Kapag sumasakay ka ng jeep, dapat umupo rin ng maayos, yung upo na naa-ayon sa iyong ibinayad sa mamang tsuper, hindi yung upo na parang ikaw lang ang may karapatan sa loob, ibig sabihin pagbigyan mo rin ang kapwa pasahero na isalampak ang kanilang mga puwet para hindi naman mangawit.
Sa tuwing ako’y bumibiyahe patungo sa opisina, marami akong napupuna sa mga pasahero sa loob ng jeep, iba-ibang pustura o posisyon sa pag upo lalo na sa mga kababaihan. May nakatagilid habang naka-dungaw sa bintana, may mga naka bukaka na tila nagpapahangin ng singit, na walang paki-alam na baka sila mabosohan at masilip ang pisngi ng bibingkang dilaw, at meron din yung tuwid at upong mahinhin pilit na iniipit ang ginto’t pilak na namumulaklak sa tabi ng dagat.
Kung kaya naisipan kong isulat at ipaskel dito sa aking pahina ang patungkol sa klase ng pag upo, dahil sa napansin kong karatula na naman na nakapaskel sa isang palikuran o kubeta sa isang pampublikong lugar. Madalas akong nakakakita ng mga ganitong kakaiba at nakakatawang klase ng karatula, maaring isinadya o talagang bobo o kupal ang may gawa.
Tulad na lamang nito:
Entire performance? anu yun, nanonood ng live show o live band habang umeebak? o ‘di kaya’y meron television na panooran sa dingding ng kubeta para mas ma-enjoy ang pagbawas ng ipot na malapot?.
Pero, isinalin naman sa wikang Tagalog, at dapat daw na umupo ng maayos, at huwag tapakan ang inidoro, kasi nga naman kapag marumi ang sapatos ng sinumang gagamit ng palikuran ay tiyak marurumihan ang bowl, meron kasing mga ganung tao, ayaw umupo sa trono ng kalikasan, siguro nandidiri o di kaya nakagawian talaga ang ganung posisyon.
Sa ating mga pilipino ay naiintindihan natin ang ibig sabihin nito, pero, paano naman kung nagkataon na may dayuhan na makikigamit sa nasabing kubeta? Anu kaya ang maisip niya?
How about you pipol?, did you practice very good performance while using inidoro?
I hope so.. you know?
52 comments:
aba, first base ba?
naalala ko tuloy ang aking seminary life. ung upong demonyo sa picture ay tinatawag naming bird style at nabulabog ang buong seminaryo noong isa sa mga seminarista ang nagbi-bird style. lol.
base nga po.. congratz.
Automatically you will be awarded for 10 points.. i update ko yan. he he
Bird style pala tawag sa ganun, yung nakatapak ang paa sa inidoro.. ang alam ko mga arabo ganun ang uso sa kanila. he he he
haha.. tawa ako ng tawa sa post na to. di ko masiyado ma-imagine! hahaha.
hahahaha! dami namang bagong post dito.. wooot..
grabe evil pala pag ganun ang pag upo sa toilet. ganun ako eh.. so demonyo ako. wahhh!
@ mr. nightcrawler, basta i-imagine mo lang na performer ka rin. he he
@ jezeel, ibig sabihin bird style ka rin tulad ng sabi ni father fiel..he he he
Napadpad...
...tuwing umuupo ako sa trono,
ang mga inilalabas ko ay inaalay ko kay evil...
anyways' lagi akong good performance... Nyahahahaha
@ wait, so ibig sabihin puro sama ng loob ang nilalabas mo.. ha ha ha
good for you for having good performance. he he he
waaaa ha ha ha, hanep ka talaga alkapon, sunod sunod na ang pagpapatawa mo.. ang husay ng utak mo talaga sa kalokoohan.. nya ha ha ha
macky, gifted child siguro ako..kaya lang sa kabulastugan nga lang.. he he he
Aba! paborito kong libangan ang kubeta, habang, pamatay oras, sabay hitit ng yosi..tawag nga sakin ng mga kasama ko, balatuba..
hayuf talaga ang banat mo alkapon, pinatawa mo na naman ako ng todo.. ha ha ha,
i like your style man.. me dating
balita ko mas matindi ka raw sa kalookohan tiyo paeng.. pangalan mo pa lang parang gusto mo ng sumubo ng lolipop. hek hek hek
panibagong delubyo sa blogsphere ang hatid mo alkapon..
matindi ka talaga sa pagpapatawa.. bow ako. ang lufet mo po talaga, promise. hi hi hi
Janna, mas malupit ka, lagi mo ako ini-indiyan sa mga date natin.. he he he.
date ka dyan.. isusumbong kita sa asawa mo..
friendly date na lang pwede pa, tapos kasama ko mommy at daddy ko. ha ha ha
uy! binata pa ako, kahit itanong mo pa sa biyenan ko.
para lang nanood ng concert. please remain seated during the entire performance. performance na pala ang tawag ng pagiibak ngayon. Waa
SIge tropa na tayo from now on :-D.
Una sasampa talaga ako sa inidoro pag walang toilet seat, nakakasulasok kaya pag walang toilet seat. Yun lang po.
INgats!
yap, birdstyle ang tawag diyan. kasi ganyan kung makatayo(upo) ang mga ibon sa sanga di ba?
aba.
basta ako eh yung performance ko eh pagbabasa ng dyaryo o ng libro. lols.
pero sa pampublikong lugar, kahit dogstyle pa yan, basta ba magflush at malinis kapag iniwan, ay olrayt na.
rakenrowl!
kaso sa sobrang dumi ng mga public inudoro, i dont think i would want to put my pwet on it
wahaha, nakakatuwa nga ito..nung hs kami, dun sa dorm namin..
ganito naman nakapaskil sa cr
"Don't sit like a frog, sit like a princess."
hehe, wala lang..share ko lang
funny post again.
sana minsan makapagpost din ako ng ganito..ung socially relevant..at the same time funny. hehe ulit!
want more!
onli in the Pilipins talga pero ang cute naman. haha
di ko sasabihin kung paano ako gumamit ng kubeta hahaha
@ reesie, kaya nga performance kasi depende yan kung paano mo i-ere, sabay sipol. he he he
@ jepoy, yeheeey! me bago na naman ka tropa..
kung sa medyo heavy weight, delikado baka mawarak ang inidoro.. he he he
@ Father fiel, salamat sa walang sawang pakiki-gulo sa kabulastugan ko.. kaya lang diyahe ako.. kasi baka balang araw, masermunan mo na ako.. he he he
@ manik_regun, ganun din ako dati, yung me binabasa kahit na dyaryo.. tapos yung kwentong xerex pa, para mas exciting.. ha ha ha
@ Mr. nonesense, siyempre hindi maiwasan ang mandiri.. the best thing is to put tissue bago ka umupo..
@ Lady green, i'm sure you sit everytime like a princess.. hindi ka naman frog eh.. ha ha ha
@ dencios, minsan bobosohan kita para malaman ko kung ano style mo pag umeebak ka.. nyaaaa ha ha ha
hahaha.. nakakatuwa yung picture..:)) ako naman hindi tumataas sa bowl at di din ako umuupo sa bowl.. inaangat ko lng. hahahahaha..effort nga lng talaga..so ayun.. hahahaha..:))
take care
xoxo, MIMING
@ miming, buti hindi ka nangangawit, at yung tuhod mo tiyak mamamanhid. he he he
Tenk yu beri big sa komento.
ahahaha parang papaalala lang habang nanonoond ng teatro..remain seated during the performance!
takot akong pumatong sa toilet bowl kasi parang madudulas ako..ahahaha!
@ powks, ibig sabihin nun, kabilang ka sa mga upong angel..sitting like an angel..
Pero teka, angel ka nga ba? he he he
lol!
online ka parati bossing a,
yaman.......
Hey Alkapon..thanks nga pala sa comment at pagdalaw sa blogsite ko...
btw... bata lang cguro ang umuupo sa inodoro na nakatapak sa bowl..gawain ko yan dati noong bata pa ako..baka kasi madulas ako at tuluyang mahulog sa bowl...hahah!
Add kita sa link ko..ok lang ba?
Insteresting kasi at masarap basahin ang mga post mo...bibihira sa mga blogger/writer/blog owner sa ngayon...
@ dencios,ganito ang buhay ng call center boys..habang nag-aantay ng tawag ng customers. sabay ang pag ba-blog.. he he he
@ Mokong, uu nga, baka pag madulas baka magasgas pa ang makinis na singit, pag nagkataon baka mapisak pa ang itlog, para mas safe upo na lng sa trono.. he he he
I add mo lang ako, no problemo, ikaw din add kita para mabilis ang daloy ng trapiko.
salamat nga pala sa papuri, kahit kunwari lang, nye he he he.
hey boss al-ka, I do apakers when I perform the nature's best ritual. I recommend it. My brother and sister recommend it also. My friends also claim that they also recommend it to all the tambays and their brothers and sisters. Yes! It's good to perform my friends! Change we can!
@ exam results, it only means that you also belong to birds style like a vampire if make apakers that you do recommends to be.
Hey, exam results, it think you got failed in your English exam, or your teacher got small brain damage when he teach you.. nya ha ha ha
Psst! tiyo paeng.. huwag kang magulo dyan..he he he nambubulabog ka naman.. he he he
hmmnn... okay naman ah. nakakatawa yung reminder... hehe^^ in a way to get attention, humor or ka-engotan? anyway, yep.. yung mga arabo naka-taas talag yung paa... bird style, kasi usual na c.r. dito (kuwait, same with other arab countries) ay sahig na butas patungo sa landas ng mga ipot. hehe^^ yung japanese naman, nakataas din ang paa pero nakatalikod, hmnnn... nakaharap sila sa tab ng tubig, sa wall... :)
@ taga bundok, sabi nga ng kapit bahay kong OFW sa saudi, bird style daw ang mga arabo pag umebak.
tenk yu sa pagdaan at komento. dalaw ka lang.
here at my end, pag-nakaupo sa kubeta during performance ang usual practice ay nilalagyan muna ng toilet paper ung inuupang iniduro. so far hindi pa naman nauubusan ng toilet paper. ang tanong what if walang toilet paper? ang mangyari ay ganoon na nga talagang aapakan ung iniduro at lalabas na walang linis ang puwit. what can you do? so ang mangyari pagsakay ng public transportation mangangamoy na lamang po.
Hi tiyo paeng. Our superhero boss alka's post is about very very good english and performance. That why I also use very very good engrish and how the apaker is performed by me and my co barangays. Hehehe. My engrish comment means that I read posts before I comment or reply. This is a good practice especially if you want to get rich and transact with businessmen in Makati and all over the world, just like my idol Pacquiao and milk drunk nanay Dionisia. Imagine if you just say something about your performance in bed with your tiya peng while your business partner asks about the performance of the product you're promoting. That might be your last seconds on earth especially if he's a yakuza.
@ darbs, ha ha ha ang saa naman nun.. mangangamoy ebak sa loob ng bus, tapos sinusundan pa ng langaw.. ha ha ha..
Pero darbs, me teknik dyan eh, i flush muna yung inidoro, siyempre lubog na yung ebak at malinaw na yung tubig, saka mo tabuin gamit yung palad para linisin ang pwet.. ayos yun, nagawa ko na minsan sa opis.. he he he
@ exam, sige, hayaan kong mag-ubusan ng engrish karabaw ke tiyo paeng...he he he
sa caloocan may nakita ko "sit like a princess, not like a frog" lols. ok lang pakinggan wag mo lang iimaginin! ok lang yan sa mga dahuyan wag lang yun piso ihi tres ang jebz =))
@ mumu, ibig mong sabihin binosohan mo? he he he
may nakapagsabi sakin nuon na pag naka-squat tumae, posibleng magka-almoranas.
..kaya pag may nakikita akong palaboy na tumatae sa tulay malapit samin, sinasabi ko yang kataga sa larawan:
"pls remain seated during the entire performance."
at
"pls dont throw feces on human beings"
@ Ape rockstar, malamang nga lalo na pag nasobrahan ng pag ere, tiyak lalabas ang kasing laki ng kamatis na almuranas.. he he he
yung hipag ko nakaranas na ng binato ng tae na binalot sa papel. umuwi ng bahay na amoy tae.. ha ha ha
hahaha ayuf, parang sinabing pag ebak the greatest performance of my life ahohoy, teka nga yung mga bata sa bahay puro nakatuntong sa inidoro kung magsiebak, matagal na ngang my hinala akong mga little devils mga batang yun e
lee, ha ha ha, ibang klase ka rin pala talaga.. todo bigay.. sige lang susundan ko lahat ng yapak mo..
saludo rin ako sau sa pagpapatawa.
ay naku, wag mong pagaksayahan ng panahong halukayin at baka ebaks mahalukay mo, pramis, alang wenta, puro copy and paste lang yun masabi lang na my sariling site.
kesa ihalukay mo dun, mas masaya kung magpopost kapa ng more.... more moreeeeeee hahaha
Post a Comment