Kung duwag man ako, ito ay may dahilan, umiiwas lamang ako sa gulo dahil maaring ikakapahamak ko, alam nyo naman dito sa maynila, naglipana ang mga halang ang kaluluwa, mga basagulero at mga adik, ang mga taong yan ay madalas tumitira ng patalikod, hindi marunong lumaban ng parehas, at laging nakakalamang ang gusto.
At kung duwag man ako, mas duwag ang mga taong umiihi sa pader, na animoy aso na basta-basta na lamang umiihi kung saan-saan, maging sa mga gilid ng bahay, sa poste ng meralco, basta kung saan gusto at maitago lang bahagya ang bototoy upang makaraos sa tawag ng kalikasan. Minsan masasabi kong kulang sa disiplina ang mga ganitong klase ng tao, dapat din nilang isipin ang kapakanan ng ibang tao lalo na yung may-ari ng pader o bahay na kanilang iniihian, dahil mangangamoy, papanghe ang paligid.
Sa tuwing nakakakita ako ng lalaking umiihi sa pader sa aming lugar ay sinisigawan ko ng, Hoy! Duwag humarap ka…. Duwag nga ang kupal, ayaw humarap, sasabayan na lang ng kuripas pagkatapos umihi.. siguro supot siya, ayaw niyang mabisto na nakasimagot pa lang ang kanyang uten. Kahit na meron ng karatula na nakapaskel na bawal ang umihi, sige pa rin, walang silang pakialam. Minsan yung kapit bahay ko ipininta nya ng pagkalaki-laking letra na “Aso lang ang pwedeng umihi dito”. Aba! Akalain mo ba naman na meron pa ring malakas ng loob na umihi, at nag astang Aso nga, itinaas ang isang paa habang umiihi.. nanadya talaga ang tarantadong adik.
Ang pagkaka alam ko, ay meron ng city ordinance na ipinatutupad sa kalakhang maynila, at marami rin akong nakikita na palikuran na nilagay at proyekto ng MMDA sa mga lansangan, ngunit maging ang mga proyektong ito ay sinasalaula rin kung minsan ng taong bayan, hindi man lang iniisip na kahit papaano ay malaking tulong din ito sa mga mamamayan, lalo na yung mga taong puno na ang pantog at ihing-ihi na, at kapag walang palikuran sa malapit, napipilitan na lang na umihi sa mga sulok o sa mga pader.
Meron tayong batas, meron tayong alituntunin na dapat sundin, meron tayong sapat na pag-iisip upang unawain ang mga simleng bagay na sa atin ay nais ipabatid. Ngunit palaging may kulang. Ang tanging kulang ay disiplina na dapat magsisilmula sa ating sarili.
38 comments:
"duwag...humarap ka!...siguro supot..." nice lines.
bumili ka ng malaking aso na tagabantay. utusan mong kumain ng hotdog.
sayonachi!!! haha... base muna bago basa! wahaha...
hehe... kulang o sadyang walang disiplina ang iba. hindi ba sa maynila meron nang nakatalaga na public cubicle kulay pink pa nga... hehe.
ngayon lang ako nakabasa nung isa... "mapanghe na dito. sa iba naman umihi.."
(kanina wala pang comment ah... bagal ko mag-basa.)
@ bossing nonesense, mahusay ang iyong panukala, hayaan mo at gagamitin ko yung aso kong pitbull, tuturuan kong kumain ng tender juicy hotdog. he he he
@ Taga bundok, bagal mo naman kasi, ayan tuloy second base ka lang, he he he.
Yun nga, kulay pink, peborit kolor daw yun ni chairman bayani.. mmm me duda ako ke chairmain.. bakit kaya kulay pink? (taka????)
madalas lang akong maihi kapag lasing... pero sa mga jeep lang naman na nakaparada sa madilim at yung walang aso.
second base na third base pa... wahaha!
@ tamang hinala, kaya pala marami din mapanghe na jeep, ikaw pala ang salarin. he he he
Haha natuwa ako sa sayonachi hehe' marunong din ako nyan... nyahahaha
samin mga lasing din lang naihi sa pader... di sa likod pala ng puno.. la kasi pader samin, puros gate tsaka daming aso.. hehehe
Buti alang tumatahol habang umiihi... jijijijiji... sa susunod buhusan mo na lang ng isang palanggang tubig habang umiihi sabay sabi "ah kala ko halaman lang" jijijijijiji
dapat siguro ang ilagat, "bawal umihin dito, may Bomba!"
:))
Haha... Sarap kaya nang feeling. Mga 5 years na siguro na di ko ginawa yan. Hehe...
sana kasi lagyan ng mga life-size na salamin ang mga pader na mahilig ihian para pag umihi sila, kita ng madla at mahiya hiya naman.
@ wait, Ang sayonachi ang makabagong self defence. he he he
@ gillboard, sabi nga ni Mr. Nonesense, turuan daw yung aso na kumain ng hotdog para matakot yung mga lasing na iihi sa pader.
@ xprosaic,mm good idea sabay mapasma.
@ Marco paolo, terorism na yung panukala mo kapatid, baka lusubin tayo ng bomb squad.. he he he
@ Tamang hinala, gusto maputulan ng uten? ha ha ha ha
@ Random, magastos ang balak mo kapatid. mabuti pa siguro ay gamitan ng pinturang reflectorized para aninag ang bototoy. di ba?
asar na asar ako sa mga umiihis sa pader, ayokong ayokong nakakaamoy ng mapanghi lalong lalo na sa mga daanan ng tao...
parang walang modo, sa totoo lang hindi naman na kailangan ng mga karatula, dugyot lang talaga ang ibang nilalalang... wag lang sila papahuli saken... pag huli ko sila iihi, puputol ko titi...
minsan kahit ihing ihi na ako bibihira akong umihi sa mga naninilaw na pader, kahit nga sa pink urinal ayoko din kasi mabaho. hindi bagay sa akin... ahahahaha...
sobra naman yung nasa larawan ang mahal ng bayad...
@ Livingstain, Isa ka palang berdugo. taga pugot ng Ulo.. he he he
@ Romeo, Tiisin mo na lang kahit magkasakit ka ng bato..Buti nga yan multang 5 libo lang, ke livingstain pugot ulo (sa baba) daw ang parusa. he he he
yan ang sakit nating mga pinoy...mahilig at gustong gusto ang mga bawal...kulang sa disiplina...
Masarap din kasi ang bawal mokong..
ikaw nasasarapan ka rin ba? he he he
nya ang panghi... sobra pa.. lalo na yung mga poste hay naku.. parang walang pinagaralan..
pero may story ako dyan, sa PGH may cr na maliit, ang baho. yung ale di na nakatiis, ang haba kasi ng pila ayun, umihi sa may parking lot, sa tapat ng pila namin. toinks..
ang sakit kaya sa puson.
Shea, siguro hindi na nakayanan ng ale, mainam na rin yun baka bumulwak pa sa salawal nya..
Masakit nga sa puson, kaya dapat na ilabas. teka! ang alin? he he he
Salamat sa pagdaan at komento.
hahaha. alkapon mabait ako sayo, kaya nice ang mga koment ko at di kita binabara. di tulad mo na lagi akong barado sa blog ko.
hakhak
ingats!
Nilalambing lang kita dencios, yun ang tinatawag na karinyo brutal.. he he he.
Alam ko naman na mabait ka at maunawain.. hayaan mo next time hindi ka na barado..bigyan ko ng konting pino. he he he
Lol! Sayonachi! Cool style ha.
sa ikauunlad ng bayan disiplina ang kailangan?
@ Rocky, the safest self defense karate style.
@ Darbs, yes pareng darbs, natumbok mo..
galing ng gimik mo ah...
Hoy! Duwag humarap ka….
eh di nga makaharp hahahaha...
pero sa totoo lang wala ngang urbanidad ang mga taong kung saan saan na lang umiihi...
Dyan lang ako matapang na humamon. kapag may lalaking umiihi sa pader.. he he he
Hindi rin siguro maiwasan minsan ng mga taong mahilig jumingle sa pader o kung san mang sulok...
...i dont know man, pero kung nasubukan mo ng umihi sa MMDA cubicle...holy shit. Gumuguhit sa lalamunin ang panghe!
UU nga, nasubukan ko rin yun.. kaya nga nabanggit ko sa post ko na ito na maging ang mga cubicle na palikuran ay sinasaula rin ng mga gumagamit, sa kabila ng itoy pinakikinabangan naman.
Ginagalit mo ako Kapon, iihian kita, tingnan ko lang kung maibigan mo, pweh..aywan ko ba naman sa mga kumpare nating ito...konting tago lang sa maliliit nilang uten, sisirit na ang napakapanghing tubig.
Sukang suka naman ako dahil isa sa sakit ni Kulisap ay ang allergy...ayaw niya ng sobrang bango at sobrang baho..nagkakasipon kaagad.
Kulang talaga sa disiplina at tamang paggabay. Walang lakas ang mga batas,may nagkalat na pink urinals eh baka akala nila pang girl ini..sus..naman..meron nga wala namang tubig na pambuhos..mapanghi pa rin.
Tama si Nonsense, dapat may asong nakabantay na kumakain ng small hotdogs
hehe. salamat sa pagdaan sa blog ko. :)
nakakatuwa na nakakalungkot ang post mo. kultura na kasi ang pinaguusapan, at nakakalungkot na naging bahagi na 'yan ng kultura natin. sarili mismo kasi ang kalaban. kung simpleng pag-ihi lamang sa tamang lugar ay hindi magawa ng karamihan, paano pa ang mas mabibigat na responsibilidad na hindi nalilimitahan sa sarili?
hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit nga ba may mga makukulit na umiihi sa hindi naman dapat ihian. anong ligaya ba ang dulot nito sa umiihi? mababawasan kaya ang 'kaligayahang' ito kung sa CR sila umihi?
wala lang.
@ kULISAP, naku! huwag, ubod pa naman ng panghe ang ihi mo, ilagay mo na lang sa baso ay ibigay mo ke Juan manuel Marquez umiinom ng ihi yun vitamina niya sa tuwing may laban sa sa boxing..
Tama ka dyan, dapat talagang may disiplina na magsisimula rin mismo sa sarili.,
Yun ngang aso kong Pitbull tinuruan ko ng kumain ng Hotdog para kapag meron pang maglakas loob na iihi sa gilid ng bahay namen, ipapalapa ko ang uten nya ng buong buo.. he he he
@ bipolarsisa, diko nga lubos maisip kung bakit naging bahagi ng kultura natin ang pag ihi sa mga pader o sa anumang sulok, kung bakit hindi man lang natin ito naituwid nung unang panahon.
tama ka dyan, my mga lalaki sa pamilya namin pero walang gustong humarap este umihi sa gilid ng daan at sa pader,kahit nung maliit pa yung anak kot namamasyal kami at sasabihing naiihi syat papaihiin ko sa gilid, umaayaw, sabi daw ng lola nya aso lang ang umiihi sa kalye... sabi ko good,my katwirang bata, tama ka anak dika aso...maliit ka pa,tuta ka palang.
Buwa ha ha ha...
ewan ko...diko na alam ang sasabihin ko sau..ha ha ha ha
matindi ka rin talaga.. pinasaya mo rin ang araw ko..ha ha ha
Kadiri nga yang mga yan minsan aagos pa ihi nila sa kalsada matatapakan pa ng mga tao. Sana mga babae na lang umiihi sa kalsada.
Post a Comment