-uyung ka nga taltalaga, nu ammok laeng nga ag kasta ka ittoy, hanka nga sinurot, kayat ko nga sippangulin ka"

dictionary:

sinurot- sinama
kayat- gusto
kasta- ganyan

AL Kapawn said...

@ Glentot, he he he malaswa rin ang iyong pag iisip.. ha ha ha

@ Mulong,hulaan mo kung ano nabibili dun, ibase mo sa karatula ng carenderia. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Lee, namputsa ang haba naman ang kinahinatnat ng pabaon..ha ha ha

sinurot?..akala ko me surot na ang bayag ko.. buwa ha ha ha, ikaw talaga..ginugudtaym mo rin ako.. ha ha ha.

Ayun na.. naka post na ang iyong pagbibidahang pelikula.. dapat ikaw yung maka base.. hala ka! lagot ka.. ha ha ha ha

Ape Rockstar said...

welcome back!

Lee said...

bida nga, kabayo naman, hinulog mo nalang sana ko sa sikad baka inakay pako ni mar at damayan ako

"ramdam ko kayo, ramdam na ramdam, tara na inang sakay na sa sikad at lampas na tayo sa polling center"

AL Kapawn said...

babawi next time.. he he he

iya_khin said...

sarap kayang magbyahe! miss ko na din yun! pero tigbak naman kung natatae ka sa daan,naku po mapapasigaw ka ng success kung mailabas mo sa tamang oras,patay ka naman kung walang stop over sa lugar na dinadaanan nyo! ahaha! naexperience ko na yan 1 tym,kaya moral lesson:

wag magpapakabusog kung byabyahe ka! ehehe

AL Kapawn said...

At tiyak mapapaiyak ka sa sakit ng kumukulong ebak sa tiyan.. lalo na syo, iyakin ka pa naman.. ha ha ha

mr.nightcrawler said...

haha... ano kaya hinahain sa pekpek karinderya? masarap ba dun parekoy? haha

Ax said...

Ilokano ka pala! Nagpintas ti blog yo. Aw. Sorry, hindi talaga ako marunong magsalita ng Ilokano pero nakakaintindi ako! Aw.

Eto pa: Anya mit'in. Aw, di ko alam spell.

alkapon said...

@ nightcrawler.. tatlong takal na masasarap na pekpek, na me malapot na sabaw. ha ha ha

@ Ax, lukdit mo..he he he

whitepaige said...

hahaah may pek2 carinderia pla nka2tuwa nman,,lolz