Pinanghahawakan ko ang lahat ng sinasabi ng kanyang coach na si Freddie Roach, ang tinaguriang 3 time world best coach of the year, dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi pa siya pumalya sa kanyang prediction kung kailan, o anong rounds tatapusin ni Manny ang laban. Nababasa ni Freddie ang kilos at istilo ng kalaban, alam niya kung gaano kabigat ang makakatunggali ng kanyang alaga, at alam niya rin ang kahinaan ng opponent upang duon niya mismo papasukin upang tuluyang pabagsakin.
Ang sabi ni Coach Feddie noon sa mga naunang laban, "Manny will finish the fight with David Diaz in 9 rounds, Oscar Dela Hoya will not exceed in 9 rounds, I will get upset with Manny if he can’t be able to finished Hatton in 2 rounds." – Lahat ng yan ay naganap ayon sa kanyang prediction. At ito ngang huli, sinabi rin niyang tatapusin ni Manny si Cotto in early rounds. – I hope this will surely happen again.
Bukas, araw ng linggo dito sa pilipinas, ay muling titigil ang ikot ng mundo, muling magkakaisa ang bawat Pilipino, walang krimen na magaganap, tahimik ang mga lansangan, kahit na ang mga magkakatunggali sa pulitika ay nagkakaisa, maging ang mga rebelde’t sundalo ay nagkakaroon ng tigil putukan upang panoorin ang kapanapanabik na sagupaan sa ibabaw ng ring. Tunay nga na kamangha-mangha ang nagagawa ng ating pambansang kamao para sa bawat mamamayang pilipino. At ang kanyang tagumpay ay alay niya sa bayan, sa buong lipunan, Ang hiling niyang kalakasan sa maykapal at ang matinding pananampalataya sa dakilang may-likha ang siyang susi upang mapagtagumpayan ang kanyang laban.
Mabuhay ang pambansang kamao,.... Mabuhay ang bawat mamamayang Pilipino,.... Mabuhay ang Bansang Pilipinas. !!!!
61 comments:
gusto ko sya...pride ng pinoy...ang hindi ko lang gusto sa kanya eh nadadala sya ng mga pulitiko!
wish na (mahawakan ko sya) manalo ulit sya!
gudlak manny!
gudlak ninong!merry xmas po. :D
good luck na lang kay manny.
kwentuhan niyo na lang ako ng mangyayari.. may lakad ako sa linggo eh... huhuhu
Inaabangan ko yung punchline sa dulo aba wala hahaha idol mo nga...
Handa na kami dito sa Sabado ng gabi sa bakbakan at Linggo dyan sa atin...mauuna kami huli dyan...hehe jok lang Al.
Mabuhay ka Manny!
Go MENI PEKYEW!!!!!
manny! manny! manny!
hehehe.. mananalo sya! :) pramis! hahaha..
matitigil n nman saglit yung mga gulo, para lang mapanood laban nya. hehe
All the best to the Pacman! We will all be watching with bated breaths. Ü
Sayang di ata ako makakapanood bukas may short trip ulit ako bukas whole day at walang tv o ano pa man doon... jijijijiji
Para sa karangalan ng Bayan at tagumpay ng bawat Pinoy saan man sa mundo..I go for MAnny... pero kung para lang kay manny?..hmmm ayoko...mayabang na sya para sa akin...
yung huling laban nya, after manalo a guy instructed him or rather signaled him to kneel, then he deep as if in some divine providence descended on him.
ito hindi ko sure, he had this interview kung saan tinanong sya kung tuloy pa din ba daw ang pagkandidato nya and he replied something like na 'oo, kasi malaki na daw na-invest nya sa pagtulong sa mga tao.
Oh well.
ayos to... hihintayin kita sa big screen mane....
natuwa ako sa mga sinulat mo. naalala ko yung debate namin dati kung dapat ba syang gawing national hero o hindi. :)
money!money!money!
@ Pokwang, gusto mo mahawakan ang alin? mmm..
@ Flamindevil, goodluck talaga kasi lucky seven ang target niya, ika-7 titulo
@ Gillboard, sige abangan mo na lang ang kwento sa next post
@ Glentot, me pobia ka na yata sa mga post ko, puro punch line na lanag yata ang palagi mong inaabangan kelngan din nating maging seryoso minsan, he he he
@ Lolo, palagi akong naka subscribed ng PPV, kaya live ang napapanood namin d2 sa bahay.
@ Jepoy, Baka si many pokyaw ang tinutukoy mo, bading yun.. he he he
@ Kox, mangyayari ang tagumpay ni manny tiyak yun.
@ Angel, That's right, as a filipino we need to give our full support to him
@ Xprosaic, you will miss 1/2 of your life if you will not be able to watch the fight.
@ mokong, you can't blame him kung medyo me pagbabago na sa kanya, but he's still the pride of the filipino people.
@ Dabo, his ambition to be a politician is a different issue, that is his personal choice, what we are looking here is the victory for his fight. pero tama ka, yan din ang observation ko.
@ Uragon, manood ka ba sa megamall? mas mainam dun.
@ bipolarsisa, thanks for your appreciation for this post.. nationak hero? mmm, no comment muna ako about that.
@ Manik.. talagang Money, katunog ng kanyang pangalan,..Milyones na naman ang mapapasakamay niya. bababa na naman ang rate ng dollar.
Hay yayaman na naman si Manny!Tapos mayroon na naman pera si Jinkee pamaparetoke. Si aling Donisia madadagdagan na naman ang kanyang diamante at "fans" at pati na rin ang mga pulitikong pupusta sa kanya yayaman din.
Tayo lang naman ang hindi yumayaman sa pagkakapanalo ni Manny!Hay!
ingat
Drake, naiinggit ka naman buset..
gusto mo maging boksingero ka narin para yayaman ka din tulad ni manny para me pamparetoke ka rin dyan sa mukha mong yan nasa avatar..buwa ha ha ha.
wow! hey i never read the post i just wanted to comment on your song, hahahahahaha! patawa muna! this is crazy...
Tim, are you not familiar with that song "Ang anghit mo"?.
Mga sikat na mga yan, ang magkapatid na sina Moymoy Palaboy..
thanks for dropping by tim.
e this time naman, ilang round naman ang prediksyon ni freddie bago mapatumba ni manny yung kalaban?
ok na sana sakin si manny,
ayoko lang sa kanya daling utuin nung mga politicians, alam kasi na marami syang pera pwedeng gastahin sa election.
hala sige go-go-go! cheering squad na ako!
@ Lee, early rounds lang naman ang nabanggit, but for my own prediction not exceeding 6 rounds.
about his political ambition, labas na ako dyan.. that his personal choice, ang masama lang talaga yung nakapaligid sa kanya na mga pulitiko. mga sulsol.
@ Iyah.. bagay sayu ang mag cheer, mag short ka tapos maglulundag ka sa kalsada pagdating ng laban.. ayos yan, he he he
saludo ako kay manny pagdating sa boxung pero sa iba pang bagay na pinaggagagwa nya eh hindi na..hehehe
laban na naman ni pacquio bukas, at sigurado kong magkakalat na naman ang mga Political ads.
maiba tayo, pustahan tayo alkapon, 3 rounds lang yan!
@ Superjaid, lahat naman tayo ay may pagkukulang at pagkakamali na hindi nagugustuhan ng ating kapwa.
Huwag na yun ang ating bigyan ng pansin, ang mahalaga dito ay yung karangalan na kanyang tinatamasa at makakamtan pa ay higit na karangalan ng bawat mamayang pilipino.
ang pag angat ng moralidad ng ating bansa dahil na rin sa kanyang kabayanihan na ipinapakita sa pamamagitan ng tagumpay na kanyang natamo sa boxing.
@ batang istik, yan ang isang perception na tinitignan natin ngayon, sabi nga ng mga sports analyst maaring hindi pa aabot ng 3 rounds pababagsakin ni pacquio si cotto..
titirisin niya ang kuto ng bonggang bongga.
inaabangan ko na rin yan. ampucha kasi di ko mapapanood. may duty kasi kami bukas. haiz. as usual, thru text ko na naman yan malalaman. yun eh kung manood si daddy.
// nakakatuwa ring isipin na napagka-kaisa ni pacquiao ang mga Pilipino. but i still doubt his capabilities to be a politician.
@ poot,mag absent ka muna sa duty mo bukas. he he he
very influential nga siya, and i admit na doubt din ako sa kakayahan niya sa pulitika.
parang di na ako na eexcite sa laban, kc parang mananalo din naman c manny... ewan ko lang... hehe...
nwei, sana nga manalo siya...
baka mas ma eexcite ako pag c mayweather na kalaban niya... ;-)
Nagmamayabang ung pangkat Kuto. Tingnan na lang natin ang laban bukas.
Natatawa ako sa sinabi mo. naalala ko tuloy ung awit...
nagkakaisa libo-libong tao...
kasama na ang rebelde at sundalo...
Nagtigil putukan para makipanuod sa laban ng boksing ni Manny.
Kung puedi sana oras oras na lang ang laban ni Manny para matapos na ang digmaan sa magkabilang panig dyan sa pinas.
Alkapon, ito pala ang link doon sa mga puedi mong harbatin. mamili ka na lang. tenk you pala in advance kung sakaling matupad ang plano mong ma-feature ung pagkakapal kapalan ko. bahala ka na kung paano mo gamitin. basta i always adhere sa freedom of expression.
Darb's Channel link sa youtube: http://www.youtube.com/user/darbsify
Pamaskong Caroling na O little town of Bethlehem ay ito.
http://www.youtube.com/watch?v=CPctPC_Xkb0
Hope that helps.
Salamat ulit.
@ Yhen, nahulaan mo na rin ha, ayos yan.. ako rin mas pina excited ako pag si mayweather ang makakalaban niya para matanggal ang kayabangan ang mag amang mayweather.
Pareng darbs, dyan nga ako bumilib ng husto, si manny lang ang nakakagawa ng ganyan, buong pilipinas bawat pilipino napag kakaisa niya sa tuwing siya ay may laban.
pupuntahan ko yung site na yan para gawan ko ng post.. ayos ito darbs, gagawan ko ng maayos. salamat ng marami.
gandang PM, sana manalo si manny, Good luck!!
padaan lang.. :-)
i'm sure mananalo siya..bukas muling mag bubunyi ang buong pilipinas.
ika nga ni manny:
"para sayo ang laban na ito!"
=P
happy weekend!
para sa bawat pilipino.. salamat sa komento raft.
wow... ngayon na pala to. wala pa naman kaming tfc dito.
good luck Manny. :)
hangad ko ang tagumpay ni manny sa boxing..sa politika ay ewan..add kita sa blog list ko..sana ay ma add mo rin ako sa blog list mo..
Go go aling Dionesia! este Manny Pacquiao ^_^
He is truly the pride of the Filipinos. Mabuhay ka Manny! Goodluck sa laban mo today!
fight fight fight!
---
Nga pala, gusto ko din magpasalamat sa iyo Ginoong Alkapon para sa pagboto sa aking blog. tinkyu biri mats!
naks.. di ko alam na fan ka pala ni manny. ako personally, i don't believe his "para sa bayan" speech but still... it would be nice kung siya nga ang manalo. pinoy rules.
na add na kita sa blog list ko..alkapon..kung puwede ay sana ma add mo rin ako..thanks..
Hoy puwet paki-add naman yung isa ko pang blog dyan sa list mo, yung utaknidrake.blogspot.com (dalawa blog ko, walang pakialamanan at wag kang magrereact,hahahah)
Salamas in advance! At ayaw kong magboksingero mamaya makibalato kapa sa akin!whahah
Ingat
@ Drake, sige i add ko yan, update pa ako...
@ Arvin, sige isama kita sa listahan na papayin ko.. he he he
@ Night crawler.. Fan na fan na fan na fan.. hirit ka pa? he he he
@ Fiel, oo nga binoto kita bilang mayor...he he he
@ Anjong, kawawa ka naman.. nood ka na lang ng bold dyan, sabay jakul.. ha ha ha
UPDATE: TINIRIS NI MANNY ANG MAKULIT NA KUTO.. DUROG.
Beys sa update mo Al...Naawa ako sa asawa at anak ni Kuto. Umuwi silang luhaan...kasi ito naman si Manny walang patawad. Talo ako sa pustahan dito...sa ending...pusta ko 4 & 5 lang...hehe...Mabuhay Manny!
ganun talaga, wala silang magawa, yan ang buhay boxing.. at saka parang expected na rin nila yun.
wala eh.. nadurog ang kuto.. ha ha ha
me pustahan pala ng ending dyan.. panalo naman ako sa pustahan d2.. yung ka officemate ko.. isang buwan na sueldo... yari siya ngayon ha ha ha
at panalo na nga siya. langya ala sinabi si kuto sinuyod lang siya. hehehe. si mayweather na ba sunod niyang labanan bago si son goku?
sana nga si mayweather na para matanggal ang kayabangan ng mag amang mayweather.
wow, another knock out, not for Manny, but for Filipino's who dreamed to be like him, known and wealthy. but one thing that i learned about Manny was his eagerness to win and his strenght to overcome every trials, Cotto is a huge barrier for him not to get the triumph, but since we Filipino's was born natural in such attitude we can use it for them, who don't have it.. Thank you Manny and CONGRATS!
Tim, Paki tagalog lang, hindi ko maintindihan.. he he he
o di kaya Bisaya.. kasi ambot ko man sa imo dung, dili ko man ma understand.. tinuod.
Isang pagbati sa napakamahusay mong pagsusulat.
Ipinagkakapuri kita pareng Alkapon.
Mabuhay ka rin.
Wala akong ibang maisagot kundi pasasalamat pareng kulisap. mabuhay ka rin.
Marunong ka palang magseryoso kahit once in a blue moon lang.Hindi ka kaya lagnatin?(Just kidding)
Anyway Manny is really great!Kudos to Manny!:D
Strong Love spell to get your Ex Boyfriend/Girlfriend back fast.
Am Maria 21yr from England, my boyfriend of a 4yr just broke up with me and am 30 weeks pregnant.I have cried my self to sleep most of the nights and don’t seem to concentrate during lectures sometimes I stay awake almost all night thinking about him and start to cry all over again.Because of this I end up not having energy for my next day’s classes ,my attendance has dropped and am always in uni and on time.Generally he is a very nice guy ,he ended it because he said we were arguing a lot and not getting along.He is right we’ve been arguing during the pregnancy a lot .After the break up I kept ringing him and telling him I will change.I am in love with this guy and he is the best guy I have ever been with.I’m still hurt and in disbelief when he said he didn’t have any romantic feelings towards me anymore that hurt me faster than a lethal syringe.He texts me now and then mainly to check up on how am doing with the pregnancy,he is supportive with it but it’s not fair on me, him texting me as I just want to grieve the pain and not have any stress due to the pregnancy.i was really upset and i needed help, so i searched for help online and I came across a website that suggested that Dr Unity can help solve marital problems, restore broken relationships and so on. So, I felt I should give him a try. I contacted him and he told me what to do and i did it then he did a spell for me. 23 hours later, my bf came to me and apologized for the wrongs he did and promise never to do it again. Ever since then, everything has returned back to normal. I and my bf are living together happily again.. All thanks to Dr Unity. If you have any problem contact Dr.Unity now and i guarantee you that he will help you.Email him at: Unityspelltemple@gmail.com ,you can also call him or add him on whats-app: +2348071622464.
Post a Comment