12/14/2009

Talipandas

Ginulo mo ang dating tahimik kong buhay, nagpumilit kang pumasok sa aking puso bagama’t hindi lingid sa iyong kaalaman na ito’y matagal ng sarado, winasak mo ang seradurang bakal na naka angkla upang ika’y maka pasok sa masikip na ugat na daluyan ng dugo patungo sa pumipintig kong puso, at nang iyong naabot ay pilit mo itong inangkin sa kabila ng lahat na matagal mo ng alam na ang puso kong ito ay nakatali na sa babaeng hinatid ko sa dambana.

Ngunit, dapatwa’t, subalit, pota ka, pinagsamantalahan mo ang aking kahinaan , pilit mong kinamkam ang matagal ng pag-aari ng iba, daig mo pa ang mga land grabber na walang habas na kinalbo ang kabundukan, mas masahol ka pa sa mga pulitikong kupal na ganid at sakim sa kapangyarihan, kabilang ka rin yata sa mga angkan ng ampatuan. Ang mga panahon ko na dapat na ilaan sa aking sariling pamilya ay iyo na ring pinanghawakan, kahati ka na rin sa bawat minuto kahit hindi dapat nakalaan para sa iyo, mas madalas na ngang ikaw pa ang lagi kong nakakasama sa bawat araw na nagdaan sa aking buhay, … punyeta! ang tagal ko ring naging tanga, kay tagal ding panahon na nagpaka alipin sa buwisit na bawal na pag-ibig, kung bakit naman kasi, kung ano yung bawal ay siya pang masarap gawin. Tangenang buset kang talipandas ka, ako’y iyong naging alipin magmula nung iyong pinalasap ang umaagos mong lawa mula sa taluktok ng kambal na bundok, ang dalawa mong siopao na pinapalamanan ko ng tender juicy hotdog.

Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw sa husay mo sa kama, sa husay mong sumupsop ng lollipop na dati’y apat at kalahating pulgada lamang ang haba, ngunit ngayon halos umabot na sa anim na pulgada, limas ang sabaw ng dalawang balut na ngayon tila naging penoy na, ang bawat halinghing at makaputol hiningang ungol ang siyang nagsadlak sa akin sa kadiliman na ngayon ako’y gumagapang at naghahanap ng liwanag upang makalabas para makatakas sa kasalanang bunga ng aking kahinaan.

Ngunit ganun pa man, pinanindigan ko ang aking pagkakamali, inihaon kita mula sa putik kung saan ka nalublob noon, binihisan at inayos ko ang gusot-gusot mong buhay, bawat patak ng iyong luha ay aking sinalok, ang iyong mga hinagpis ay aking binigyang pag-asa, ang dating maanghang at maantot mong amoy ay naglaho na dahil binudburan ko ng pabango, pati singit mo ay pinulbohan ko ng johnsons baby powder, na dati ay mukha ka lamang losyang, ngunit ngayon always looks Young. Halos maubos ang laman ng bulsa ko sa kagustuhan kong makamtan mo rin ang kaginhawaan dahil sa awa ko sa iyo noon, bagama’t nasisilip ko na noon na bilmoko ka punyeta kang talipandas ka, patuloy pa rin akong naging tanga. Lahat na yata ng mamahaling alahas ay nabili ko na para sa ‘yo, tinggil mo na lang yata ang walang hikaw.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako nung nakita kitang nakikipaglandian sa isa ring gago na may mas mataas na katungkulan kesa sa akin, hindi ko mawari kung ako ba’y nagagalak o nanghihinayang, tila nag pupuyos ang aking damdamin sa poot, ngunit napag isip-isip ko, marahil ito na ang tamang pagkakataon para matakasan ko ang multo na ako rin ang may gawa, sa iyo na lahat ang iyong mga nahuthot, maliit na bagay lamang yan para sa akin, hindi ko pinanghihinayangan, pwede ko pang maibalik muli kahit sa sandaling panahon lamang, ang higit na mahalaga sa akin ngayon ay maituwid ko na ang aking pagkakamali, iiwanan ang dating daan na aking tinahak noon at ngayon baybayin ang daan ng pagbabago patungo sa kaliwanagan, kaalinsunod ang pagdating ng bagong taon.

At para sa iyo buset kang kinakalyo na ng tinggil,....sana maramdaman mo rin ang lupet na ipinamalas mo, maihian nawa ng aso ang makapal mong pagmumukha habang ikaw ay nakahiga. Tangena kang talipandas ka.



49 comments:

Arvin U. de la Peña said...

talagang ang mga ganun na babae ay magaling talaga sila sa kama..manlulupaypay ka talaga kasi may kapalit naman iyan..hehe...........ganun pa man ay hindi mo masyadong masisisi ang mga ganyan na babae dahil katulad din ng ibang lalaki ay naghahanap din ng ibang babae..baka naman ayaw na sa iyo kaya nakipaglandian sa ibang lalaki..masakit nga iyon..pero dapat mong tanggapin na bawal na relasyon ang nangyari sa inyong dalawa..isa pa may nag mamay ari na ng puso mo kaya dapat mo ring isipin ang nagmamay ari ng puso mo..pero talagang mahirap tanggihan kapag libog na ang pinag uusapan para sa isang tao..bahala ng magkasala basta masaya lang na nakakaraos..hehe..

Lee said...

puchang inakay oo...
dahan dahan pako pag scroll down para kako surprise yung punchline....
ala naman palang punchline!
K lang yan, dina pinagaaksayahan ng panahon ang mga ganyang tao,
buti nga at dika na nahirapang kumalas pa,sya na ang umuna.

Jepoy said...

Wait lang bago ako mag comment. Phone in question lang:

Anu ang Talipandas?! LOL Pre 'di ko alam 'yun. LOL

Bitter na Bitter ang laman nito. Isipin mo nalang na ito na ang panahon para mag concentrate ka kay kumander at sa mga kids mo. Tama na ang kalandian hindi ka na binata, Kiki ka!

Pangalawa, Kamusta ang Japan trip mo? Baket wala akong tsokolate? Nakahanap ka ba ng bagong Talipandas doon?! LOL

Meri Krismas sa iyo at sa iyong pamilya bossing :-D

blurosebluguy said...

waaah..palagay ko nga its time to let go!...di nman karapatdapat i-treasure!....

Jag said...

Malande ka men! heheheh...baka narealyze nung kiki na mali ang mkpgrelasyon sa lalakeng nakatali n kya naghahanap ng iba?

Alkapon said...

@ Arvin, Tama ka parekoy, libog lang yan.. alam ko dyan ka magaling at matindi na rin ang experience mo pagdating sa kalibugan.. he he he

Alkapon said...

@ Lee, nawili ka na yata sa mga banat kong me punchline pagdating sa dulo, he he he..

at this time, medyo seryosong bagay ito, medyo mahapdi at me kirot, ngunit alam kong lilipas din ang lahat..

glentot said...

Totoo ba ito o punchline yung pic? Tingin ko may halong katotohanan ito.
Ganti-gantihan lang yan! Gawin mo rin! Nyahahaha... Merru Christmas!

Alkapon said...

@ Jepoy, Talipandas, ay malalim na salita na ibig sabihin ay mas masahol pa sa malanding baboy..este! ekskyus mi, nakalimutan kong bumusina.. he he he

salamat sa payo kapatid, siguro nga napapanahon ngayong pasko na ituwid ang pagkakamaling aking nagawa, ituring ko na lamang isang bangungot ng nakaraan.

successful naman ang japan trip, nakain ko rin lahat ang gusto kong kainin. huwag kang mag alala kaibigan kasama ka sa mga reregaluhan ko ngayong pasko...

surprise.... he he he he

Alkapon said...

@ Bluerose, gusto ko yung sinabi mong treassure... isa nga siyang treassure na dapat lang ibaon na ng tuluyan. ha ha ha ha

Alkapon said...

@ Jag, baka mas malaki ang titi kamo. o baka gusto rin makatikim ng iba putaheng sinalingkuwang na talong. ha ha ha ha

Alkapon said...

@ Glentot, ako'y nagsasabi ng katotohanan at pawang katotothanan lamang, so help me God.

Reesie said...

aw, pa-akap nlng alkapon..pareho pala tayong may dinadalang mabigat. hehe.

kagaya ni lee, akala ko rin may punchline sa huli. talaga palang emote post ito.

sana maging okay ang lahat. humanap ka ng iba na hindi talipandas at hndi malandi. hehe.

chubskulit said...

Graveh na ang usapan dito heheh..

Alkapon said...

@ Reesie, o sige magyakapan na lang tayo, pero mas mabigat yata ang dinadala ko, he he he.

ayaw ko na.. tama na yun.. pero..kung kagaya mo hindi baleng muli akong madapa.. ha ha ha ha

@ Chubs, hindi naman ganung ka graveh, medyo mild pa nga yan..

superlolongpinoy said...

Hayy Al...puwede ba malaman ang CP niya...nais ko ring makaranas ng iyong naranasan kahit sandali lang...hehe jok lang...baka pumalya na ang karborador ni Lolo sa iyong bedfren...hayy miss ko Pinas kong sinilangan...ka galeng...ka lungkot.

Alkapon said...

Siguruhin mo lang na lumaklak ka muna ng sangkaterbang viara bago mo siya hamunin, baka hindi lang papalya ang karburador mo kundi mawawarak pati ang buong makina mo sa over heat lolo.. he he he he

lababo said...

Cheers! tagay para sa pagkakauntog mo. Nakakarelate ako. Masakit mauntog, pero sa kalaunan, maiisip mo na tama lang naman talaga.
Napakaarte ni alkapon! Landi eh! haha.
Seryoso, okay yan!

Chingoy said...

anak ng potah... inuman na lang!

Lord CM said...

Dapat sa susunod ung kukunin mo eh ung ikaw ang gagastusan para naman kahit bawal at masarap eh masaya ka :D

I am Xprosaic said...

Ahahahahhahahahha... ayos ah parang banat lang ng isang bitter... jijijijiji...

♥superjaid♥ said...

yaan mo na yun kuya..atleast nakawala ka na sa kanya..at chance mo na to para tuluyang magbago mahirap kasi kung mauulit..baka mawala sayo ang pamilya mo..

tim said...

we always thought that this girl would be the last, and sometimes we forgot to asks our self if she is really the one. being inlove is a choice but to be fooled is not. gilrs is the creme' de la creme' of boys, sometimes they are fragile and easy to get. but we must think that, if the person love you and faithful to you, she will never do anything that will hurt your feelings. And that is what we called REAL LOVE..

Alkapon said...

@ Lababo, hindi lang nauntog, nabukulan pa.

@ Chingoy, sige ikaw ang taya.. he he he

Alkapon said...

@ Xprosaic, naloko na nga pinagtatawanan mo pa ako, buset.. he he he

Alkapon said...

@ Superjaid, tama ka, at na realized ko na rin ngayon ang lahat.. thnks for the advise.

Alkapon said...

@ Tim,

"gilrs is the creme' de la creme' of boys, sometimes they are fragile and easy to get."

ha ha ha, ayos din ang mga banat mo parekoy..

From now on, wala ng love love na yan.. puro libog na lang.. ha ha ha ha

taga-bundok said...

wahahaha! ano ba 'to seryoso?

hay naku, pareng berting. okay lang yan. siempre nagkasala ka sa iyong asawa kapalit ng libog at saya sa ibang kama kapiling ang talipandas na syota... nararapat lang na maramdaman mo ang kaparusahan dulot ng pagtataksil mo sa iyong tunay kabiyak na nagdudulot sa iyo ng tuwa at habambuhay na saya. gayunpaman, kung may susunod pa... bahala ka na sa susunod na karma. :)

seryoso pala 'tong post mo. hay, ewan ko ba naman kasi sa ibang lalake na hindi makuntento. okay lang kasi tumikim ng ibang putahe pero ang bilhin ang buong restaurant eh, mali na yun. kasi may iba rin na tumitikim dian....

Alkapon said...

napaghahalata tuloy na malawak din ang iyong karanasan pagdating sa pambababae pareng anjong, he he he

siguro, sawang sawa ka na rin sa mga iba-ibang putahe dyan sa kinalalagyan mo ngayon..


tama ba?

taga-bundok said...

hehe... ayaw ko naman sa puta-eh. bwahaha!
once is enough, twice is too much, thrice is ewan.
tama na ang minsan nagkalokohan. hehe... pero depende pa rin. :)

gege said...

wuuuuh!!!!!

bravo.

gulat ako dito...
in a sense na humahanga...

unang beses na bisita ni gege!!!
sa uulitin!!!

:P

Mokong™ said...

ipakilala mo sa akin yang talipandas na yan at baka tumino sya dahil isa lang ang T*** ganito kalaki...hahhaa!

livingstain said...

maligayang simbang gabi;.

Alkapon said...

@ Anjong, thrice is dangerous..

@ gege, uu nga pala, bakit ka naman napadpad dine? he he he

@ Mokong, baka hindi kakayanin ng powers mo... mamumulubi ka lang.. he he he

@ Livingstain, honga pala, simbang gabi na.

Ax said...

ayos yan at nakawala ka na. ganyan talaga, yung iba ginagawa ng trabaho ang pagiging kabit. minsan, professional na. dati, probationary pero regular na ngayon.

ayos yan, magandang timing para sa bagong taon. bagong kalayaan mula sa rehas na gawa ng libog pag-ibig.

ito na ang huling araw ng pagtatago.

Alkapon said...

siyanawa.. amen!

bonistation said...

hAHAH tindi ng galit! weh nag enjoy ka naman! hihihi! cheers sa pagbabago!

.pOot! said...

hehe. mukhang bitter ka kuya alkaps, ha.

Alkapon said...

@ Boni, sa ngayon ok na ako, at least maluwag na rin ang kaisipan ko ngayon.

@ Poot, ano sa tingin mo? he he he

karoger said...

asteeg. ang ganda ng pagkakasulat. pwede tong maihanay sa mga okay na literatura. punung puno ng emosyon. ang bigat basahin. haha.

well, parang ang sakit nga. pero pag ganyan, palagi kong sinasabi, baka may pagkukulang ka rin sa kanya. or baka hindi na siya masaya. o baka talagang ganun lang siya. hindi ko alam. baka siya lang may alam o baka kayo lang magkakaintindihan niyan.

wanderingcommuter said...

hindi ko alam kung papaano mag rereact pero sobrang tawa lang ako ng tawa!!!

RICO said...

aus lang un..marami pang tinggil ang maghihintay sayo parekoy..maraming monay sa mundo hahaha...wag k n broken hearted, di ka nag-iisa hehehe

Alkapon said...

@ Karoger, kasingbigat na rin ng dinadala kong burat at pwede ng ihanay sa mga naglalakihang kepyas na tumatambay sa eskita pagsapit ng takip silim. he he he he

Alkapon said...

@ wandering, naputsa, pinagtatawana mo pa ako? anak ka ng teteng.. he he he he

@ Rico, siguro kasama rin kita.. welcome to the club..

Yj said...

OMG ang graphic nito hahahaha

but seriously... nawa'y tuluyan ka ng makalaya... nang sa gayon ay hndi yan maging sumpa sa iyong hinaharap...

an_indecent_mind said...

hindi ako makarelate.. hehehe!

anong kaguluhan to???!

mali ka kung maxado kang aasa sa "panandaliang aliw".. as the word itself, di yan permanente...

missGuided said...

ampalaya? oky lang yan hehe

darbs said...

mukha atang story ito sa isang relationship gone sour or gone bitter. sweet and sour recipe ng relasyon. baka sa pagsulat mong ito ay paraan upang limutin sya...marami...marami pang iba...

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,性愛,性感影片,正妹,聊天室,
情色論壇