Ang pagiging “tuli” ng isang binatilyo ay pagpapatunay na isa ka ng ganap na lalaki, kalimitan ay ginagawa ito mula edad sampu hanggang labing-lima, pero meron din yung mga sanggol pa lang eh tinutuli na, at meron din yung sanga-sanga na ang bulbol saka lang naisipang magpatuli, dangan nga lamang eh, makunat at halos hindi na kayang kagatin ng gunting o labaha ang talukap na bumabalot sa ulo ng kanyang bototoy.
Para sa mga kababaihan naman, kapag dinalaw na ng unang regla, “the first blood of Rambo” sa salitang ingles, ay ito na ang hudyat na si neneng ay nagdadalaga na rin, at siyemre kelangan ng madagdagan ng budget para pambili ng modess upang itapal sa bibingkang dilaw para hindi bumulwak ang dinuguang maasim.
Kapag ang isang lalaki ay nabisto na “supot” pa lang, naku! asahan mo katakot-takot na kantiyaw ang abutin mo, lalo na kapag dumating ang punto na me tsismoso na magbubulong sa iyong iniirog, o di kaya ang mismong syota mo ang naka diskubre na nakasimagot pa lang nguso ng iyong bototoy, he he he he, me posibilidad na maghihiwalay ang inyong landas, at hanapin ang dating daan. Oops, hindi si brother ely ang tinutukoy ko, nagkakamali po kayo, pero kilala n’yo yun? Ang bulaang propeta na pala mura?
Nung bata pa ako, ay nakasaksi na ako ng operation tuli sa probinsiya, sa isang liblib na baryo ng aking lolo nang minsa’y sumama kami ng kapatid ko para magbakasyon. Kakaibang ritual ang pagtutuli sa probinsiya ng panahon na yaon, ginanap yun mismo sa tabing ilog ilang oras bago sumapit ag takip silim. Nakapila ang mga binatilyo na walang salawal na animo’y mga kambing na ngumunguya ng dahon ng bayabas, iyon pala ay idudura sa batotoy pagkatapos mabiyak ang talukap pagkapukpok ng martilyong kahoy ang labaha na nakapatong naman sa balat ng bototoy na nakasalaksak sa isang kinayas na maliit na sanga sa harapan mismo ng kinauupuan ng taga-tuli.
Iba-ibang reaction ang aking nasaksihan, me mga napaiyak, me napasigaw, meron din yung halos nahimatay at meron din yung nakuha pang tumawa pero batid mo sa mukha ang kirot at hapdi. Bawat pukpok kasabay ang sigaw ng taga-tuli ng “dura”. Ibig sabihin idudura ang nginunguyang bayabas sa nabiyak ng balat, kasabay nun ang pag dive sa ilog para magbabad. Pero merong isa na hindi niya naidura dahil nalunok pala niya ang nginunguyang dahon ng bayabas. Siguro hindi nakayanan ng hapdi.
Sa panahon ngayon, puro hi-tech na ang kagamitan sa pagtutuli, hindi na kailangan ang dahon ng bayabas, painless pa at parang nagpapamasahe lang sa sauna bath, maya-maya pa kapon ka na pala. Isa ka ng ganap na lalaki. Kelangan mo na lang ay alagan ng ilang lingo, uminom ng antibiotic hanggang maghilom ang sugat.
Sa panahon ngayon, puro hi-tech na ang kagamitan sa pagtutuli, hindi na kailangan ang dahon ng bayabas, painless pa at parang nagpapamasahe lang sa sauna bath, maya-maya pa kapon ka na pala. Isa ka ng ganap na lalaki. Kelangan mo na lang ay alagan ng ilang lingo, uminom ng antibiotic hanggang maghilom ang sugat.
Pero ako.. huh! Sariling sikap… mano-mano… ikaw? Kaya mo?
44 comments:
May traditional tulian pa rin sa probinsya. Galing ako ng probinsiya at nakarelate ako dun sa hindi naibuga dahil nalunok. lol. May stage na nangangamatis yung ano.
Yung classmate ko, nagpatuli sa ospital. Maganda yung intern kaya biglang nag hello si totoy. kinailangan lagyan ng ice para matulog bago isabak sa tulian.
@ missing, naka 1st base ka..(100 points to be update.
sa panahon ngayon uso pa rin pala ang operation tuli sa mga probinsiya, siguro nga hindi nila ma-aford ang bayad sa mga hospitals, or yun talag ang gusto nilang mangyari.
Tenk yu beri big sa komento... sana hindi ka na supot.. he he he
teka nawindang ako sa photo haha
3rd base!
Diyos ko po! muntik na akong mahimatay sa last photo!!! Pasaway ka alkapon! hehehe. daig mo pa ang mga contestants ng talentadong pinoy dahil sa iyong pagsasariling sikap! (babalik ako para tingnan ang comment ni dencio, ano kaya ang reaction niya)
@ tcf,baka me hang-over ka pa lol
@ Father Fiel, kaututang dila ko na si dencios.. basahin mo rin ng comments ko sa kayang site, halos maasar na yata sa akin, dahil binabasag ko ang trip nya. ha ha ha
mabuti na lang at inabutan ko na ang modernong tuli..probinsya din ako lumaki dito sa bulacan pero hindi pa ko nakakakita ng ganyang tradisyunan na tulian...
@ Mokong, me choices at options pa kung anong style ang gusto mo..meron yung tinatawag na V cut at german cut.meron din yatang roud cut na me nakausli sa bandang ibaba.. pampalasa daw yun. lol!
Ahahahhahahha... ayos! mas traditional kaso sinusubukan ko pa lang isipin mukhang mahihimatay ata ako pagnakita ko mismo na hinihiwa ko si pototoy... jijijijijiji
hindi naman hihiwain. tinataga.. lol.
scary!
Chyng.. scary and funny too. but it is real thing.
i think up to this time, there are still a lot of pinoy who is still supot.
i know it dahil marami pa akong kaibigan na takot magpatuli, pero ang tatapang sa mga kalokohan.
i remember di ako umabot sa operation tuli kasi naubos na daw ang gamot kaya kapatid ko lang pero ako sa doctor na. ang panget ng eksena noon kasi kitang kita hahaha
uy natawa ako sa bata pero parang natakot din hahaha e kasi may kutsilyo ba naman e hahahaha
Ayos itong post mo, educational. Nasalang ako ng summer vacation, after grade five, pero sa doktor na. Pero 1 wik din ang ritwal sa pagpapagaling. Yung sa ilog, na ekspiriens ko ito, para matanggal ang mga natuyong sugat, para maanod na ang paghihirap...hehe...tapos ayun ang lakas ng mangantiyaw sa ibang mahina pa ang loob. Pero mas saludo ako dun sa mga di-pukpok(yan ang tawag sa amin sa di sa duktor dumaan...katulad ng nasa kuwento mo)...mas matatapang sila.
ahahaha naalala ko tuloy ang itsura ng amo ko nong sabihin kong papatulian ko ang anak ko..takot na takot...di ba daw kawawa ang bata? ang sagot ko naman eh mas kawawa sya kung supot kasi pagtatawanan...di ko naalala nong time na yun na mga supot ang mga alaga ko at ang amo ko mismo,hihihi
bakit tinawag na german cut eh mismong mga german eh supot?
@ Tiyo Paeng, are you sure you are not one of them? ha ha ha joke lang.
@ Dencios, kunwari lang yun, nagprapraktis lang yung bata..he he he
@ superlolo, yung mga ibang dumaan sa de-pokpok nadala lang sa buyo para kunwari matatapang din sila.. pero natakot din..
@ POkwang... paano mo nalaman na supot din ang amo mo? ha ha ha.. curious lang ako...he he he
galing nung bata kung nagawa niyang tuliin ang sarili niya...
katakot yung de pukpok na pagtuli... hehehe
lakas ng trip nang bata ah... eh kung tuluyan kaya nyang putulin ang putotoy nya.... hehe.
buti na lang ako sa doktor, mga pinsan ko blade lang eh.
shocks, kalakas naman ng loob...
mano mano talaga ha... kakaloka...
duduguin anman ako niyan... hehe
ay sus, di ka ba makulong sa piture na yan? child porn ba yan?...ingat, pre.
anyway, dito sa amerika ay hindi sila makapaniwala na 12-13 tayo kung tuluin dahil rights of passage ng mga lalaki yan. ironically, feeling natin na lalaking lalaki na tayo pagkatuli at sabay suot ng palda. sa kalye habang naglalakad at suot at hawak ang harap ng saya, sabay kindat sa mga girls at sabi "hi, baby" ;)
ang masasabe ko lang eh maganda talaga ang magpatuli. angat talaga hehehe
mano-mano? shet sakit nun XD
@ Gillboard, ang sabi ng mga natuli ng de-pukpok, parang kagat lang daw ng langgam.
@ Patpatin, Swerte ka rin kasi painless and satisfaction ka dumaan sa pagtuli.
@ Yhen, kunwari lang yan
@ Mr. Nonesense,oopps i hope not, kasi hinalukay ko lang naman yan sa web search para magawan ng kwento.. he he he.. yes i will.. thanks bro.
Naku, buti hindi bumigay yung girls na kinindatan, dahil pag nagkataon siyempre titigas si manoy.. ang sakit nun.. he he he
@ Boris, Siyempre angat talaga.. dahil ganap na ang pagkalalaki, at wala ng tutukso sayu ng "supot".
Yung ibang kalapit bansa natin hindi naniniwala sa tuli pero okey lang sa kanila na tawaging supot.
namimis ko na yung nurse na nagtuli sakin lagi n'ya kasing hinahawak yung pototoy ko.
http://jex009.wordpress.com/
@ jex, you are right, kahit ang mga british ay hindi naniniwala sa circumcision, mas nanaisin nila ang pagiging supot.
Saan ba matatagpuan yung nurse mo? he he he
@ jex, you are right, kahit ang mga british ay hindi naniniwala sa circumcision, mas nanaisin nila ang pagiging supot.
Saan ba matatagpuan yung nurse mo? he he he
ya, naalala ko tuloy ung araw ng tulian. ginagawa ung operation sa may gilid ng ilog, nginunguya ang bayabas ang hinihiwa ang "skin" . OUCH! walang anestisya yan ha?
Ung pagtutuli nakuha natin ang tradisyong iyan sa mga Jewish people.
May kaibigan ako dati, nung mag aasawa na tsaka namin nalaman na potso pa.Kasi lumakas ang loob niya na magpatuli. Kay tapang nga rin naman sa away pero dun sa tuli, takot.
@ Darbs, kabilang ka din pala ng old tradition sa pagtutuli.
tama ka, dahil nabasa ko rin yan sa banal na kasulatan.
@ fatherlyours, hindi kaya ikaw yun mismo? he he he
naks, pareho pala kami ni dencio na natuli sa doctor na, at oo nga, dami nanonood. lol. pati ung grade 3 na crush ko noong grade 2 pa ako. lol. wahahahaha.
@ Father fiel, duda ako ke dencios baka de-pukpok din yun, di kaya? he he,
nabosohan ka pala ng crush mo noon, so, wala ka na palang dpat ipag-malaki sa kanya. he he he
totoo ba ang kasabihan na pag baby pa lang tinuli, may posibilidad na bumalik ung lambi sa katagalan?
@ Ape, siguro depende yun sa pagkakagawa o pagsasa ayos ng doktor na gumawa, pero may tendency na ganun nga kasi magkakaroon ng ibang development ng balat na nakabalot sa bototoy ng bata habang itoy lumalaki.
Yung akin nangamatis before and for the record..haha grade 6 na ko na tulian, chiiiz..
Ahahaha!! kakatuwa naman ito woot!
Nagtuli na ako dati dito samin, hehe enjoy siya. :P
Namimiss kong magtuli ulit
ansakit kayang magpatuli, pero after non lahat masarap na.... whooooohhhh.....
may bago na akong blog, may konek sa blog mo na ito...
OMG--me pagka- masochist tong batang to. sadista masyado sa sarili--lol
@ TSI, marami na rin akong nakitang ganyan na nangamatis, pero ang mahirap nun kung magka-infection kaya dapat laging uminom ng antibiotic.
@ Ada,Pwede ba akong patuli sa iyo? kahit kunwari lang.. he he he
@ Livingstain, bigay mo sakin yung links para mabisita ko.
@ Pusang gala, kunwari lang yan, gustong lang sumikat.. palibhasa intsik na supot kasi.. he he he
hahaha nakakita na ko sa probinsya,ubos ang usbong ng bayabasan nung taga tumana dahil dun ang tulian,ang bayad sa manunuli yosi lang,dun narin sa ilog na lubluban ng kalabaw sila lulundag.
naalala ko tuloy yung brod ko, sa ospital tinuli at talagang hinila daw at ginupit, meand clean cut walang lambi, gusto naming makita kasi nakapalda nga e ayaw naman ipakita at mangangamatis daw pag my babaeng nakakita.
ooops, speaking of supot, sa asia mga pinoy lang naman ang tuli at yung mga asian countries na muslims the rest mga pot-su na, sa america at european countries mga pot-su din, di yun malaking big deal sa kanila, very normal yun sa kanila.
Aba! pati naman sa pagtutuli nakaka relate ka pa rin.. hindi ko na tuloy maintindihan kung girl ka ba o boy.. buwa ha ha ha
malawak din ang iyong pag-iisip..sobrang lawak.. bow talaga ako sau.
help me supot pako natatakot kc ako txt me09064786418
Prang ung tinuli q din madalas aqo maka experience nian sa mga pasyente nmin tuwing summer....
Post a Comment