Drive safely – Ito ang palaging paala-ala sa lahat para sa mga motorista habang nasa lansangan upang mabigyan babala na mag-ingat sa pagmamaneho, upang maiwasan ang mga posibleng madugong pangyayari habang tinatahak ang kalsada.
Malimit din kasi ang iba’t-ibang klase ng mga aksidente sa lansangan, sa mga iba’t ibang klase rin ng mga sasakyan. Sa mga pahayagan o dyaryo, palagi akong may nababasa na ganitong pangyayari, minsan nasa headline pa nga eh, siguro 4 sa 6 na pangunahing dyaryo ay may kalakip na article patungkol sa aksidente.
Bakit nga ba may mga ganitong insidente sa lansangan? …. Sa mga nakikita ko at sa aking kaalaman, mas nangingibabaw ang kakulangan sa kaalaman sa pagmamaneho at kawalan ng disiplina sa lansangan. Bagama’t wala ni isa ang may gustong maaksidente, hindi rin ito maiiwasan, kahit anong ingat din kung ang nakakasabay at nakakagitgitan ay risky kung mag drive, may posibilidad nga na may aksidenteng pangyayari.
Be defensive – Yan ang palagi kong ginagawa habang hawak ko ang manibela ng aking kotse, palagi kong sinusulyapan ang magkabilang side mirror at ang salamin sa harap para maaninag ang mga bumubuntot na sasakyan, at moderate lamang ako kung magpatakbo, katuwiran ko hindi baleng ma late sa opisina basta lamang makarating na walang sakuna. Meron din kasing mga tao na akala mo natatae pilit na hinahabol ang oras para makaabot at hindi maabutan ang pagbulwak ng ebak. Siguro likas na kaskasero at hindi kuntento kung mabagal ang pagpapatakbo, o baka gusto lamang magyabang. Hindi nakukuha sa kayabangan ang pagmamaneho, alalahanin natin na walang take-2 kapag ang sasakyan mo ay bumulagta.
Mayroon din pangyayari o dahilan ng aksidente ay nakainom o lasing ang nagmamaneho, lalo na yung nanggaling sa mga bahay aliwan, disco house, o videoke bar at inabot ng madaling araw, lalo na kapag sabado dahil walang pasok kinaumagahan. Kung ganito ang madalas mong ginagawa hindi nga malayo ang aksidente, dahil mahirap ang magmaneho na umiikot ang iyong mundo, tiyak duling pa ang iyong paningin o di kaya kusang titiklop ang talukap ang iyong mga mata.. kasunod na nun ay..lagapak!..salpok!
Hindi naman siguro tayo tanga o inutil para hindi natin maunawaan ang magiging kahinatnan kapag alam mo ng lasing ka na ay pipilitin mo pang magmaneho. Tatlong bagay lamang ang kahahantungan mo: yung naka paskel na larawan sa taas.
Baka nais mong magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagmamaneho, makakatulong sa iyo ang website na ito. drive safely
51 comments:
base!
napaka morbid naman yang sign na yan. pero totoo.
at my end, strict talaga ang DWI. Driving While Intoxicated. Kaya pag may party at may inuman, may designated driver talaga yan.
Darbs, siyempre yung designated driver hindi rin pwede uminom kapag may party.. juice na lang.
muntikan na akong mamatay dahil sa vehicular accident.
ang landi kase ng ex ko ayun muntikan na kameng kunin ni Bro. haha
haha! ok yung street sign ha...talagang pang in your face ang dating ng message para matakot ang mga drunk drivers.
uuyy, safe driver ka pala...that's cool! =)
btw, thanks for visiting my blog and your comment.
ngayon ko lang nakita ang signboard na yan.
hehe, medyo tame ang post mo ngayon...congrats. hehe.
@ Ferbert, katulad din yung nakita ko minsan, nung una dalawang ulo ng tao ang nakikita ko sa loob ng kotse, pero habang nagpapatakbo, nawala yung isa.. sigurado tulad din sayo yung nangyari.. he he he
@ Skippyheart, uu nga, sinadya talaga yan, pang reverse psychology sa mga driver na matitigas ang ulo.
yah! palagi akong defensive, and i'll make sure that i will drive safely anywhere i will go.
@ father fiel.. mahirap naman po kung puro kalokohan ang ipo-post ko, paminsan-minsan naman eh pang general patronage..he he he
Ibayong pag-iingat talaga ang kailangan kapag nagmamaneho ka, kasi sa konting pagkakamali lang maaring buhay ang kapalit..
kaya ako? never akong nagpatakbo ng matulin, never akong naging kaskasero, at never akong nagyabang sa pag drive, kasi... hindi naman ako marunong mag-drive.. nya ha ha ha
walastik ka tiyo paeng, akala ko pa naman seryoso ang pinagsasabi mo.. ha ha ha, naisan mo ako dun ah.
kung dito ba naman sa Manila ang sign na yan - ewan ko lang kung may mga car-related casualties pa tayo. :-)
@ lurico, tama ka dyan, hayaan mo at irerekomendo ko ito ke chairman Bayani Fernando ng MMDA, para mapalitan naman yung luma ng karatula nila na "Walang tawiran, nakakamatay".
sang-ayon ka ba?
beep! beep! may parking space pa ba?! hehe... TAMA YAN! ganyan dapat warning sign sa 'Pinas!
ayos, matinong driver ah... hehe! pa-angkas nga minsan. :)
nag roll over ako noon ng bonggang bongga sa interstate highway dito. traumatic na experience talaga. di ako nagdrive ng isang buwan. di ko kasalanan. kasalanan ng kape. i was running too fast din siguro. buti na lng bukol lang ang inabot ko hindi sa morgue or hostpital kasi nagseat belt ako..dapat talaga magseat belt parati. kaya para sa akin, tama lang yang sign na yan. takotin ang dapat takotin. hehe.
Ayos itong post mo na ito. Buhay ang puwedeng mai-save kung susunod sa tamang driving.
Ewan ko ba ang Pinoy sa drunk driving...parang sa paputok kung New year, hanggat di naputulan ng daliri di madadala. Tama yung sabi mo na walang tek-2 sa driving lalo na kung maaksidente na.
Tama ka defensive driving na Pinoy style, 25+ yirs ako sa driving dyan at yan ang sikreto para maging safe sa kalye.
@ taga bundok, dapat lang na magpakatino sa pag drive, kahit na loko-loko tayo sa ibang bagay pero pagdating sa driving kelangan always alert at matino para malayo sa aksidente.. di ba? parada ka lang dyan, marami pang bakante.
@ reesie,malaking tulong talaga ang seat bealt while driving para stay put lang sa kina uupuan.. kundi parang kang pitsa ng binggo na kinarambola sa loob ng kotse.
@ super lolo, magmamano po muna ako lolo.
sana po makakatulong ang post ko na ito sa mga reckless drivers na readers, kaya minsan tama lang na mag post ako ng me katuturan at hindi lang puro kalokohan.. di ba lolo?
Dont drink and drive. Its not that hard to understand. Ewan ko ba bakit may ibang matitigas talaga ang bungo.
sa mga nagsasabing: 'mas alisto nga ako pag nakainom eh'..tangina mo. wala kang alam sa munod.
di ako galit, natatae lang.
@ Ape, ibang klase ka pa la kung natatae, nagmumura. he he he
mabuti pa i click mo yung older post sa ibaba, me post ako dun about yung position ng mga natatae. magugustuhan mo, tiyak yun.
Dapat ganun ang lahat ng warning sign sa lahat ng kalsada dito sa pinas. Hehehe :D
ahahaha nakakawindang ang sign board! alin nga ang pipiliin mo dyang puntahan? hihihi
korek..isang pagkakamali lang sa pagmamaneho eh hindi mo alam ag magiging epekto...drive safely use condom!
hhmm, i dont drive. takot ako at kabado. naalala ko nung nag-aaral pa kong magdrive, nahilo ako sa sarili kong pagmamaneho. hahha
mabuti naman kung ganun. mabait ka naman pala na may pagka-pilyo kaya di kita sesermunan. hehe.
di ako marunong magdrive. di rin ako nag-aral. kasi noong nasa qc ako at nagsa-sideline sa abscbn, me driver ako kaya kampante na akong di matuto na magdrive. siguro soooooon magpapractice din ako...
' you said it right, kakulangan sa kaalaman at kawalan talaga ng disiplina.. here in the Philippines, especially in MM, kung di pollution papatay sa yo, madadali buhay mo sa mga driver na tanga o malalaki ang ulo.
- masama pa nyan, you drive responsibly pero dahil ang mga kasama mo sa kalsada ay hinde, your life hangs by a thread nonetheless..
i'll be back mr kapon... aaawww... kaya pala tuli ang nabasa ko dito before...
gandang umaga...
Alam mo ito ang kinakatakutan kong matutunan--ang pagda-drive. Feeling ko kasi pag natuto ako sobrang kaskasera ako. Wahahaha..
Pero totoo ang sinabi mo. Mas maganda nang ma-late sa pagpasok kesa makasalubong ang sakuna. Walang take 2!
Ang tatay ko nakarami ng aksidente noong mga unang beses syang nag-drive ng taxi. Nagda-drive kasi ng antok o kaya tulog. Pero nung natutunan na nya ang leksyon nya ay hindi na ulit nangyari yun at sinisigurado nyang nasa maganda syang kundisyon bago magmaneho.
Bilib ako sa mga lalaking "swabe" kung mag-drive. Parang ang sarap laging sakyan.. nung kotseng minamaneho nila.
ako walang problema sa driving ko...misis ko kasi driver ko :)
Nakakalungkot isipin na may mga taong naaksidente at namamatay dahil lang sa kapabayaan, kawalang-pag-iingat, at kung minsan naman ay kawalan ng disiplina. Life is so precious para lang masayang.
Sana nga ay lalong dumami pa ang maging maingat sa kalsada.
Maraming salamat sa pagdalaw sa blog ko.
alam mo ang hirap--kahit ganu ka kaingat minsan kung yung iba nga ang kaskasero--- sa Pinas kasi kahit sino pwede magmaneho---kahi yung mga mentally incapacitated. honestly, marami nakong nakitang driver ng dyip na di dapat pasado mag-drive. sigh
@ Jehzeel, nais ko nga iparating ito ke Chairman Bayani, para subukan ng experimento na ito kung uubra.
@ Pokwang.. ano naman ang kinalaman ng condom sa driving?..he he he
@ Chyng, dapat ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo sa driving, malaking advantage kasi ito sa ating lahat basta palaging maingat lang.
@ Father Fiel,kaya nga po medyo bumabawi para hindi mo ako sesermunan.. mabait naman po ako, lalo pag tulog.. at saka harmless naman po ako.. he he he
@ the last Jedi, tama ka dyan, tulad nga ng sabi ko na kahit anong ingat minsan kung mga tarantado naman yung nakakasabay mo sa kalsada at risky pa, naku! medyo delikado rin.. kaya dapat laging defensive.
@ living stain, palaging maganda ang umaga pag nandyan ka...kaya be always present..
@ emilayskie,
"Bilib ako sa mga lalaking "swabe" kung mag-drive. Parang ang sarap laging sakyan.. nung kotseng minamaneho nila."
Ehem! ayos itong sinabi mo ah..swabe akong mag drive, at saka masarap akong sakyan at sumakay..sa aking kotse...
at saka Hinete rin ako... ng kalase. nye! he he he
@ Mr. Nonesense, Nasa mabuting kamay ka pala bossing. me misis ka na, me driver ka pa. ha ha ha
@ Nortehanon, gusto ko yung sinabi mong "life is so precious".. tama ka dyan.. kaya dapat ingatan ang buhay dahil minsan lang yan.
@ Pusang gala, yan ang madalas kong napapansin dito sa kalakhang maynila, maraming tarantado na jeepney driver, sila ang dapat na masampulan para magtanda.
hindi ako marunong mag drive kasi wala naman akong sasakyan e. kaya pwedeng pwede ako maglasing kapag bumibyahe hehe
@ Abou, delikado rin ang bumibiyaheng lasing baka sa ibang bahay ka mauwi.
natawa ako ke boss darbs at bume-base! hahahaha
ayoko magmaneho mas maganda ikaw ang sinasakyan tas nasa ibabaw mo sya tas taas baba.
teka parang mali ata comment ko
hahahahahahah!
alkapon am baboy mo sa shoot muna tas dribol. hahahahaha
wala ako alam jan bata pa ko. lols
@ Dencios,tulad sin sau walang basagan ng trip, eh trip ni pareng dards na mag base eh.
ibang sasakyan ang sinasabi mo eh, mahilig ka rin sigurong pumailalim, at saka tingin ko sau magaling ka sa sisid marino at boracha con lababo. buwa ha ha ha
Yun lang kasi ang alam ko sa basketball, i syut ko muna bago dribol.. anak ng pating, tama nga ang sabi ni father fiel, pareho ag takbo ng utak natin. ha ha ha
@ Alkapon
panigurado ser. kasalukuyan ko ng binabrwse older posts mo...
salamat! ipagpatuloy mo lang ang paghahasik ng ligaya sa sambayanang Pilipino.
@ Alkapon
kasalukuyan ko ng binabasa ang iyong mga lumang posts ser!
@ Ape rockStar, sige lang just go ahead. magsawa ka sa pag babasa.
salamat sa iyong pagdalaw at papuri sa mga kabulastugang pinagsusulat ko..he he he
hayaan mo ipagpapatuloy ko ang paghahasik ng kakaibang ligaya, para sa sambayang supot..ehek! pilipino pala.
alkapon,
di lang tayo pareho ng iniisp sama natin si tyo paeng at kung makikilala mo si lee mas ok yun! hahaha
natawa ako sa mga brotcha brotcha na yan,
ayoko na palawakin pa at baka mawalan na ako ng respeto sa sarili ko
hahahahah
@ Dencios, hindi naman gaanong aktibo si tiyo paeng sa site nya pero halatang kolokoy din yun. pamagat pa lang ng site nyang kantatero alm ko na ang takbo ng isip nya..
Sino si lee? anong site nya? imbitahan mo d2 para makilala ko.
Disiplina ang kailangan diyan tsong.
Bukod sa mga taong gustong laging nauuna sa lansangan, medyo hindi kagandahan at kalawakan ang ating daan. Hinaharangan pa ng kung anu-ano at isama pa ang mga tauhan ng ating gobyerno, hindi ko alam kong nagtatrapik o sila ang dahilan ng pagtatrapik.
Naungusan na tayo ng mga karatig bansa pagdating sa mga bagay na ito na kung tutuusin ay tayo ang kanilang naging modelo noong panahong papaangat pa lamang sila.
Buti na lang, iba-iba ang driver ko araw-araw, iba-ibang sasakyan pa.
kulisap, you are Absolutely right, sabi nga ng kasabihan, sa ikakaunlad ng bayan disiplina ang kelangan.
marami na rin akong karanasan sa mga nagtratrapikong Lespu sa lansangan, akala mo inaayos talaga ang trapiko pero ang nasa isip pala ay mangongotong.. malayo na nga ang asenso ng karatig bansa, paano kasi talamak ang korapsiyon lalo na sa kasalukuyang gobyerno..
Ang yaman mo pala, paiba-iba ka pa ng driver at iba-ibang sasakyan.
Siguro, nag co-commute ka lang.. bwe hehehehe.. akala mo hindi ko getz ha?.. wise ini tsong..
Mas mainam magcomute bakit ika mo..pag nadisgrasya ako, hindi lang ako...marami kami..aba hindi ako selfish..pero pag nakasalubong kami ng grasya..hindi pa rin ako selfish..
Sa totoo lang palagay ko bago pa ako matutong magdrive..patay na ako dahil sa takot na baka makabangga ako.
tsk, marami nakong napuntahang lugar na marami talagang ogag na drivers,pero dito sa china matindi, bukod sa amoy alak na, naninigarilyo pa sa loob ng sasakyan at dala dalawa pa sinasagot na celphone, kulang nalang paa ipanghawak ng manibela, pero walang batas dito na nagbabawal sa mga naturang masamang gawain ng mga drivers dito.
Nasa China ka pala, akala ko d2 ka rin sa pinas..
totoo bang maraming Instik dyan? mga intsik beho tulo laway? he he he
how can i watch tv on my computer , watch live tv on your computer , watch tv on a computer , watch tv on your computer , watching tv on the computer , how to watch tv on your computer , how to watch tv on my computer
The software has an intelligent user interface that makes it a breeze to use to search and find TV shows to watch. Once you watched it, click to save the TV channel so that you can come back another day to watch. The whole process is as hassle-free as it can get.
Will I need extra hardware or a TV card?No you will not need any extra hardware. All that you need to do is download the software and make sure your computer meets the minimum system requirements.
Cheap Cost - Satellite TV on the computer is becoming very popular because of one thing: it's cheap. For a one-time installation, you can enjoy all the programs in the world without having to pay a monthly fee. This is one great reason to stop subscribing to cable and to start using a newer and more viable solution. Can you watch TV on Computer? If you want to enjoy and save money, you will.
watch tv on a computer
how to watch tv on computer
Post a Comment