10/21/2009

Pandesal




Masarap ang pandesal lalo na kapag bagong luto at mainit-init pa, tapos me palaman na keso, butter, mayonnaise, o di kaya ham, pero ang pinakagustong-gusto ko na ipalaman sa pandesal ay binating itlog. Ang sarap pa naman magbati ng itlog sa umaga, siyempre dahan-dahan muna saka mo bibilisan ng konti, banayad at sabayan mo ng konting sensation para feel mo ang pagbabati. Pag medyo malapit na sa rurok ng kasarapan, saka mo na ito ipiprito. Ayun! ang sarap ng pandesal na me palaman na Scrambled egg. ‘di ba mga ‘tsong at mga ‘tsang?

Ang Pandesal ay mainam na alternatibong almusal sa umaga. (of course! Alangan naman na almusal sa hapon). Kadalasan ang katambal nito’y isang tasa na kapeng mainit, o di kaya Milo o Ovaltine. … Teka nga muna, hindi ba ang Milo at Ovaltine ay pareho rin?..parehong lasang tsokolate rin yun eh! At saka sabi ng bunso ko, ang meaning daw ng Milo ay: Masarap Inumin Lasang Ovaltine… ayun! tumpak.. ang galeng talaga ng aking bunsong lalaki na grade-4, palibhasa pers honor palagi sa eskwelahan. Ipinagyayabang nga sa akin na syota na raw nya yung titser nyang sexy. Naunahan pa nya ako.

Back to pandesal – kaya nasabi kong mainam na alternatibong almusal, kasi mabilis na ihain sa hapag kainan, lalo na kapag malapit lang ang bakery sa inyong bahay, hindi mo na kelangan pang magluto ng almusal, medyo nakakatipid pa sa oras at sa budget nakakabusog din naman eh. Advisable din ito sa mga nagmamadaling pumasok sa opisina sa tuwing umaga lalo na kapag medyo gahol ka na sa oras, 2 hanngang 3 piraso ng pandesal sabay lagok ng mainit na kape, solve na, bawiin na lang pagdating ng tanghalian. At saka ang napapansin ko sa ngayon, lalo na sa kamaynilaan, tila hindi na uso ang magluto at maghain ng almusal, I mean yung normal na pagkaing almusal na may kanin o sinangag at ulam. Kunsabagay, sa hirap ng buhay sa ngayon, kelangan talagang magtipid, at humanap ng alternatibo, mabuti kung araw-araw ay naambunan tayo ng relief goods.

Ang Pandesal ay siyang pinaka popular na yeast raised bread sa ating bansa, kahit na marami ng nagsulputan na iba’t-ibang klase ng tinapay maging ito ma’y expensive o mura lang, ang pandesal pa rin ang pinakasikat, dahil kabilang na ito sa tradisyong pinoy, maging sa probinsiya man o sa siyudad. Kung tutuusin nga mas sikat pa nga ang pandesal sa mga probinsiya, nasaksihan ko ito mismo noong napadalaw ako muli sa probinsiya ng aking lolo. Sa madaling araw naririnig ko ang sigaw ng maglalako ng pandesal habang naglalakad sa kalsada, at kapag napapagawi ang maglalakong sumisigaw sa paanan ng bundok ay may kabuntot na eco ang kanyang sigaw. “Pandesal….sal….sal…sal…sal..”


58 comments:

AL Kapawn said...

Ang sinumang makaka-unang mag base.. me libreng round trip ticket papuntang HONGKONG.

John Ahmer said...

gusto ipalaman ay peanut butter : )

dencios said...

kung ganyan ang tinapay di na ako kakain!

ako madalas magpadesal-salsal-salsal-salsal-salsal

hahahahahah!

am bastos mo idol alkapon! haha

AL Kapawn said...

@ wait..siguro mahilig ka sa mani kaya peanut butter ang trip mo.. me peanut ka na binabater mo pa.

AL Kapawn said...

@ Dencios, akala ko madalas kang mag abdul, jakul...jakul...jakul..jakul..

hindi naman talaga ako bastos, maginoo pero medyo bastos lang naman.

Jepoy said...

Ako ayoko ng pandesal sa hapon. Kasi 'nung unang panahon binato ako ng pandesal ng utol ko tapos dumugo ang noo ko. Oo ganun katigas ang pendesal pag afternoon na. Pero tama ka ang sarap mag bati lalo pag umaga tapos priprito mo ang scrambled egg.. Awwwwwww ang yummy!

AL Kapawn said...

@ Jepoy, baka naman me palaman na bato yung ipinukol sayo.. lol

me halong grin din itong comment ah.. bati sa umaga,ha ha ha.. uu nga lalo na pag bagong gising..he he he

taga-bundok said...

BASE!!!!!!!!!! ahahahaha! kahit pang-apat lang. hehe ^^

pandesal ba?! hmmnn... sarap nga mag-bati sa umaga. pero, minsan kapag walang pandesal, pande monay ang puedeng alternatibo. pinapalaman ko dito kikiam... hehe. try mo yun. ;)

taga-bundok said...

waaaa... teka, oo tama. hehe... (pasaway, naka-log in pala ako sa blogspot).

AL Kapawn said...

@ taga bundok, nakababa ka na naman galing sa bundok? lolz

bagong combination yan ah, pandemonay na me palaman na kikiam?.. he he he masubukan nga.

taga-bundok said...

teka, diba spanish bread yung nasa pic na parang ano?

AL Kapawn said...

uu nga.. pero yung dalawang nasa ilalim na nagsisilbing betlog yun ang pandesal, yun ang masarap na binabati sa umaga.. ha ha ha

pusangkalye said...

haha---kinky post to. Provocative na nga ang picture na malaki e meron pang pangiliti sa isip na echo na sal sal sal--- fun fun fun. apir. lol

Ape Rockstar said...

tumpak mga katoto...napakasarap ng binating itlog sa umaga...

gustong gus2 ko rin ung binating talong combo itlog.

lalu na pag tag-ulan...

Fatherlyours said...

Okay ang pandesal-sal-sal. Masarap-rap-rap. Ganda ng post mo tsong.hehehe

lababo said...

sarap nga nung binating itlog na palaman sa pandesal! pero ayoko nung binati ng todo kasi masakit este mas masarap yung nakikita pa ang pula tsaka puti. Kaso ang isang pandesal ngayon, dos na tas ang liit pa. Isang itlog, kayang palamnan ang tatlo. Di ba nakakasama ng loob?

Xprosaic said...

Ahahahhahahhaha... syet! umagang umaga nabasa ko ito... ahahhahahahha... guilty! jijijijiji... well normal naman ang may scrambled egg sa umaga paminsan minsan... jijijijiji... pero mas trip ko naman na bibingka sa hapon... jijijijiji

RedLan said...

Ang motto ko " Kainin ang pandesla habang ito ay mainit. At mas masarap kapag may kapeng mainit.

livingstain said...

alkaponnnnnnn..... ano na naman ba tooooo..... halika nga dito, dumapa kaaa.............

nagkakape ka na naman pala bahang nagsasalsal.... este pandisallll....

yiN said...

hahaha. padaan pare. pwede ka pa kamo magbulsa ng pandesal at sa daan mo na lang kainin, divah. gustong gusto ko sa pandesal eh liver spread at pag my extra ko eh may kasama pang meyoneizz. nasubukan mo na bang magbati ng itlog kahit gabi??

AL Kapawn said...

@ Pusang Gala, sensya na malikot ang isip ko eh.. pero mas malikot ang pag-iisip ng nagbabasa.. tulad mo. he he he

@ Ape rockstar, medyo malikot din ang isip mo.. parang sanay na sanay kang magbati...ng itlog. lol

AL Kapawn said...

@ Fatherlyours, parang raper ka rin ah, kabilang ka ba ng salbakulaw? este salbakuta?.. musta na kayo ni madam auring? me asim pa talaga yun, kaya lang sobra na yata sa asim.. he he he

AL Kapawn said...

@ lababo.. uu nga mahal na rin ang pandesal kasi nagmahal na ang arina at sangkap.

ok lang yung nakakasama sa loob, pero ang nakakasama sa puson yun ang masaklap. dapat ilabas mo.. ang sama ng loob.. he he he

bakit nga pala lababo ang screen name mo.. mahusay ka siguro sa boracha con lababo.. buwa ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Exprosaic, bakit ka naman guilty? normal lang yun..mas mahirap pag naipon baka maging kaong na yan..he he he.. uy! gusto ko rin ang bibingka sa hapon, manamis-namis, malagkit at makatas.. ha ha ha

@ alone, pang wholesome ang comments mo. congrats, hindi malikot ang isip mo.. ang bait mo, sana.....wag na lang, alam mo na kasunod nun.. he he he

AL Kapawn said...

@ Livingstain, bakit mo naman ako padadapain? titirahin mo ako sa pwet? pambihira ka naman oo..lolz


@ yin,isa ka ring malikot ang isip, kelangan mong i defrog at i-disk clean up para malinis.. salamat sa pag daan parekoy.

Kosa said...

hahaha
asteeeg!

mula sa pandesal eh nakagawa ka ng isang sobrang lufeeet na post!

AL Kapawn said...

@ Kosa, ganyan kalofet ng takbo ang isip ko.. kaya sensya na..he he he

Salamat sa pagdaan at sa komento.. balik ka ulit.

otep said...

Wahahahahahaha.. astig talaga nito :) yeah

masarap talaga ang pandesalsal sa umaga. Nyahahahah :D

kaso sa panahon ngayon susyalin na ang mga tao, gardenia na gusto nila kahit walang palaman, pero masarap pa rin syempre ang pandesalsal.

naaalala ko pa nga noon, pag late na ako sa school sa tricycle ko na lang kinakain ang pandesal. :)

love this post! teka, san mo pala nakuha yung photo?

hindi kasi sa pandesal, spanish bread yun. heheheh :D

AL Kapawn said...

Otep, spanish bread yung nakatayo at mahaba pero yung sa bandang ibaba yun ang pandesal... wala naman kasing pandesal na mahaba.

salamat sa pagdaan at komento.

balik ka ulit.. kape ka muna, dami pandesal dyan.. salsalin mo lang.. he he he

Anonymous said...

abat pati naman pangalan ko pinansin.
lababo yan kasi lahat ng bagay ay tinatapon at sa lababo ko pinapalabas. lalo pag lalabasan na.. takbo sa lababo. --pag lalabasan na ng suka. madalas kasi akong lasing.

AL Kapawn said...

pansinin kasi ang pangalan mong lababo, sabi ko nga malikot ang pag iisip ko..

Sa susunod Gawa ako ng Kwento na ang pamagat ay Lababo.

Abangan mo yan. promise

Julio said...

nice post. masarap naman tlga ang pandesal sa umaga lalo't may palaman. masarap din siyang isawsaw.

AL Kapawn said...

Julio, saan isasawsaw? ahh! sa kape, tapos saka mo hihigupin. sarap 'no?

Anonymous said...

naamuse ako doon sa opening at ending ng post na ito...mapapaisip ka tala ng iba....
...hindi ah! mapapaisip ka pa ng ibang palaman ..yun ang ibig kung tukuyin....halimbawa:

pandesal....sal....sal... at mani-butter (peanut butter, baga)...

di ba bagay!

AL Kapawn said...

@ Blurosebluguy, sinusubukan ko lang kung gaano kalikot ang pag-iisip din ng nagbabasa.. katuwaan lang, wag mo masyadong seryosohin. he he he

tenk yu beri big por draping bay.

Felmar Fiel said...

naku, lumalabas na naman ang pagkapilyo nito!

gusto ko magcomment doon sa harmless...

iba ang interpretation ko pag yan ang sinasabi ng isang tao. yan din kasi ang madalas na sinasabi ng mga taong simbahan sa mga pari...

harmless -- meaning -- can harm but less...

applicable din ba sa u ito al?

Jag said...

ahahaha adik!!! Boi, pinatawa mko sa post na to hahahahaha...Pan de sal sal sal sal wala nyan dito sa lugar ko eh jijijiji...

AL Kapawn said...

@ Father Fiel.. Sorry po, humihingi po ako ng paumanhin, hindi ko kasi mapigilan ang pagiging pilyo ko.. siguro nasa laman ko na ito..

Medyo applicable siguro, as long as less lang naman, hindi naman talagang harmful. hindi naman po ako kumakagat ng kapwa, pansedal at babol gum lang naman ang alam kong kagatin. hek hek hek.

AL Kapawn said...

@ Jag, oowwss! kahit saang lugar basta may pinoy may pandesal...sal...sal...sal..

araw araw yan ang ginagawa eh, lalo na sa umaga.. he he he

EngrMoks said...

nakakakain lang ako nyan pag nagigising ng sobrang aga...tuwing simbang gabi lang yata...

AL Kapawn said...

Ang alin mokong, puto bumbong?

tiyo paeng said...

Sa umaga pagkagising ko, hindi ko agad-agad inaalis ang akig muta, kasi anting-anting yun para sa mga tsiks.

pagkatapos, exercise muna, pag pinagpawisa saka ako magbabati.. magbati ng magbati hanngang madurog at lumapot na ang itlog saka ko i prito at ipapalaman sa mainit pang pandesal.. isawsaw sa mainit na kape saka ko supsupin..ang kape.

AL Kapawn said...

Tiyo Paeng, ang dami mo pa palang paek-ek bago ka mag kape.. para mas masarap siguro ang pag higop.

Joel said...

paborito ko naman ang itlog na pula ipalaman sa mainit na pandesal. ayos yun, subukan mo alkapon

AL Kapawn said...

kheed, uu ga ano, masubukan nga rin para maiba naman ang lasa.. maalat-alat pa.

tenk yu sa komento at dalaw kid. dalaw din ako sa site mo.

plaridel said...

ayus, pare! bullseye! bon ape-titi!

AL Kapawn said...

Plaridel, ayos ka rin ah.. ha ha ha, me pagka pilyo ka rin.. pareho ang takbo ang utak natin.. nya ha ha ha

Anonymous said...

Ang tanong...paano na ang Pinoy kung walang Pandesal? Naalala ko tuloy nung bata pa ako naglalako ako ng pandesal sa madaling araw...pero iba ang sigaw...Napoy...poy....poy...poy...
hehe.Ginutom ako Al, wala kasing pandesal dito sa amin.

AL Kapawn said...

@ Lolo, palagay ko hindi na kelan pa mawawala ang pandesal, dahil yan ay isang trade mark ng pilipinas.

Saan planeta ka ba ngayon lolo?

Anonymous said...

sige paps aabangan ko ang kwentong lababo mo.. nyahaha *kabado*

AL Kapawn said...

Sige, antayin mo.. magsasaliksik ako at pasasabugin ko ang lababo mo.

hala ka.. lagot ka.. buwa ha ha ha

Led said...

haha...syota ang teacher na sexy XD shet XD

AL Kapawn said...

@ Led. jowk lang yun..palamuti lang ng post, he he he

darbs said...

Ah! pandesal masarap talaga lalo na pag medyo mainit pa. may pandekuku at pan de mongo pa pala.

dito naman ang usong almusal cereal with milk, and banana, mansanas and/or grapes. of course kape.

AL Kapawn said...

Darbs, Yan kasi ang nakasanayan na almusal ng mga kano, na bibihira lang na inaalmusal d2 sa pinas. dahil mas nakagawian ang almusal na pandesal with coffee.

Lee said...

ala, yung pandesal samin ang liit na puro hangin pa kaya bitin na bitin.
sa probinsya uso pa rin ang kanin o sinangag, dadamihan ang luto ng kanin sa hapunan para sa umaga my sinangag kasi di uubra ang pandesal lang sa mga magbubukid, hahanginin mga utak.

AL Kapawn said...

kahit d2 sa maynila, maliliit na ang pandesal, taz 2 piso na ang isa, ampaw pa, hindi tulad dati siksik ang laman, tapos piso lang.. katuwiran nla nagmahal na raw ang arina.

Somnolent Dyarista said...

hay naku.

kakapandesal-sal ko lang. nagenjoy din naman ako at nasatisfy ko ang craving ko.

tama ka masarap ang binating itlog tuwing umaga.

pero minsan mas masarap sa tanghali, lalo na sa gabi. paborito ko kasi ang binate.

minsan nga pinagbabati pa ako ng syota ko...

ang sarap nya nga mabate eh,

maalat alat.

hehehe