10/16/2009

Antokin ka ba?

Maraming umiinom ng mga energy drink upang palaging buhay ang mga ugat sa buong maghapon, lalo na yung madalas dalawin ng antok. Meron kasing ganun eh, mga taong antokin, lalo na yung matataba at palaging busog, (pasintabi po sa mga biik dyan).

Madalas napapagalitan ka ng iyong nanay dahil pagkatapos mong kumain diretso agad sa kama para matulog, ni hindi pa nakapag sipilyo at nilinis ang maitim na gilagid matutulog na agad dahil inaantok na raw siya. Pero ingat lang kung me ganun kang ugali, baka ikaw eh mabangugot, uso pa naman ngayon yan. he he he

Maski na sa mga opisina o sa mga trabaho minsan lalo na pag hapon nakakantok, kaya madalas ninanamnam ang siyesta sa opis teybol sabay hagok ng malakas na parang andar ng barko at daig pa ang baboy kung umugok. May mga istilo rin na nakatayo na nakasalpak ang dark glass sa mga mata na animo’y nakatingin sa malayo, pero tulog pala. Mahirap talagang pigilan ang antok kahit saang sulok basta bagsak ang iyong talukap, tiyak ikaw ay maghihikab.



May mga pangyayari rin na habang nakaupo sa trono ng kalikasan, kasabay ng pag ere para iluwal ng tumbong na nilamon at nilamog ng bituka sa buong maghapon. Ayun! inabot ng antok sa kasarapan ng pagbabawas, bumigay at nakalimutan ng hinugasan ang nakalawit pang ipot sa pwet. Dapat walang ganun, ‘ika nga eh, “you should remain seated during the entire performance”.

Pero meron din yung mga tao na hindi madaling dalawin ng antok, lalo na yung mga may taglay na sakit na insomnia, mga sleepless at palaging napupuyat dahil hindi malaman kung papaano hugutin ang antok para makatulog. Me advise ng albularyo dyan, ipikit mo lang ang talukap ng iyong mga mata sabay mag-imagine na nagbibilang ka ng tumatalon na tupa papunta sa kabilang bakod, at bago makaabot daw ng isang-daan, masarap na ang iyong hilik.

Meron pang isang solusyon, ito’y payo naman ng mga lasenggo, lumaklak ng isang bote ng alak, kahit na gin, shoktong, o kahit na tuba basta may tama at medyo high ka na, basta huwag lang suka, madaling makuha ang antok, mabisa pa na panlaban sa lamok hindi na kakailanganin pa ang kulambo.

Pero sa akin, siyempre me konting sosyal, Red horse beer… Me tsupon pa yan!!!

66 comments:

dencios said...

hahaha. cute ng mga bata.

nako ako pag busog e nagpapakundisyon muna bago matulog o magtrabaho ulit lalo kung busog talaga.

saka di ako inaantok kapag kumain, ewan ko ba. hehe

Chyng said...

antokness! bawal yan sa pag anjan ang mga boss,pero pag wala sila, pwede naman matulog sa office! :D

Chyng said...

what's your name? add kita sa blogroll ko? drop by my cbox. :D

AL Kapawn said...

@ Dencios.. baka base ka ngayon ah. ang bilis mo kakapost ko lang. me 100 points ka.

style mo pala me orasyon muna bago matulog. basta wag ka lang masyadong magpapaka bundat. he he he

AL Kapawn said...

@ chyng. huwag patulog tulog sa opisina baka masisante ka sa trabaho, hirap pa naman ang buhay ngayon.

dalaw ulit ako sa site tapos ibubulong ko sayo ang real name ko.. pero wag mo ipagsasabi ha? kasi nakakahiya na Alberto Kapon ang tunay kong pangalan.. he he he

Tiyo paeng said...

Antokin din ako, madalas nga sa hapon mga bandang alas 2 until 3 pm, diko mapigilan ang mapapasubsob sa harapan ng computer ko.. pero ang ginagawa ko hitit muna ng yosi sa labas para tanggal antok.

AL Kapawn said...

@ tiyo paeng, sunog baga ka rin pala. he he he

Janna said...

an cu-cute ang mga bata sa picture..

nalala ko tuloy yung mga pamangkin ko sa canada, puro antukin din.. na mimiss ko na tuloy sila.

AL Kapawn said...

janna, para hindi mo sila ma miss.. gawa tayo ng sarili nating baby.. he he he,
laRO tayo bahay-bahayan.. ako tatay tapos ikaw naman ang nanay..

Janna said...

Tse! maglaro ka mag isa mo.. hi hi hi

'yoko nga. laro na lang ako ng sungka.

gillboard said...

ang isang payo sa akin para madali akong antukin.

maglock ng pinto, at magbayo ng bigas... hehehe

sensya na ha, lasing... pero di pa inaantok.

AL Kapawn said...

@ gillboard, ano naman ang kinalaman ng bigas?

baka iba ang binabayo mo. he he he

Macky said...

aahhhmmmm... inaantok na ako, bukas na ako mag comment.

husay ng post mo na ito ah.. me napulot din aral kahit papaano.. kelangan palang magbilang ng tupa..

gagawin ko yan.. kambing naman ang bibilangin ko.

AL Kapawn said...

macky, akala ko ba inaantok ka? itulog mo na yan..

ops! dun ka sa bahay nyo, hindi sa bahay ng kumare mo..

Reesie said...

hahah. grabeh ang dami mong nakakatawang pictures!

nakakawala ng antok tong blog mo.

felmar fiel said...

naku, nakita ko si dencio. nakipagkulitan na rin sa kanyang kapatid na si alkapon! best buddies talaga kayong dalawa!

felmar fiel said...

nakakagising lagi ang music sa blog mo. nobody, nobody but you....!!!

napasayaw tuloy ako!

felmar fiel said...

al, anak mo ba yang may red horse na dala?

escape said...

hahaha... there's not one day that im not sleepy in the office. i always lack sleep.

thanks for dropping by eskapo!

uragon said...

Nakakatuwa naman ang mga post mo....

May ipinayo sa akin yung kaibigan kong nasa mental ngayon...

... patakan mo daw ng kalamansi ang mata mo para di ka makatulog pag nasa office ka...

uragon said...

sya nga pa kapatid na Alberto Kaponday.... baka naman pd mo ako ma add sa listahan mo ng mga tolonggis.

taga-bundok / daneru said...

haha^^ naala-ala ko pa nung bata ako... kahit sa harap ng hapag nakakatulog, bagsak ang mukha sa pinggan na puno pa ang kanin at ulam.

pero baliktad na ngayon, isang oras na tulog... haha^^ laging puyat, pasaway na insomia.

ayos sa mga entry... dakilang propeta, al-kapon! haha^^

maldito said...

ahahahhaa....ang kuleet....anak mo ba yung panghuli? sabihan mo lang pag wala siyang katagay..sasamahan ko siya.ahahaha

Anonymous said...

gusto ko ung pic na may red horse...hehe. 12-1pm holy hour namin yan sa opis dati...respect the sleepers...siyesta time.Pinoy na Pinoy itong mong post mo.

Anonymous said...

wow.. antukin ako eh. lalo na pag kakakain lang.. hehehe..

pero 5mins nap lang okay na ako ulit. buhay ang dugo ulit..

salamat sa pagdaan sa kubo ko... add kita ha? thanks...

K.noizki said...

If you're in Japan yung mga tao may dala dalang "head-holder" para pagnatutulog sila sa train di gagalaw ang ulo mo.

Like this.

Thanks for the visit.

EngrMoks said...

Pare kakatuwa yung last photo yung natutulog na bata na may kayakap na RHB...mukhang pinagtripan ng tatay yung anak nya ah, hehehe

AL Kapawn said...

@ Ressie, natitisod ko lang yan kung saan-saan...he he he. bawal kasi ang antukin dito lalo na yung may-anghit.. ha ha ha

@ Father Fiel,uu nga po, tsokaran ko na si dencios, kaututang dila ko na, tama ang sabi mo..kolokoy din pala..he he he..

Diko po anak yan..anak po yan ng nanay nya. ha ha ha

gustong-gusto ko rin ang kanta na ito kya ito ang napili ko.

AL Kapawn said...

@ Uragon, kaya pala nasa mental na yung kaibigan mo nasiraan na pala ang ulo.. ang kalamansi pinapatak sa puwet hindi sa mata.. gamot sa almoranas yun.

hayaan mo parekoy, isasama kita sa blogroll ko para mabilis ang daloy ng trapiko papunta sa bahay mo.

@ taga bundok,kung nagkataon na munggong may sabay tapos mainit pa, eh tiyak lapnos ang iyong mukha.. ha ha ha ha

AL Kapawn said...

@ maldito.. kasing kulit mo rin.. he he he... tayo na lang mag inuman hanggang tayong dalawa ay gagapang.. ha ha ha

@ super lolo, yan po ang bagong uso na mamador..punong-puno ng protina at vitamina para mabilis tumangkad at lumaki.. he he he

AL Kapawn said...

@ shynyrd, salamat din sa pagdaan at komento.. add din kita.

@ K.noizky.. totoo bang maraming hapon dyan sa japan? curious lang ako.

@ Mokong, siya yung youngest model ng redhorse..he he he

walongbote said...

haha.. pasaway naman.. natatawa ako dun sa batang natutulog kasama ng redhorse.. PAINUMINMOKO talaga.. hehe..

AL Kapawn said...

@ walong bote, hindi matutulog yan kung walang red horse na kayakap. he he he

p0kw4ng said...

may time na antukin ako may time na naman hindi ako makatulog kahit pagod...

ahihihi ang cute ng mga baby!

AL Kapawn said...

@ Pokwang, kasing cute mo rin..
pero mas cute ka kung magpa-kalbo ka na lang. promise

Joel CJ Senico Aba said...

How cute... I wonder how that kid reacts if she sees that photo soon.

Ayyway... care to exchange links? Holla at my page...

AL Kapawn said...

@ Joel, sure i will add you and visit also ur site. thnks 4 dropping by.

wait said...

cute babies... naku antokin ako' i mean masandal tulog... hehehe

AL Kapawn said...

@ wait... wait ka lang muna dyan tulog muna ako... nggoorrrrkk! bbzzzzz!

darbs said...

siyesta! naalala ko tuloy sa pinas noon. pinipilit talagang matulog pag tanghali.

ung inaantok after makakain may sa ahas ata yan. dahil ung ahas after makakain, ilang buwan din daw na maghihilik na lang.

may solusyon din pala doon sa insomniac besides sa suggestion ng albularyo, dapat mag exercise - jogging, brisk walking at of course back to eating healthy food and avoiding caffeine.

O yan, nakisawsaw na naman.

Kelvin Servigon said...

Ahahaha, grabe ung mga pics, LOL!

MIMING said...

OMG.. nakakahiyang aminin..pero OO antukin ako. hahahaha..:))) nakakatuwa naman ng mga pics na shinare mo. ahahaha.. ang cute2x ng mga bata. hahahaha..:))

take care..
xoxo, MIMING

P.S. please support me on jynxedpanda's contest @ http://jynxedpanda.com... hahaha.. thank u..:D

wait said...

naku tinulugan ako ,,... nyahahahha

AL Kapawn said...

@ darbs, tama ka dyan regular exercise and of course diet para laging buhay ang dugo.

@ kelvin, sample pa lang yan, marami pang mas matindi dyan. abangan mo lang.. dito lang yan sa alkapon site. ha ha ha

AL Kapawn said...

@ Miming, yes i will..asahan mo ang supporta ko...teka, magkano bayad ko dyan? he he he

@ wait, sensiya na antukin din kasi ako..he he he

kenneth said...

ang cute ng mga nasa pics. btw form malabon ka pala akod in ee

AL Kapawn said...

@ kasing cute din ng nanay..

sa potrero ako, lapit sa mabababang paaralan.. kaya mababa dahil binabaha.

kung napapansin mo dun yung bahay na bagong gawa na maganda, na mala palasyo, na ginastusan ng ilang milyon para matapos, at saka may swimming pool sa loob na maraming kotse sa loob ng compound....hindi yun ang bahay ko.

malayo pa dun. he he he

valerie said...

alkapon ♥
ang cool naman ng site mo and i love the pic nung bata may katabing bote ng redhorse ang cuteeeee ♥
musta??? oi salamat sa pagdalaw sa site ko ha! ♥ ♥ exchange links tayo ♥ ♥

AL Kapawn said...

@ Valerie,..teka ikaw ba si valerie concepcion? na pinsan ni gabby concepcion na pamangkin ni aling sion? he he he

sige exchange gift tayo sa pasko?.. ah links ba? uu ba..

pusangkalye said...

alkapon ---pusa ko lang nakitra ko e---hehe

usually naman kasi ang mga pusa ay di naliligaw--mga amo nila ang usally naliligaw.lol

pusangkalye said...

ay---yung bata sa 3rd pic di sya inantok---nalasing lang talaga--lol

Alkapon said...

@ pusang gala, i add kita sa blog roll ko ha, para madali kang hanapi kung ikaw ay nag gagala.. pero ingat ka, baka gawin kng pulutan ng mga intsik.. gustong gusto nila ng exotic food.

eMPi said...

Naaliw ako sa pictures ng mga bata... cute! hehehehe

Pamela said...

hahaha. panalo yung pictures. anyway, salamat sa pagbisita sa blogsite ko. add kita sa blog roll ko. sana i-add mo din ako.. salamat ng marami! ^_^

John Ahmer said...

dito ulet...

happy horse ba yang red horse? hehe

Random Student said...

bakit nga ba may popular info na antukin ang mga matataba?

AL Kapawn said...

@ MarcoPaolo, mas maaliw ka pag nakita mo nanay nya.. he he he

@ Pamie, sige add din kita sa blogroll ko,thanks for the compliment.

@Wait, dito ka ulet? buti 'di ako inaantok ngayon... next time inuman tayo.. ako taya..pero sau ang pulutan.. hek hek hek

AL Kapawn said...

@ Random, kasi marami silang mantika sa katawan, at madaling lumapot ang dugo sa katawan.

parang mantika rin na nasa botelya, pag nalamigan naninigas sa loob..di ba?

sau ano ba ang naniniga? esep-esep.

RedLan said...

Meron ako picture ng bestfriend ko nakaupo siya na nakatulog sa office. ako naranasan ko na nakatulog habang nagsa-chat. lol. Masama talaga matulog pagkatpos kumain.

AL Kapawn said...

@ missing, baka inaabot ka ng madaling araw sa kaka-chat.. 'di ka kaya addict sa chat? lol.

mas masama ang matulog na hindi pa kumakain, magwawala ang mga alaga mong bulate. he he he

Mumu said...

lols kita ko tong mga bata na to sa oddee dat kom.

alkapon said...

honga!

reyna elena said...

hahahaha langya ka grabe ang impluwensya mo dun sa bata with red horse! hehe

AL Kapawn said...

@ reyna Elena, napag tripan siguro ng tatay nya na nilagyan ng red horse habang natutulog..

salamat nga pala sa pagdalaw.. karangalan para sa akin ang iyong pag bisita.

Lee said...

ang cu cute ng mga bata, cute-tang ina ng mga yan for sure.
ako?naaah di ako antuken, lalo pat nakainom lalong di ako maantok, inaantok lang ako pag nasa church at sa work ssssshhhhhh atin atin lang.

AL Kapawn said...

namputsa lee, matindi ka talaga.. bakit nga ba ngayon lang tayo nagka kilala..

hahalukayin ko rin ang mga post mo.. ha ha ha